Nang makapasok na sa mahiwagang lagusan ang labing dalawang mandirigma at si micaela na buhat buhat ngayon sa mga bisig ng batang heneral na si Jin Young Lee ay natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang napakalawak na lupain sa bandang timog. At iyon ang tinatawag na Kaharian ng Conan.
May iba't ibang kaharian ang mundo!
Kaharian ng Manaeki sa Hilaga!
Kaharian ng Souhijo sa Silangan!
Kaharian ng Kaiden sa Kanluran
Kaharian ng Conan sa Timog, kung saan naroroon ngayon si Micaela!
Lahat ng Kaharian ay may kanya kanyang pinangangalagaan at pinoprotektahan.
.
.
.
KAHARIAN NG CONAN:
.
.
.
JIN POV :
Sa wakas at nakarating na rin kaming lahat, makakakain na ulit ako ng masasarap mamaya.
Pumasok na ako sa loob ng palasyo buhat buhat ko ngayon ang walang malay na babaeng
Ang bigat niya ha! -_-
Dumiretso kaagad ako sa kinaroroonan ng mMahal na Hari
Mabuti na lang at pinagbuksan agad ako ng mga kawal na nakabantay sa malaking pintuan ng palasyo, alam na siguro nila na ang buhat buhat ko ngayon ay ang nawawalang anak ng Hari at Reyna.
"Kamahalan, nandito na po si Heneral Jin, at ang mga kasama at ang Mahal na Prinsesa ", sabi niya at sinenyasan ako na pumasok na sa loob, naglakad ako hanggang sa makapasok sa napakalaking silid na iyon, dito ginagawa ang pag pupulong pulong ng mga opisyal at kasapi ng Palasyo.
Tumayo ako sa harapan niya na mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang paglingon niya sa akin, este sa amin ng babaeng buhat buhat ko ngayon, pang bride ang pagbuhat ko kaya makikita niya kaagad ang babae este prinsesa.
"kamahalan nandito na po ang Mahal na Prinsesa",
"salamat dahil nahanap niyo siya, georjo ipatawag mo ngayon din ang dalawang tagalingkod ng palasyo ng sa gayon ay mabihisan at maalagaan nila ang prinsesa", utos niya sa lalaking nag bukas sa amin ng pinto kanina.
Tumango lang ang lalaki tsaka umalis, naiwan ako doon na nakatayo pa rin sa kanyang harapan at buhat buhat pa rin ang prinsesa, bigla siyang nagsalita.
"nais kong dalhin mo siya sa kanyang silid, para makapag pahinga", sabi niya sa akin na tinititigan ang himbing na himbing na dalaga.
"masusunod Kamahalan", sabi ko at yumuko sa kanya tsaka umalis na ng tuluyan.
.
.
.
Nasa taas ako ng malaking punong kahoy ngayon, at sariwang linalanghap ang sariwang hangin, maganda ang kinalabasan ng misyon naming labing dalawa sa paghahanap ng nawawalang prinsesa ng conan. Teka okay lang kaya siya?iniwan ko na kasi siya sa dalawang babaeng tagalingkod ng palasyo, gising na ba siya ngayon? Napansin ko kasing pag pasok namin sa mahiwagang lagusan na nagdurugtong sa ibang dimension ay agad siyang nawalan ng malay, may kinalaman ba ang enerhiya ng lagusan sa kanya kung saan bumalik kami sa mundo namin? Bakit ko ba inaalala yun?ang importante ay tapus na ang aming misyon sa NGAYON! sa wakas nagbalik na siya. Ang prinsesa ng Conan.

BINABASA MO ANG
BELIEVE
Historical Fictionmay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .