Katatapos lang ng kanilang pagsasanay, at sabay sabay na kumain ng almusal. Hindi alintana ang mga pawis ng bawat isa, ang importante ay makakain sila sa tamang oras.
"Pupunta ka ba ulit sa chamber ng prinsesa?", tanong ni Yuen ng mabasag ang kanina katahimikan
"Oo", tugon naman ni jin na noon ay busy sa pagsubo ng pagkain
"Ano bang klaseng tanong yan yuen? Syempre halos araw araw niya itong binibisita", ngiting sambit ni myeong habang panay kuha ng nakakain sabay lipat sa plato nito
"Konti konti lang! Ako mabubulunan sayo niyan eh", asik naman ni gardiou ng makita kung gaano katakaw si myeong
"Ano ba! Pabayaan mo nga ako! Kumain ka hanggat gusto mo, haist!", tugon naman ni myeong na mababakas sa kanya ang na imbyernang mukha
"Oh tama na yan at baka saan pa yan mapadpad", saway ni jin na tumayo na at nagligpit ng pinagkainan nito
"Tapos ka na niyan heneral?",takang tanong ni myeong rito
"Kailan pa ba kumain nang gabundok si heneral ha? Wag mo siyang itulad sayo", tatawa tawang pang aasar ni gardiou rito
"Haist! Kumain ka nga diyan! Ang dami mo pang kuda", inis na tugon ni myeong
"Pwede ba umayos kayo! itutuloy niyo pa ang pagsasanay mamaya, hoy! Ikaw myeong ang mga sandata sa hanay na nabibilangan mo inspeksyonin mo kung maayos ba ang pagkakahasa o hindi!", utos ng batang heneral
"Maayos yun heneral, ginawa ko na yan kahapon, sus! Yun lang eh, wag kang mag-alala, gagawin ko yan ulit!",ngiting tugon niya
"Mabuti naman kung ganun", saad ni jin
"Ibang klaseng pinuno ito pagdating ng panahon!", ngiting saad ni yuen habang tinatapik sa balikat si myeong
"Ako ng bahala dun, ang alalahanin kamo ni heneral jin kung kailan siya mag-aasawa!!", sambit ulit ni myeong sabay tawa rito. Nagkatinginan lang sila yuen at gardiou at iba pang naroroon. Tumingin lang si jin sa kanya ng may pagbabanta.
"Umayos ka! Ihahambalos ko sayo 'tong plato!", inis nitong tugon saka pa lamang naglakad papalayo sa mga kasamahan.
"Yang bibig mo talaga!", saway ni yuen
"Bakit ba?", tugon naman ni myeong na noon ay panay subo pa rin.
.
.
.
MICAELA POV:
Alas otso y medya na ng ako'y maalimpungatan sa aking mahimbing na pagkakatulog. Bumangon na ako at kinusot kusot muna ang aking mga mata, napahikab ako ng ilang segundo. Ang sarap pang matulog! Nagkamot ako ng aking ulo, sabay hawi sa aking magulong buhok. Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at inunat unat ang aking katawan. Nagulat ako ng may nagbukas ng aking silid.
"Magandang umaga prinsesa", magandang bati sakin ng dalawa.
Napahikab ako ulit bago ako tumugon sa kanila
"Magandang araw din sa inyong dalawa", tugon ko
"Oras na po na kayo'y maligo prinsesa", ngiting saad ni layka
"Ngayon na?", takang tanong ko rito. Tumango lang siya
"Maligo ka po kayo,kasi darating na mamayang alas nwebe impunto si heneral jin", ngiting saad naman sakin ni leyoni. Nag smirk lang ako.
BINABASA MO ANG
BELIEVE
Historical Fictionmay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .