MICAELA POV:
Ang init, sobrang init, unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, tumingin tingin din ako sa aking silid pero walang ni isang tao na naroroon, at dahil hindi ko na kaya ang init ay unti-unti kong tinatanggal ang aking suot-suot na puting kimono, ang iniwan ko lang ay ang aking mga panloob, ganon ako kahit noon pa man, kaya sanay na sanay na sa akin si mama. At speaking po kay mama, T_T namimiss ko na siya, kailangan ko talagang makauwi kahit anong mangyari!asan na ba ang gamot? sobrang init na, nahihingal na din ako, at tagaktak na din ang pawis ko.
Kahit ang sama-sama na ng pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon,kailangan kong magbabad sa tubig, ganon kasi ginagawa ko pag sobrang taas ng lagnat ko, wala naman sigurong tao at wala na din naman akong pakialam dahil sexy naman ako, natural lang mag bikini hahaha, timang lang,kaya tumayo na ako at tinungo ang pinto, bubuksan ko na sana iyon ng biglang may bumukas, medyo slow motion pa ako nun kahit nga siguro yung dalawang mata ko nag slow motion din, nagulat na lang ako ng magsalita ito. Boses lalaki, halata? O_O.....????
"Bakit ka naka ganyan Prinsesa?",
O_O
tanong niya na halata naman sa tono ng boses niya na gulat na gulat at biglang tumalikod, hindi ba ako sexy?grabe!!!
"Tulungan mo ako, hindi ko na kaya, sobrang init ko na,kailangan ko ng gamot, kailangan ko--", putol kong sabi ng humarap siya sa akin at biglang ibinalot sa aking naka balandrang katawan ang suot niyang balabal!
"Utang na loob, kung mang-aakit ka lang din naman ay galing-galingan mo, mahiga ka muna dito at tatawagin ko lang ang tagalingkod mo, bakit kasi iniwan ka ng mga iyon?!",
saad niya habang ako eto parang aso na sunod lang din sa inuutos niya. Tumpak! si Jin nga mga besh! Peste! hindi naman ako nang-aakit sa lagay kong 'to?ikaw kaya lagnatin ng ganito kataas, at kung mang-aakit lang din naman ako sayo ay wag kang mag-alala MAS GAGALINGAN KO PA nho!! kaka stress!! Maya-maya ay andyan na din ang aking mga tagalingkod "daw",mas nakaka stress, bantay sarado ka din sa mga ito, grrrr. Lahat silla HINDI KO PA KILALA, waaaah.
Napansin kong ibinigay ni Jin sa kasing edad ko lang siguro ang gamot, yung isa may bitbit na ding isang basong tubig, isang mahabang puting tela at isang maliit na parisukat na yari sa kahoy na naglalaman ng tubig.
"Mahal na Prinsesa, oras na po para uminom ng iyong gamot", magalang niyang sabi ng isa sa mga tagalingkod
"AYAW! SI JIN GAGAWA NIYAN!!", sabi ko na parang bata ng mapatingin ito kay jin.
"Henera--", putol niyang sabi at wala ng pasintabi na kinuha ang gamot na iyon at siya na nag-asikaso.
Kahit nakahiga ako ay dinig na dinig ko ang ilang ulit niyang pagbuntong hininga, samantala ang dalalwang tagalingkod ay nakabantay lang sa ginagawa ni Jin. Kitang kita ko din na binuhos niya sa basong may tubig ang kulang berdeng powder? Bakit powder yun? hinalo niya iyon gamit ang kutsarita at nilingon ako.
"Inumin mo na ito, ubusin mo para hindi masayang", sabi niya sakin na nakatayo pa rin,iniling iling ko ang aking ulo tanda na ayoko..
"Bat ganyan ka? dapat dito ka oh, dapat nilalambing mo ako!kahit na masama pakiramdam ko ayoko niyan!!",sabi ko ng unti-unti akong umiyak.
"Haist, sige na, tahan na, pwede mo na bang inumin ang gamot mo?", sabi niya na wala man lang ka dating-dating!
"aya--w, si mama bini baby niya ako, bakit ikaw? dapaat bini baby mo din akoooo!", iyak kong sabi ng bumuntong hininga na naman siya...
BINABASA MO ANG
BELIEVE
Historical Fictionmay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .