HEAD QUARTERS:
JIN POV:
Lumagok muna ako ng malamig na tubig para mapawi ang aking pagkauwa! Konting konti na lang kasi at mabibigwasan ko na ang isa sa aking mga tauhan! Uhaw na uhaw na akong mabigwasan to eh!
"Nako! Sinasabi ko sayo Heneral Jin! Oras na para lumandi ka!", saad ulit Myeong habang ngumunguya ng tinapay
"Oh ayan karne! Tama ng dada yan", sambit naman ni Yuen na naupo sa tapat ko.
Kumakain kami ngayon, tanghali na, kakatapos lang naming magsanay,pagkatapos nga nito ay maliligo na ako ng maka report na agad ako kay Heneral Leunsuek.
"Ay salamat Yu! Nag aalala lang naman ako sa kalagayan ng Heneral", dagdag pa nito.
Nangalumbaba lang si Yuen habang nakikinig dito.
"Yung tanong! Kanino naman siya lalandi?", tanong ng may halong pang-aasar na saad ni Gardiou,sunod siya sa hanay ni Myeong.
Mga ugok na to!
"Tigil tigilan niyo nga ako!", asik ko habang kumakain, sarap talaga magluto ni Yuen. Pero ano ang koneksiyon?
"Hoy!", asik sakin ni Yuen
Maka hoy sakin wagas! May titulo ako gago!
Tiningnan ko lang siya. Gago to ah..
Oh ano? Aangas ka na naman?"Ano? Aangas ka na naman?", saad ko dito.
"Wala pa naman tayo sa pagsasanay eh kaya balik tayo sa pagkakaibigan!",
"Kaya nga! Break time natin!hahaha", sabat naman ni Myeong. Umeepal na naman eh.
"Sabi ko nga sayo! Gago ka! 25 ka na! Hindi na pwede yang ginagawa mo! Nasa tamang edad kana. Hindi na uso yang pagpapakipot mo at mas lalong hindi ka babae para magpakipot!", salaysay nito.
Aba! Langya to! Sermon pa yata ang abot ko dito!
"Binibigyan ko naman siya ng nakikilala kong mga babae,pero siya naman ang ayaw!", sabat naman ni Myeong
"Ibang klase naman kasing babae ang nirereto mo ungas ka!", sabat naman ni Gardiou
"Pwede ba! Asikasuhin niyo mga buhay niyo,dadating din ako diyan kapag gusto ko na", tugon ko naman sa kanila.
"Nakailang "dadating din ako diyan?" Hoy nung nakaraang taon eh ganyan na ganyan din ang sinabi mo! Hindi ka ba naririndi sa mga new year resolution mo?!", saad naman ni Yuen.
"Hoy! Tumigil na kayo! Pagkatapos niyan asikasuhin niyo ang mga gagamiting sandata niyo,hindi puro buhay ng may buhay inaatupag niyo!!", tugon ko habang nagliligpit ng pinagkainan.
Mga ugok na 'to!
Tumayo na ako at umalis sa kinauupuan ko. Madami pa akong dapat tapusin!
"Heneral ito naman! Nag uumpisa pa nga lang kami eh! Tapos ka na?bumalik ka muna dito", pahabol na sambit ni Myeong pero hindi ko siya pinakinggan.
Pagkatapos kong hugasan ang aking pinagkainan ay pumunta na kaagad ako sa aking silid.
Maliit lang naman ang aking silid,pagpasok mo ay higaan na, sa kaliwang bahagi ay kabinet ko na at maliit na lamesa na may bangko. Sa kanan naman ay ang aking bintana, walang kurtina yon at ayoko din naman.
Binuksan ko agad ang kabinet at kumuha ng ga susuotin kong damit panloob at tapis. Yung mga proteksiyon pananggalang ko at mga sandata ay nasa kabilang quarter naman yun.
Isa-isa kong hinubad ang aking mga damit at nagtapis na ako. Kinuha ko din ang aking sabon at syempre ang isusuot ko pagkatapos kong maligo.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
BELIEVE
Ficção Históricamay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .