Kabanata 15

244 8 0
                                    

Late akong nagising kinaumagahan kase hindi ako pinatulog ng Autumn Saavedra na yon. Wala si Zymonne pagkagising ko, siguro nasa labas or what.

Usually sa umaga inuuna ko ang pagliligpit ng hinigaan ko but today is different inuna kong kunin ang cellphone ko at mag-online sa social media. To find answers, dapat kagabi ko pa to ginawa pero iniisip ko na magigising si Zymonne sa ilaw ng cellphone, and kung pupunta naman ako sa sala baka magpanic si Zymonne once na nalaman niya na wala ako sa tabi niya.

I typed Autumn Saavedra maraming lumabas pero, mga hindi naman nila mutual friend si Zymonne. Ayoko namang makielam sa social media accounts ni Zymonne kase privacy niya yon.

So dahil nga wala akong nahanap na sagot eh, lumabas na lang ako ng kwarto pagkatapos kong ayusin ang hinigaan ko. Naabutan ko si Zymonne sa veranda ng unit niya, nakaharap siya ng pinto ng kwarto kaya kita niya kaagad ako.

He raised his both hands.

"Hindi ako nagssmoke."

He said ng mapansin niya na tila may hinahanap ako. I don't like him smoking, at alam niya yon. Sabi niya sa akin he quit smoking noong nalaman niya na ayoko sa mga lalaking naninigarilyo.

"Aga mong nagising."

Puna ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at kaagad niya kong niyakap mula sa likuran ko.

"I have to make some calls and I should prepare a breakfast for us."

He is slightly good in cooking I must say it. Sligthly lang, kase depende sa iluluto niyang pagkain. If madali lang naman yon he wont mess with the food pero kapag sa tingin niya mahirap lutuin, pag hindi hilaw....sunog ang pagkain.

He rest his chin on my shoulder. Panakaw niyang hinalikan ang leeg ko.

"Kailangang makabalik ako before 2pm sa apartment may class ako today, you know that. And it's 8:30 am alam kong mabagal kang kumilos kaya please lang Zymonne kumain at maligo ka na."

Rinig ko ang kanyang paghinga sa aking tenga. Bahagya kong ginalaw ang balikat ko.

"I miss you."

Mahina ako pagdating sa kanya, it's like he's my kryptonite. Ewan ko pero dati galit na galit ako kapag may babaeng pilit na tinatanggap ang lalaki kahit na halata namang niloloko siya. Pero heto ako ngayon, bumaliktad ang mundo at nagpapakaloko ako kay Zymonne.

Pumikit ako at ninamnam ang bawat sandali. I miss him too, hindi ko masabi dahil sapat na ang katahimikan para sa aming dalawa.

Bumaba ang kamay niya sa aking palasingsingan. He's touching it gently.

"God, I'm so lucky to have you."

I face him, hinaplos ko ang mukha niya at napapikit siya dahil don.

"I know na pwede kang humanap ng ipapalit mo sa akin, yung lalaking hindi ka itatago sa kung sino man. Pero remember? I promised you that I will tell you my reason just..just give me time..give me time to fix my mess. I don't want to drag you inside my mess. I promise you babe, I'll fix this quickly..and keep on loving me, kase ako babe..Mahal na mahal na mahal kita."

I saw tears on the side of his eyes, pero pinipigilan niya yong bumagsak.

"Bakit mo laging dina-down yung sarili mo? And why you kept on thinking na ipagpapalit kita?"

Mas nauna pa akong magpakawala ng luha kaysa sa kanya. He keep on wiping all my tears away. Panaka-naka niya pang hinahalikan ang mga mata ko para matigil ang pag-iyak ko.

Damn my Zymonne... He never failed to makes me fall for him for every simple things he do.

"Because I'm a jerk."

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon