MICAELA POV:
Kita mo ito, basta na lang bumaba ng puno! hindi niya pa nga ako sinasagot eh, hindi naman pala ako nanliligaw,hahaha anyway hello po readers (kaway-kaway)my gas! masyado na pong naiwan sa byahe ang story na ito! ni wala pa kaming romance as in ganern! at na stuck na talaga ako dito! hahaha, pero okay lang basta andito si fafa jin :) haha...na miss ko po kayo :) mwuah3x. Bear with this babies eto na i push na haha. At ayun na nga bumaba na nga siya! so iiwan nya ako? ang sama pa naman ng pakiramdam ko ngayon, ang jinet! as in,partida pa sa suot kong 'to, sarap hubarin!
"Halika na", saad niya sakin habang iniabot ang kanang kamay nito, aba ako naman hindi na nagpatumpik tumpik pa, gorabells na kasi nahihilo na ako, ang sakit ng ulo ko, pinapawisan na ako ng malagkit haist!..inabot ko naman yun para alalayan ako sa pagbaba, sino ba kasi nagsabi sakin na umakyat ako?gusto ko lang naman na makauwi na samin pero paano? ooooh paano?
"salamat, tara ihatid mo na ako, tama ng laro to", sabi ko sa kanya sabay hila
"ibabalik na kita kaya tara na", hila niya din sakin, so ibabaliik mo talaga ako dun? yung totoo?as in? aba pambihira naman oh
"Hep! Hep! Hep! kailangan ko na umuwi, tingnan mo, pag hindi ako naka uwi patay ako sa nanay ko, sa professor ko, may gagawin pa ako sa mga subjects ko nho, mag aaral pa ako, hindi ko pa tapos yung physics ko, kaya gora tara na iuwi mo na ako!", saad ko sa kanya ng bigla akong mawalan ng balance, may gas! eto na nga ba ang sinasabi ko, buti at nahawakan niya ang aking dalawang balikat dahilan ng hindi ko pagbagsak sa lupa! waaaah!!
"ano bang nangyayari sayo?", takang tanong niya sakin, jusko day! ang sama-sama na talaga ng pakiramdam ko, hindi ko na napigilan at masusuka na ako!
O_O
"t--teka, asar", sabi niya at binuhat ako ng pang bride ay grabe siya!
.
.
.
.
.
JIN POV:
Kasalukuyan ko siyang inihihiga sa kanyang kama,at dali-dali kong ipinatawag ang manggagamot upang matingnan kung ano talaga ang nangyari sa kanya, ipinagbigay alam ko din iyon sa Kamahalan.
"Jin? anong nangyari?", nag aalalang tanong ng Hari na ngayon ay narito sa aking harapan, agad naman akong yumuko bago nagsalita.
"nagsususuka po siya at namumutla Kamahalan, at ayoko mang sabihin pero bago po ito nangyari ay pinaghahanap po siya ng kanyang dalawang tagalingkod, marahil ay naisahan niya ang kanyang mga tagalingkod, umakyat din po ito sa puno",
"JUSKO!!SINO ANG NAATASANG MAGBANTAY SA PRINSESA? BAKIT HINDI MO KAAGAD IPINAALAM SA AKIN?!!!!!", sigaw sa akin ng hari, nagulat na lang din ako ng magsalita ang isa sa mga tagalingkod ng prinsesa
"humihingi po kami ng kapatawaran niyo Kamahalan, hindi po namin nabantayan ng maayos ang prinsesa, patawarin niyo po kami", iyak na sabi ng tagalingkod
"PATAWARIN?ANG TATANGA NIYO!!!HINDI NIYO DAPAT INIWAWALA SA PANINGIN NIYO ANG PRINSESA!!!",malakas na sigaw ng hari, ng biglang pumasok din ang reyna na noon ay kakarating lamang kasama ng kanyang anim na mga tagalingkod.
"ANONG NANGYARI? BAKIT ANG PULTA NG ANAK KO?!!!", sigaw niya din, sasagot na sana ako ng biglang magsalita ang manggagamot.
"Kamahalan,base sa aking pag eeksamin ay lagnat po ito,mataas po ang kanyang lagnat kaya siya nagsuka at dahilan na din ng pamumutla niya, kailangan niya lang inomin itong mga halamang gamot, wag niyo din po siyang hahayaan na basa ang kanyang likuran, kumain siya muna bago painomin ng gamot", saad ng manggagamot sa dalawang kamahalan na noon ay nakatayo malapit sa higaan ni mica.
BINABASA MO ANG
BELIEVE
Historical Fictionmay magagawa ka ba upang makabalik sa KASALUKUYAN? o mananatili ka na lang ba sa NAKARAANG PANAHON. . .