CHAPTER 9

29 2 0
                                    

HENERAL LEUNSOEK POV:

Andito ako ngayon at nagbabantay sa labas ng silid ng kamahal Andrew, ang aking 50 katao na siyang nag eenspeksiyon sa mga dala-dalang regalo at kagamitan ng mga taong inanyayahan ng kamahalan sa gaganapin ngayon na koronasyon sa prinsesa micaela ay nasa unang gate ng palasyo, ang iba ko pang mga tauhan ay pansamantalang nasa ikalawang gate na ganun din ang ginagawa, hinihintay ko pa ngayon ang pagdating ni heneral jin at ang kanyang hukbo upang mapalaki pa namin ang pwersa ng hukbong sandatahan. Si Heneral Karsum ang nagbabantay at ang kanyang hukbo sa ikatlo at ika apat na gate.

"Heneral Leun?nakarating na ba ng palasyo si Heneral Jin?",

tanong sa akin ng Hari na kakalabas lang nito sa kanyang chamber, kakatapos lang nitong ayusan ng knayang mga tagalingkod, yumuko muna ako bago magsalita.


"hindi pa kamahalan, pero natitiyak kong malapit na silang makarating",


"ganoon ba, teka si Reyna Merdeth nakalabas na ba ng kanyang chamber?", tanong niya ulit


"hindi pa po Kamahalan, wala pa pong mensahe galing sa aking mga tauhan ang nagpunta rito upang magbigay alam",


"ganun ba, tara na, nais kong puntahan ang aking Reyna",


"masusunod Kamahalan", saad ko ng isa-isa kaming sumunod sa kanya at ang walo niyang tagalingkod at ang mga kasapi ng imperial court, marami rami rin sila..

.

.

.

.

.

JIN POV:

Kakarating lang namin at binigyan ko kaagad ng utos ang aking mga tauhan, ang 30 katao ko ay siyang nagbabantay na ngayon sa ikalawang gate ng palasyo, ang 30 ay inutusan kong magmanman at panatilihin ang proteksyon ng palasyo lalo na't inanyayaha...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kakarating lang namin at binigyan ko kaagad ng utos ang aking mga tauhan, ang 30 katao ko ay siyang nagbabantay na ngayon sa ikalawang gate ng palasyo, ang 30 ay inutusan kong magmanman at panatilihin ang proteksyon ng palasyo lalo na't inanyayahan ng kamahalan ang buong territoryo ng conan upang masilayan ang koronasyon na magaganap maya-maya. Papunta kami ngayong apat sa chamber ng Prinsesa, siya nga pala sa kanan ko siya si Yuen ang kusenero namin hahaha tahimik lang yan, sumunod sa akin ay si Gadiuo, at ang sa kaliwa si Myeong, ang pasaway sa lahat, kita niyo naman ang kanyang kasuotan diba,hahaha, mamaya na ako magrereport sa kamahalan at kay Heneral Leunsoek!


"Yuen kelan ka ba magluluto ng masarap na sopas?gustong gusto ko yun eh,hahaha", sabi ni Gadiuo, mamaya na pag-usapan yan, hindi ako mapakali takte!!!


"mamaya o bukas o sa makalawa, hindi ko pa alam", sabi sa kanya ni yuen habang kami ay naglalakad


"naku! basta sakin ang pinakamaraming sahog ha!!",sabat naman ni myeong



"PWEDE BA!MAMAYA NA YAN!", inis kong sabi ng magsitahimik ang mga ito, BUTI NAMAN!

Ilang sandali pa ay nasa harapan na kami ng chamber ng prinsesa, nasa loob pa yata ito, huminga ka ng malalim JIN YOUNG LEE! kailangan kong kumalma kung hindi!!! ewan ko na lang.



BELIEVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon