Bago pa man maging isang Changgun o mas kilala bilang Heneral si Jin ay naging DaeJung o Platoon Commander muna ito na nag co command ng twenty five katao. Ang Platoon commander ay isang uri ng military position both central o provincial army sa pakikipagdigma sa ibang panig ng teritoryo na gustong sakupin at maging parti ng kaharian. Sumabak muna siya noong panahon ng digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Kaiden at Conan. Hanggang sa naging Company Commander, Battalion Commander, Regment Commander at hanggang sa naging Bragadier General na nga ito (Army Positioning Post).
General Post!
Kasalukuyan siyang Heneral, Grade 4, pangatlo sa pinakamataas na antas ng rangko. Pero bago pa siya naging Heneral ay naging Nangjang muna ito o mas kilala sa tawag na Lt. Colonel , Grade 6. Si Jin ang ika limang descendant sa pamilyang Lee. Ang kaisa isang anak ni Jong Young Lee. Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling talaga siya sa digmaan bukod pa rito ang taglay niyang katalinuhan. Sa katunayan nga niyan ay madalas siya ang gumagawa ng hakbang at mga taktika kung paano matatalo ang kabilang kupunan. At sa banal na basbas ng bathala ay wala pang digmaan ang hindi niya ipinatalo sa kanyang henerasyon.Ang ama niyang si Jong, noong mga kapanahunan niya ay isang Sang-changgun o supreme general, senior grade 3, ang pinakamataas na rangko ng pagiging general, kung sa mga tactical command rank ay naka linya na ito sa army general na nag co command ng ten thousand to thirty thousand katao ang pinakamataas na rangko. Kasama niya rito si Heneral Leunsoek na isang great general,junior grade 3. Ang dalawa ay matalik na magkaibigan simula't sapol. Sampong taon lang noon si Jin ng masawi ang ama nito. Naiwan siya sa pangangalaga ni Heneral Leunsoek,dahil maagang nasawi ang ina nito pagkasilang sa kanya. Nagkaroon ito ng cardiac arrest upang maging dahilan ng kanyang maagang pagpanaw. Si Heneral Leunsoek na ang nagpalaki sa kanya at sinanay siya bilang isang tapat na mandirigma sa kasaysayan ng Conan.
TATLONG araw na ang nakakalipas ng ideklara ng Hari na maging royal guard ito ni Micaela. Ito ay isang royal command na kailangan niyang sundin sa ayaw niya't sa gusto. Napahilamos na lang siya ng kanyang mukha ng ipaalala sa kanya ng mga kasamahan niya ang additional work niya bukod sa pagiging isang Heneral.
"Kampay! Kampay!", sabay sabi ng kanyang mga kasamahan, habang siya ay tahimik lang sa kabilang mesa.
Wala naman silang pagsasanay bukas kaya agad nagyaya si Myeong na lumabas at mag inuman sa bayan.
"Itong gabing ito! Gusto ko lang sabihin sa inyo na isa ng royal guard ang ating pinuno! Makidiwang tayo sa kanyang dagdag na trabaho!!!", saad ni Myeong at nakipag toast sa lahat na nandoon. Isang oras na silang nag iinuman ng biglang tumayo na ang batang heneral.
"Tara na! Makakasama pa ito sa kalusugan niyo kapag nagpatuloy pa tayo rito", yaya nito habang kinukuha na ang sandatang nakapatong sa mesa.
"Sandali lang naman heneral,minsan na nga lang tayo makakatikim ng alak,ipagdadamot mo pa", bulalas sa kanya ni Myeong.
"Isa itong general command! Sa ayaw niyo't sa gusto, susundin niyo ako! Tumayo na kayo d'yan at babalik na tayo ng palasyo! Wag ng matigas ang ulo!", huling salita niya sa mga ito. Agad namang nagpatianod ang mga kasamahan niya upang bumalik na ng palasyo.
Nadatnan na ng alas dose ng madaling araw si Jin pero gising na gising pa rin ang diwa nito. Hindi siya makatulog kahit anong balikwas niya sa kanyang higaan ay wala pa ring epekto.
Araw araw na kaming magtatalo siguro nito? Kaasar! Sa dinami rami ng pwedeng pagpilian, bakit ako pa? Bulong ng isipan niya. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong hininga at minabuting ipikit na lamang ang mga mata nito kahit na hindi pa ito dinadalaw ng antok.
Late na ng maalimpungatan si Micaela sa kanyang pagkakahiga. Alas dyes na ng umaga ito nagising sa kanyang pagkakatulog ng mahimbing. Bigla siyang bumalikwas ng bangon habang hindi magkamayaw ang mga kamay nito sa pag hawi ng mahaba at magulo niyang buhok.
BINABASA MO ANG
BELIEVE
Fiksi Sejarahmay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .