Kabanata 3

487 6 0
                                    

Pagkamulat ng diwa ko awtomatikong gumapang ang kamay ko sa tabi ng kama.

Napamulat ako ng walang akong naabutan na Zymonne na katabi. Ipinaikot ko ang kumot sa katawan ko at tumayo. Hinanap ko sa banyo si Zymonne pero wala siya doon. Bumaba ako sa salas pero wala nilingon ko ang kusina pero wala talaga.

Bumigat ang pakiramdam ko na hindi niya man lang ako nahintay na gumising. Imbis na magmukmok sa umaga dahil tinakasan ako ni Zymonne eh dumiretso ako sa kusina para kumain ng agahan.

Maaga pa para pumasok kaya okay lang na mabagal kumilos. May napansin akong may nakatakip doon sa lamesa. Pagkatanggal ko ng takip bumungad sa akin ang apat na layer ng pancake na kada layer ay may umaapaw na chocolate syrup at sa tabi ay may fresh milk na nasa bote.

Napansin ko yung note sa bote.

Good Morning Babe! Please eat before going to school. Di na ko nakapagpaalam sayo, ayokong istorbohin ka sa tulog mo lalo na't ako ang dahilan bakit ka pagod :)

Love, Gwapo at Macho mong boyfriend.

Napangiti ako sa unang parte ng note niya pero napasimangot ako sa bandang gitna. That's it? Wala man lang paliwanag bakit siya umalis? Imposible namang dahil may pasok ngayon kaya siya umalis. Hello? 5:00 am pa lang 8:00am pa ang klase ng buong university.

Hindi maalis sa isip ko yung hindi ko nakita sa umaga si Zymonne. Sobrang aga pa kaya, meaning baka madilim pa nilayasan na niya ko, habang hubo't-hubad at pagod na pagod.

"Ay, nako! Bahala ka. Nakakasira ng ganda kapag sumisimangot sa umaga!"

Sabi ko sa sarili ko habang nilalantakan ang pancakes para naman magkaroon ako ng dahilan para hindi mabadtrip ang buo kong araw.

Sinisilip ko pa nga ang cellphone ko kada kagat ko sa pancake para macheck kung tatawagan o itetext ba ko ng magaling kong boyfriend! Hindi naman sa clingy o big deal sa akin to. Ang gusto ko lang sana iniinform niya ko, he should left a note with a reason! Para naman hindi ako nag-aalala o kaya tawagan niya ko at ipaalala niya na hindi siya naligaw o buhay pa siya!

Ang hirap kase ng halos magdamag kaming naglandian,nag paguran at nag-ungulan tapos pagkagising ko wala na siya. Tinatamad tuloy akong magbihis, kumot pa rin ang saplot ko.

"Uy Good Morning Czy ah? Salamat at dinaan-daanan mo lang ako."

Kantyaw sa akin ni Demi pagkaupo ko sa upuan ko. Nakinig lang ako sa prof ng mataimtim hanggang sa tumunog na ang bell hudyat na lunch na ng lahat ng estudyante.

"Ang hirap maging college, daming chechebureche ng mga prof."

Reklamo ni Demi habang naghahanap kami ng bakanteng lamesa para makakain kame.

Kung si Demi abala sa paghahanap ng bakanteng lamesa, ako abala sa paghahanap sa boyfriend ko. Pero di ko pa nakikita ang mga kaibigan niya sa dati nilang pwesto nakanatili pa rin na bakante yon.

"Girl ano bang problema mo bakit nakasimangot ka dyan? Kanina ka pa ah."

Tanong sakin ni Demi habang inilalapag ang tray.

"Hay nako! Alam ko na yang ganyang mukha. Yan nanamang magaling mong jowa no? Sabi ko kase sayo tigilan mo na yan."

Sinamaan ko siya ng tingin. Tapos bumuga na lang ako ng hangin.

"Ano nanaman ba kaseng nangyare?"

Ikinuwento ko kay Demi lahat ng nangyare. Open kami ni Demi sa isa't-isa pero syempre yung ibang censored part hindi ko na indinetalye sa kanya.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon