Kabanata 14

228 5 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas, nakapag-donate na kami sa charity na napili namin, nakailang linis na rin ako ng bahay siguro napagbale-balentong ko na yung mga furniture sa sobrang dami kong free time, tuloy ang agos ng buhay pero nananatili pa ring tahimik si Zymonne sa buhay ko. Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong nakita ko siya kasama yung babae, pero dalawang linggo na rin siyang walang paramdam sa akin.

My life has never been this quiet. Walang Zymonne dahil wala naman akong alam kung nasaan siya, walang Demi dahil siguro nagkaroon kami ng tampuhan noong huli kaming nagkita, at walang Yvo necause he's happy with his life with Leila and I'm happy for him.

This week I can consider it as a breathe of fresh air. Walang gumugulo, walang komplikado pero wala rin akong makausap. Maybe I also need this after all what happened to my life ito talaga siguro dapat yung buhay na deserve ko.

Sa sobrang alone ko napagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko at nabigyan ko ng oras ang sarili ko na hindi ko magawa dati. My life is just spinning around Zymonne, ngayong ako lang, nagawa ko yung mga bagay na gusto kong gawin. Nagtatrabaho na ulit ako sa coffeeshop pero part time lang kase ayokong mawala sa focus sa pag-aaral, naisip ko rin kase na hindi pwedeng habang-buhay akong umaasa sa scholarship ko kaya tinatake ko na rin yung mga duty sa coffeeshop.

Ngayon nasa bahay lang ako dahil weekend so I stalk Zymonne on his social media account pero walang current post, so I decided to stalk her sister and I found out na nasa New York City ang buo nilang pamilya dahil may fashion show na in-organize ang mommy nila.

I saw their pictures and their family looks so perfect. They look so happy a picture of a happy family. Nakakita din ako ng picture na nasa kalagitnaan ng park si Zymonne at nagbibisikleta habang malaki ang ngiti at may nakaangkas sa kanyang babae. I don't know if yung ate niya yon kase nakatalikod yung babae sa camera at may suot na makapal na coat habang mahigpit ang yakap kay Zymonne. At may caption yon na.

He's never been this happy. ❤

Nag leave ako sa profile ng ate ni Zymonne at pumunta sa profile ko. Ewan ko pero parang kumirot ang puso ko ng makita ko ang litrato niyang yon. So I decided to type a status.

How can you be happy, when here I am left in a dark room?

Niclick ko ang post at ilang segundo lang ay may nagcomment at like na.

@Demi_god: Aww. Sorry na Czy, I still love you.

Si Demi talaga she always know how to make things up between us.

@ThirdSilverio: Mahal ka non!

Nanlaki ang mata ko sa comment ni Third, hindi ko alam kung may meaning ba yung sinabi niya or it's just a pure normal joke na kinocomment sa mga nag-eemo sa social media.

@cedYvomartinez: I'm always here for you. Always.

Lumambot ang puso ko sa comment ni Yvo.

Ilan pang classmates ang nagcomment na kesyo luma-lovelife na daw ako at kung ano-ano pa. Pero pagkatapos kong magbasa ng ilan pang comment ay nag log out na ako sa account ko.

After kong malaman na nanalo sa game ang university namin at after kumalat sa buong campus na girlfriend ni Zymonne ang babaeng dinala niya sa game wala ng nagpakita na Ellijah Zymonne Sy sa university all of us even me left hanging with the same question kung totoo ang mga speculations about the girl even if alam ko na ako yung girlfriend gusto ko pa rin ng sagot from him na sinisiguro niya na ako lang.

He left the country without saying anything to me, iniisip ko baka kailangan niya ng time para sa sarili niya or baka may inaasikaso nanaman siyang importante tulad ng lagi niyang sinasabi sa akin tuwing nawawala na lang siya bigla.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon