JIN POV:
Pasikat na ang araw ng makarating kami sa bayan ng Yutaka, malapit sa border ng Kaharian ng Manaeki, apat na oras at kalahi ang iginugol namin para matahak ito.Ang buong akala ko ay ako at si Myeong lang ang makakasama ko sa aking paglalakbay, ngunit pinayuhan ako ni Heneral Leunsuek na pati si Gardiou ay isama ko, siya kasi ang bihasa na sa pakikipagdigma at may tiwala ako sa kanya.
Hindi ko sinasabi na lampa si Myeong, pero kapag ihahambing mo kay Gardiou ay mas angat ang isa.
Nasa isang kampo kami at sinalubong agad kami ng isa sa mga tauhan ni Heneral Shin si Liak, ang kanang kamay nito. Magaling din ito sa pakikipagdigma.
"Magandang umaga po Heneral, maligayang pagdating sa Kampo", bating panimula niya sakin.
"Magandang umaga din, siya nga pala si Myeong at Gardiou, ang aking mga kasamahan", saad ko dito.
"Magandang umaga", bati ng dalawa sa kanya.
"Magandang umaga din", sagot niya.
Nagpalinga linga lang ako saglit. May mga kahoy na nakalapigid sa kampo, humakbang ako papalapit dito para makomperma kung matibay ito o hindi.
Kahit na sa kampo ka, dapat alam mo na ang mga nakapaligid sayo ay ma po proteksiyonan ka. Tinapik ko ito, matigas ito. Lumingon ako kay Liak at nag tanong.
"Nasaan si Hen. Shen?" Tanong ko
"Nasa quarter po Hen. Jin, sasamahan ko po kayo na makarating dun",
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at tinahak na namin ang quarter kung saan naroroon ang sugatang Hen.
.
.
.
.QUARTER:
Isang uri ng makapal na tela lang ang pinantakip dito. Hinawi niya ito at pinatuloy kaming tatlo.
Sa pagpasok ko ay namataan ko kaagad ang Hen. Na nakaupo ito sa kanyang kama na yari sa kahoy, may sugat ito sa kanyang tagiliran na tinatakpan ng makapal na puting tela. Humakbang ako papalapit sa kanya.
"Magandang umaga Hen. Shin", bati ko dito.
Nilingon niya ako at ngumiti.
"Magandang umaga din sayo Hen. Jin, maligayang pagdating sa kampo", saad niya sakin.
Akmang tatayo ito pero pinigilan ko.
Baka lumala pa ang natamong sugat nito.
"Mabuti at nakarating ka, dahil sa mga susunod na araw eh hindi ko alam kung mahahawakan ko pa ang hukbong sandatahan, kaya nagpapasalamat ako at nakarating ka", saad nito.
"Maayos na po ba ang lagay ng sugat niyo? Mas mainam pong humiga na lamang kayo", opinyon ko.
"Medyo mahapdi at kumikirot pa ng konti, bumaon ang isang palaso na siyang tinamo ko",
BINABASA MO ANG
BELIEVE
Historical Fictionmay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .