CHAPTER 1 - The Gift

203 8 2
                                    

.

.

.

Half Filipino at half Korean si Micaela Angelica Garcia Yoon Sue, ipinanganak sa South Seoul Korea kasama ang ina nitong si Scarlet Garcia at ang ama niya na si Jeong Yoon Sue na parehong nagtatrabaho sa kookmin bank sa Gangnam.


Simple lang ang pamumuhay nila, hindi man kasing yaman o kasing hirap pero masasabi naman niyang napaka swerte niya sa kung anong meron ang kaniyang pamilya.


Pero isang araw sa hindi niya malamang kadahilan ay bigla na lang nasira ang pagsasama ng kanyang mga magulang. Umuwi sila ng kanyang ina na si Scarlet sa Pilipinas at naiwan naman ang kanyang ama na si Jeong sa Seoul.

Sa Pilipinas na siya lumaki at nagkaisip, ngayon nga ay kasalukuyang siyang nag-aaral sa isang pampublikong paaralan sa Kawit, Cavite.


3rd year College na siya ngayon sa kursong BS in Accountancy dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang ina na ngayon ay nag tatrabaho sa isang banko sa mismong lugar na iyon.

.

.

.

Araw na naman ng lunes, pasukan na naman, kaya maaga siyang bumangon sa kanyang kama at nag tuloy tuloy na sa banyo. Naligo at nagbihis, pumanhik agad sa kusina kung saan naroroon ang kanyang ina na kasalukuyang nagluluto ng kanilang agahan.


"Good morning anak", maagang pagbati ng kanyang ina sa kanya sabay halik sa kanyang sintido.


"Good morning din po mama", saad niya at hinalikan din ang kanyang ina sa pisngi.


"siya nga pala umuwi ka mamaya ng maaga", sabi ng kanyang ina na noo'y naglalagay na ng kanin sa plato niya.


"bakit po?", tanong ni mica habang kumukuha ng isang ham at isang hotdog sa plato.


"bibisitahin kasi natin ang lola mo, gusto ka daw niyang makita", saad ng kanyang ina na naupo na sa silya na yari sa mahoganing kahoy.


" ganon po ba, sige po, uuwin po ako ng maaga", sabi niya habang sumusubo na.

.

.

.

Papasok na siya sa gate ng tawagin siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Yhen Que, isang half Chinese at half Filipino si Yhen, mula elementary hanggang kolehiyo ay palagi silang magkasama nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Papasok na siya sa gate ng tawagin siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Yhen Que, isang half Chinese at half Filipino si Yhen, mula elementary hanggang kolehiyo ay palagi silang magkasama nito.


"Good morning besh", panimula ni Yhen sabay yakap ky Mica


"Good morning too, ang sigla mo yata ngayon ha, anong meron?", tanong sa kanya ni Mica habang papasok na sila sa entrance ng gate.


BELIEVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon