Kabanata 16

242 6 0
                                    

"So kamusta ang newly engaged couple?"

Tinakpan ko ang bibig ni Demi. She needs to be quiet or else, Zymonne and I will be damned!

"Shut up! Okay?"

She raised both of her hands as a sign that she'll be quiet.

"So how is it nga? Did he confessed why he kept on hiding you?"

Bulong niya sa akin.

"Still no explanations Dems. Walang pagbabago ganoon pa rin."

Pagod akong umupo at inayos ang bag ko.

"Really? You know there must be something talaga. Bakit di ka mag-imbistiga? You have all the rights on the world to know the answers. You just have a little push on it. Think about it okay?"

Yes! Matagal ko ng pinag-iisipan ang bagay na yan, to investigate...to find answers. Pero iniisip ko na parang pagtataksilan ko si Zymonne if I make a move. Nangako ako na magtitiwala ako at maghihintay na maayos ang lahat!

But Gods! Hanggang kailan ako maghihintay?

Nagpaalam sa akin si Demi na puounta siya doon sa mga ka-group niya, so I let her.

I am young and being young means you can have the love that you deserve.

Minsan iniisip ko na sana iba na lang ang minahal ko, sana hindi ako nagmahal ng kasing kakumplikado ni Zymonne. Madalas akong depressed, alone and in pain when I'm with him. Minsan mawawala siya ng ilang araw and worst weeks siyang nawawala ng walabg pasabi. Magugulat na lang ako na nasa NYC siya o kung saan mang lupalop ng mundo.

Siguro bipolar ako? Minsan hinihiling ko na sana hindi na lang si Zymonne ang pinili ko pero looking at the ring on my finger can erase all the inhibitions I have.

I am so close to be Mrs. Sy might as well savor the moment and wait 'till the right time come that he can tell me everything.

Nilingon ko ang mga ka-grupo ko sa likurang bahagi ng classroom. Yvo, is busy writing on his notes while Leila is texting, while Robi as usual is sleeping! Hindi na ako lumapit sa kanila tutal ay parang wala rin naman akong kasama when I'm with them.

Pumasok ang professor namin na nagpa-activity nung business namin nung U-week, ang alam ko ngayon ia-announce ang nanalo sa U-week at tatanggap ng vacation package somewhere in Batangas, all expenses paid by the university, of course they have the budget for it kase 25% ng kinita noong U-week ay napunta sa university while the rest is donated by the chosen charity of each group.

"Good Afternoon Everyone! I would like to congratulate all of you because you did a job well done performance on your University Week!"

Nagpalakpakan ang lahat dahil sa sinabi ng professor namin.

"So, I will just announce the hard working group for today and the rest of the hour you can use it so you can all rest."

Mas lalong naghiyawan ang lahat dahil sa anunsyo.

"So the winner and the receiver of the 2 weeks accommodation and  vacation package in Anilao Batangas is the group of...."

Tumahimik ang lahat parang may drum roll sa paligid pero wala naman, lahat nagdadasal na sana grupo nila ang mapili.

Sobrang tempting ang prize, biruin mo nakapagbakasyon ka ng libre exempted ka pa sa lahat ng school related activities for two weeks! Kaya lahat nagdadasal na sana sila ang manalo.

"Group of Mr. Cedric Yvo Martinez! Congratulations guys!'

Nagsigawan ang mga kagrupo ko sa likod habang ako, left in hanging ang peg!—Just wow!— nilingon ko sila si Yvo chill lang nakangiti pero hindi kasing energetic ng iba naming ka-grupo na nagtatatalon at sumisigaw pa sa saya!

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon