Kabanata 18

186 6 3
                                    

Nagsitayuan sila Dennice dahil sa anunsyo, hindi katulad ng iba na masaya at nagpapalakpakan sila ay tila nagulat sa balita.

"Let's leave. Dennice"

Matigas na sabi ni Third, pero si Dennice tulala pa rin sa entablado. Ako? Napaupo na ko sa sobrang pagkadismaya. Nilalaro ko ang daliri ko sa ilalim ng lamesa, nanlalamig na ang aking katawan parang tinatakasan na ko ng sarili kong lakas.

Hindi ko maiangat ang tingin ko.

"E-Erza."

Gusto kong maiyak ng banggitin ni Dennice ang pangalan ko, wala akong nagawa kundi tumingin sa kanya, hagip ng aking mata ang masaya at halatang puno ng pag-ibig na si Zymonne nasa gitna ng entablado yakap ang kanyang fiancè, habang papaakyat na ang mga magulang ng mga ito.

Awa ang nakikita ko sa mga mata nila, pero hindi ko pwedeng ipakita na mahina ako.

"Dennice we should leave."

Ulit ni Third na kaagad akong pinuntahan at itinayo.

Naglakad kami sa kumpol ng mga tao, di ko na namamalayan ang mga nangyayari, basta pinalilibutan ako nila Third palabas ng silid, tila pinoprotektahan ako sa posibiidad na mas dumoble pa ang sakit na nararamdaman ko.

"Don't answer his f-ucking calls and texts. That asshole!"

Kanina pa nagngingitngit sa galit si Third. Bago pa kami makalabas ng tuluyan sa silid ay may humarang samin.

"Where are you all guys going? The party just started. Nakita na ba kayo ni Z?"

Napatigil kaming lahat ng marealize naming maling-mali ang pagpunta dito.

"Uh. Ate Ellise we have to go, may class pa kami bukas"

Si Dennice ay biglang humarang sa harap namin para siya ang sumagot sa tanong. Sinilip ko ang kapatid ni Zymonne, mas maganda ito sa malapit. Pero naagaw ng atensyon nito ang magkahawak na kamay namin ni Third, hindi niya pa ako nakikita dahil malaki ang katawan ni Third.

"Oh. Pero stay muna kayo please I missed you!"

Hindi natatanggal ang mga mata nito sa kamay namin ni Third mas isiniksik ako ni Third sa likuran niya, naglakad papunta sa harap namin si Luis at inakbayan si Dennice para mas matakpan ang paningin ni Ate Ellise.

"We missed you too ate pero kase kailangan na talaga naming umalis, baka malasing ang boys walang maghatid sa akin."

Pilit na tumawa si Dennice para mapagaan ang usapan.

"Sayo? Or sa inyo?"

Hindi ko na alam ano ang nangyari basta biglang humawi ang katawan ni Luis sa harap ko, pero si Third pirmi ang desisyon na protektahan ako.

"Ah. Kaibigan naming bago yan Ate Ellise."

Singit ni Dennice kahit na wala namang sinasabi si Ate Ellise.

"Hi! I'm Ellise, Ellijah's sister."

Alam kong isa itong patibong, pero hindi ako pwedeng bumastos ng tao. Bago ko pa maiabot ang kamay ko ay hinila ni Third ito pabalik.

"Ellise leave her alone."

Nanlaki ang mata ni Ate Ellise gulat dahil sa sinabi ni Third sa kanya. Hindi makapaniwala ang mga reaksyon niya sa.mga nangyayari.

"Oh. Sorry Third."

Bahagya nitong kinagat ang kanyang labi pero matapang na nakatayo sa aming harapan. Tinititigan ako nitong mabuti, agad kong pinahid ang mga namumuong luha sa gilid ng aking mata na ngayon palang papatak kahit kanina pa nagsisimula ang sakit na nararamdaman ko mula sa aking puso.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon