Kabanata 23

272 6 8
                                    

I am so pissed with Yvo but I'm more pissed at myself! Bakit!? Bakit ko ginawa yon? I shake my head to remove unnecessary thoughts.

"Inis ka lang kase sinungaling siya! Galit ka sa sinungaling!"

I keep on chanting those lines, just for me to chill. Just for me to relax.

Pagkalabas ko ng elevator biglang tumunog ang hawak kong cellphone. It's Yvo!

Matagal akong tumingin sa screen tinatanya ang sarili kung sasagutin ko ba o hindi. Naglakad ako papasok ng unit. Nakakadalawang tawag na si Yvo pero abala ako sa pag-aayos ng aking sarili.

Yvo (home) 3 missed calls

Mabilis akong nag-ayos dahil may naghihintay pa sa akin, sa totoo lang hindi ko rin alam kung anong ispirito ang sumapi sa akin at pumayag akong sumama sa Caleb Francisco na iyon.

Umayos ng tayo si Caleb ng nakita ako sa entrada ng hotel.

"Maam, pinapasabi po ni Ser na pakisagot ang tawag niya."

Lumingon ako kay Kuya Romulo.

"Sige po."

Ayun lang ang nasabi ko at parang naniwala naman siya kaya hindi niya na ko sinabihan ulit.

"So let's go?"

Nakapamulsa si Caleb ng lapitan ako.

"Wait lang."

Sumenyas ako sa kanya.

"Mamamasyal lang po ako kasama tong kaibigan ko. Ganon na lang po ulit ang parameters pwede po ba?"

Hindi sa akin nakabaling ang tingin ni Kuya Romulo, na kay Caleb iyon tila sinusuri niya ang pagkatao nito sa pamamagitan ng panlabas na anyo nito.

"Don't worry po, I'm harmless. I won't do anything."

He raised his hands as if he's defeated. Natatawa pa ang loko. Tumango si Kuya Romulo.

"Rico."

Tumango si Rico at nagsimula na kaming maglakad ni Caleb. Inaalalayan niya ko sa tuwing nararamdaman niya na bumabagal ang lakad ko.

"Ano bang nangyari sayo?"

Kyuryosong tanong nito.

"Nakaapak ako ng bubog." Hindi na siya nagsalita ulit.

"Saan tayo pupunta?"

"Hindi ko rin alam eh, di ka naman pwedeng magswimming kase maalat ang tubig sasakit ang sugat mo. Okay lang ba kung manood na lang tayo ng volleyball? Mga kaibigan ko yung naglalaro doon."

Itinuro niya ang pinanggalingan namin kanina. May mga lalaking naka-topless doon na kalaban ang mga nakabikini na babae. Lumingon sa amin ang isang lalaki at kinawayan siya ni Caleb.

"Okay lang ba?"

Nahihiya ako, pero hindi ako makakatanggi. In the first place ni hindi ko rin nga alam bakit ako sumama sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang tumango.

Mabilis kaming nilapitan ng isang lalaki. May pagkakahawig sila ni Caleb, singkit ang mata at medyo may kahabaan ang kaniyang buhok.

"Kuya! Akala namin bumalik ka na sa hotel."

Tinapik ni Caleb ang balikat ng lalaki.

"Sinamahan ko tong kaibigan ko eh. I'm just there on the other hotel Carlson."

Ngumiti sa akin ang lalaki.

"Hi miss! I'm Carlson."

Iniabot niya ang kamay niya sa akin at mabilis ko iyong tinanggap.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon