Kabanata 2

688 11 0
                                    

Hindi in good terms ang pakikitungo ni Demi at Zymonne sa isa't-isa pag nagkikita sila feeling ko magkakaroon ng gyera sa pagitan nilang dalawa. Sukdulan talaga ang pagkainis nila sa isa't-isa kaya kapag napagkkwentuhan namin ni Demi si Zymonne lumalaki yung butas ng ilong niya.

"Czy, eto walang personalan to sa pagitan namin ni Ellijah ah. Mahal mo ba talaga siya?"

Nginitian ko si Demi alam ko sa puso ko ang sagot.

"Oo naman Demi, mahal na mahal ko si Zymonne."

Umirap siya ng onti at lumungkot ang mga mata niya.

"Mahal mo pa rin siya kahit tinatago ka niya? Kahit hindi niya mapaliwanag sayo bakit ka niya tinatago?"

Ewan ko pero truth hurts talaga kase parang may kumurot sa puso ko ng sabihin sa akin ni Demi ang katotohanan. Ang katotohanan na hindi ako magawang maipakilala ni Zymonne sa lahat. At ang katotohanan na sa tuwing tatanungin ko siya kung bakit hindi niya ko mabigyan ng sagot.

"Diba ganon naman talaga pag nagmahal ka masasaktan ka!"

Umiling naman si Demi sa akin at nilantakan ang pagkain na binili niya.

"Pero sana Czy kapag pagod na pagod ka na. Isuko mo na lang, wala naman kasing magandang maidudulot sayo yung pagmamahal na yan kung palagi ka na lang masasaktan."

Maraming beses ko ng sinubukan na gawin na isuko na lang ang kung anong meron kami ni Zymonne pero kapag gagawin ko na pakiramdam ko hindi ko kaya. Hindi ko kayang bitawan ang nag-iisang bagay na mayroon ako. At ayon ay si Zymonne, madalas man niya kong nasasaktan hindi naman naging dahilan yon para mabawasan ang pagmamahal ko sa kanya at pagmamahal niya sa akin.

Alam ko na mahal ako ni Zymonne kase kung hindi tatagal ba kami ng dalawang taon kung hindi niya ko mahal?

Hindi ko magawang galawin yung pagkain na binigay sa akin ni Third! Wala kase akong gana lalo pa't hindi ko mahanap si Zymonne dito sa loob ng cafeteria.

Sinilip ko ang cellphone ko pero walang text na galing kay Zymonne. This is not him, lagi ko siyang nakikita sa cafeteria kapag lunch nagtitinginan lang kami kapag nandito siya kahit nasa malayo siya sa akin lang siya nakatingin kaya parang magkalapit lang din kami.

Inilapag ko ang cellphone ko sa lamesa at tinuloy ang pagkain. Nagkwento lang sa akin si Demi tungkol sa nangyari sa klase namin kanina.

Bigla akong nataranta ng mapansin ko na umilaw ang cellphone ko at nagflash ang napaka-cute na picture ni Zymonne.

"Speaking of the devil the devil shall call."

Sinenyasan ko si Demi na tumahimik muna siya dahil panigurado magcocomment nanaman yan tungkol kay Zymonne.

"Hello?"

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"Parking lot now."

Ma-awtoridad niyang sabi pero kalmado.

"M-may class ako pagkatapos ng lunch."

Napakagat ako sa labi ko. I don't want to reject him pero kailangan ko munang humanap ng lakas ng loob para harapin siya.

"Babe, I miss you."

As if on cue napatayo ako sa upuan ko at inayos ang gamit ko.

"Where are you?"

Tanong ko sa kanya. I want to run to him. Namiss ko siya, No! Araw-araw namimiss ko siya. Our story is far different from others kaya nagiging dahilan yon para mas hanap-hanapin ko siya.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon