JIN POV:
Alas kuwatro ng umaga ng bumalikwas na ako sa aking pagkakahiga, palaging ganito ang araw araw kong ginagawa, simulang tumaas ang rangko ko sa aking trabaho ay nasanay na akong nagigising ng ganitong oras. Hindi lang naman ako ang may ganitong routine, lahat kami at ito ay nakasanayan na sa kasaysayan. Bumangon na ako at pumanhik sa banyo. Malapit lang naman iyon sa aking silid. Naligo na at nagbihis. Alas kuwatro y trenta na ng isa isa kong pinagkakatok ang silid ng aking mga kasamahan. Isa isa rin silang nagsilabasan at pumwesto sa likod ng kani kanilang pintuan at sabay nagsiyukuan at bumati. Isa isa kong inenspeksiyon ang mga kasuotan nila, mabuti ng nag do doble ingat at baka ako'y makutusan ng aming kataas taasang heneral. Si heneral karsum na isa ng ganap na supreme general. Pagkatapos kong matiyak na kompleto at sumusunod sila sa batas ay agad na akong nagbigay signal upang simulan na ang pagsasanay.
"Magandang umaga sayo heneral jin, kumusta naman ang lakad mo kahapon ha?", maagang tanong ni Myeong habang tinatapik ang aking balikat.
"Magandang araw rin sayo, ang aga pa para magtanong, pumunta ka na sa hanay mo", tugong utos ko dito.
"Napaka aga pa heneral jin para uminit ang ulo mo! Sige na nga! Basta mamaya ha, mag kwento ka naman", saad nito at kumindat saka umalis papuntang hanay nito.
Sa tulong ni Myeong, Yuen, Gardiou, at iba pang magagaling sa pakikidigmang aking napili bilang isang leader sa aking hukbong nasasakupan ay mas mapapadali akong magbigay ng general command. Sa umpisa ay masyado akong nahihirapan dahil hindi ko alam kung paano i command ang ganitong kalaking hukbong sandatahan, pero sa tulong na ibinigay ni heneral leunsoek ay mas napadali ang lahat. Ang pagsasanay na ito ay ginagawa araw araw at walang paltos! Pwera na lang kung may sakit ka o hindi mo talaga kaya. Mahalagang gawain ito dahil ito ay nagkakahulugan ng paghahanda sa ano mang oras ng panganib. Apat na oras sa umaga, apat na oras sa hapon , pero madalas ay umaabot sa isang araw kapag walang utos mula sa nakatataas. Alas nwebe na ng ako'y makarating sa chamber ng prinsesa. Namataan ko ito sa hindi kalayuan na humihikab pa. Napuyat yata ito. Nang makarating na sa paanan ng chamber nito ay agad akong yumuko at bumati rito.
"Magandang umaga prinsesa angelica", panimula ko
"Magandang umaga rin naman, nahuli ka yata!", asik nito ng mag angat na ako ng aking mukha, siya naman ay bumababa na ng hagdan habang sumusunod sa kanyang likuran ang mga tagalingkod nito.
"Masyado pa namang maaga", tugon ko.
"Kumain ka na ba?", tanong niya ng pumwesto siya sa harapan ko.
"Tapos na", tipid kong tugon rito
"Nag kape ka na ba?", tanong niya ulit
"Hindi ako nagka kape", tipid kong tugon ulit. Hindi talaga ako nag ka kape simulang pagkabata ko.
"Okay, tara na", yaya nito.
"Pupunta ka na sa ganitong oras? Napaka aga naman yata?", tanong ko.
"Sinong may sabing pupunta na ako sa royal academy? Hindi ako pupunta doon ng ganito kaaga",
"Saan?",
"Sa hardin!maganda dun,kaya tayo na", ngiti nito at nag umpisa ng ihakbang ang mga paa nito. Sumunod naman ako sa likuran niya.
Nang makarating na kami sa hardin ay tahimik lamang itong nagmamasid sa ganda ng kapaligiran. Ito ang malawak at pinakamalaking hardin ng palasyo. Malapit ito mismo sa royal academy na siyang pinapasukan ngayon ni angelica. Nakaupo lang ito sa isang tabi na tinatanaw ang malawak na hardin at punong puno ng ibat ibang uri ng bulaklak at halaman,mga nagtataasang punong kahoy. Matatanaw mo rin sa hindi kalayuan ang malawak na uri ng tubig na may tulay sa pagitan nito.
BINABASA MO ANG
BELIEVE
Ficção Históricamay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .