KING ANDREW POV:
Nakapangalumbaba ako ng marinig ko ang munting kahilingan ng aking anak, sus maryosep!
"sige na ama! gusto ko po talagang mamasyal sa bayan ng conan", pakiusap niya sa akin
"Anak, hindi ka pwedeng lumabas ng palasyo, kakatapos lang ng iyong koronasyon ng nakaraang araw, hindi natin alam ang nasa labas",
"tao mo po sila ama, walang mangyayaring masama sakin",
"hindi nga pwede anak, gusto lang kitang protektahan",
"sige na ama, ina sige na, ngayon lang naman eh", paglalambing niya na ngayon ay hawak-hawak ang aming mga kamay
"haist!PERO NGAYON LANG!", sabat naman ng aking reyna O_O, himala pumayag ito, hindi siya basta basta lang pumapayag noon! nasapo ko na lang ang aking ulo.
"siya sige, gaya ng sabi ng iyong ina, ngayon lang", saad ko ng bigla itong tumayo at nagtatatalon kasabay ng matamis na mga ngiti sa kanyang mga labi, nagtinginan na lang kami ng aking reyna sabay tawa.
"oh siya, magpalit ka ng kasuotan, hindi ka pwedeng lumabas ng ganyan", saad ng aking reyna
"wah, wah,wah, maraming salamat po ina, ama, sa ilang linggo kong pananatili dito ay makikita ko na din ang labas ng palasyo", ngiting sabi niya
"siya!, si heneral leunsoek ang sasama at magbabantay sayo, isama mo na dina ng dalawang tagalingkod mo",
"ANO?ANG MATANDANG 'YON? ayoko ama!",
"magaling sa lahat ng bagay ang matandang sinasabi mo anak",
"HINDI ama! ayoko hindi kmi close, nais kong si heneral Jin ang isama at tagabantay kesa sa matandang 'yon, sige na ama",
"hindi siya pwede ngayon, may sinasanay--",
"sige na ama, hindi kami magka edad nun",
"PUMAYAG KA NA NGA ANDREW! NGAYON LANG NAMAN HUMIHINGA ANG ATING ANAK! MAY BUKAS PA ANG PAGSASANAY NA YAN!", sabat naman ng aking reyna! ang mag-ina ko pinagkakaisahan ako
"wag ka namang sumigaw mahal, hindi naman ako bingi, at isa pa hindi naman nalalayo ang kinauupuan natin",
"sige na, si heneral Jin na ang isasama sa pamamasyal mo sa bayan, mag-ingat maliwanag", saad ng aking reyna, ni hindi niya man lang ako tinanong kung okay lang din ba sakin, wala na nga akong nagawa pa.
.
.
.
.
.
JIN POV:
BINABASA MO ANG
BELIEVE
Ficção Históricamay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .