Kabanata 10

234 5 0
                                    

Nababaliw na ako sa kwentong ito. Sinasakop na ng mga tauhan ng istoryang ito ang pagkatao ko.

Special AN: please do listen to Mess we've made by AJ Rafael and Tori Kelly while reading this chappy. I swear half ng story ang mawawala kapag di mo pinakinggan yon. Promise!

----------------

Naabutan ko sa labas ng office ng prof namin sila Dane at Jacky, mahaba pa rin ang pila para sa mga magpapa-approve bago husgahan ang proposal.

"Finally! Dumating din kayo. Pinag-iisipan na namin ni Dane na takasan na lang tong pinagagawa niyo sa amin no."

Inirapan ako ni Jacky pagkadating na pagkadating ko.

"Maganda ka pa rin naman kahit nainip ka."

Sinamaan ng tingin ni Jacky si Robi. Really? Flirt din siya kahit sa kaibigan niya?

"Whatever Custodio!"

Natawa naman sila Robi at Dane sa inaasal ni Jacky.

"Oh what's with the shirt Mendes? Pati sa soccer team humihingi ka ng remembrance na uniform?"

Aba't kailangan ako talaga ang napapansin niya? Ano bang problema niya sa akin? Hindi ko na lang siya pinansin lalo na't hindi naman siya kapansin-pansin no!

Nakatitig pa din sa akin si Jacky pinahmamasdan ang galaw ko. Hanggang sa napatalon ako ng bigla akong akbayan ni Robi.

"Selosa ka talaga Jacky, it's my shirt."

Nanlaki ang mata ni Jacky sa narinig niya kay Robi.

"W-what!?"

Napatayo pa si Jacky dahil sa sobrang gulat sa sinabi ni Robi. Anaknam tupa naman oh!

"Robi sasapakin na kita!"

Siniko ko si Robi pero hindi katulad ng kanina ay hindi na siya ngumiwi.

"Woahh! Chill lang Erza, nag-eexplain lang naman ako dito kay Jacky para di siya magselos!"

Napapangisi na lang ang dalawang lalaki sa harapan namin ni Jacky, habang etong babaitang ito mukhang sasabog na sa sobrang kainisan sa buhay niya.

"I'm not jelous, kapal ng mukha ah. Tsaka yang si Mendes pagseselosan ko? Wala ngang nagkakagusto dyan."

Ganito lagi ang pangtampulan sa akin ng tukso ng ibang tao. Kung hindi tatanda ng dalaga...walang nagkakagusto. Kung pwede ko lang isigaw sa mundo na pagmamay-ari ako ng isang Sy at binabakuran na ako ni Zymonne malamang walang ganoong bansag sa akin.

"Anong tawag mo sa akin?"

Kung kanina hindi ako sumasang-ayon sa reaksyon ni Jacky na sobrang OA. Ngayon parehas kami ng reaksyon, gulat at nakanganga sa sinabi ng halimaw sa tabi ko. Habang etong hinayupak na si Dane tuwang-tuwa sa mukha namin ni Jacky.

Ano bang trip nitong si Robi? Kanina lang tahimik at pagkasungit-sungit tapos ngayon walang ginawa kundi asarin at initin ang dugo ko.

"Whatever!"

Nag-walk out si Jacky sa amin and then etong dalawang lalaking ito tuwang-tuwa sa nangyare. Seriously? Anong meron? Unggoy lang?

I heard merong hidden agenda itong si Jacky kay Robi, pero ang alam ko matagal na yon. They remained friends after all those agenda.

"Dalawang beses na akong gumagawa ng bagay na mas pabor sayo."

Nagsalubong ang tingin ko habang seryosong nakatingin sa akin si Robi. While Dane in his usual self may sariling tahimik na mundo.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon