Kabanata 7

274 6 1
                                    

Hiyang-hiya pa din ako sa nangyari noong gabing yon hindi ako nahihiya sa relasyon namin ni Zymonne okay? Nahihiya ako sa dinatnan na itsura namin ni Yvo! Tapos umiral pa ang pagkapilyo ni Zymonne.

"Ano girl? Kanina pa tayo dito, papasok ka ba sa loob o ano?"

Inalog-alog ni Demi ang balikat ko, nandito kami ngayon sa katapat na cofeeshop ng Cofee All You Want, doon kasi kami magme-meet ni Yvo para sa polishing ng proposal. Hinahanap ko pa kase ang lakas ng loob ko para makasama siya ng sarilinan. Kitang-kita namin siya dito sa pwesto namin.

Next week na kase ipapasa ang final proposal. At mag-iisang linggo na din simula ng abutan niya ang eksena ni Zymonne sa apartment.

Hiyang-hiya nga ako sa kanya dahil nagainungaling ako pero slight lang naman diba? Mag-iisang linggo na din kaming nag-iiwasan o ako lang ang umiiwas dahil sa hiya. Ganoon pa din naman ang inaakto niya, kakausapi niya lang ako kapag tungkol sa proposal at lagi pa rin silang magkasama ni Leila.

"Eh kase Demi kami lang dalawa. P-pano kung t-tanungin niya ako tungkol dun sa nangyari? Nakakahiya yon!"

Itinakip ko pa ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Agad namang tinanggal yon ni Demi at hinarap ako sa kanya.

"O ano naman? Magsorry ka na lang, tapos pag nagtanong pa. Sabihin mo...

Pinakinggan ko siya, She coughed to mimicked my voice.

"Ang totoo kase kakatapos lang naming magsex ng boyfriend ko ng dumating ka kaya---

Tinakpan ko ang bibig niya dahil baka kung ano pang masabi niya.

"What!? Oh ngayon hiyang-hiya ka.. Tss!"

Inirapan pa ako ni Demi sabay inom ng inorder niya.

"Sino ba kaseng magaling ang nagbigay sa kanya ng idea na pumunta sa apartment?"

Lumingon sa ibang direksyon si Demi. Pero tinitigan ko lang siya hanggang sa tumingin siya sa akin.

"Okay fine ako! Paano ba naman kase di ka daw niya ma-contact non awang-awa na ako dahil alalang-alala na siya sayo, so I suggest na puntahan ka na lang."

Naabutan daw kase siya ni Yvo sa school noon dahil late ng umuwi si Demi dahil tinapos nila ng mga groupmates nila ang plano nila sa proposal. Nilapitan daw siya ni Yvo at alalang-alala sa akin. Na-guilty ako lalo ng ikwento yon sa akin ni Demi.

"Sinunod niya ba yung payo ko nung pumunta siya sa inyo?"

Kumunot ang noo ko kay Demi, anong pinagsasasabi nito. Nakuha niya siguro na hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Sinabi ko kase sa kanya na naninibago ka na sa kanya.. That he's far different sa Yvo na kilala natin. So sinuggest ko ulit na bumalik siya sa dati niyang itsura para masaya ka na ulit."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya kaagad kong hinila ang buhok niya.

"Aray naman!!"

Napasapo ako sa noo ko sa sinabi niya. Mas lalong nadagdagan ang hiya ko sa katawan dahil sa kadaldalan nitong si Demi.

Kaya pala ganoon ulit ang itsura niya noong pumunta siya ng apartment dahil sinunod niya ang payo ni Demi.

He wants to make me happy.

"Demi naman, ano ka ba? Kung gusto niyang magbago choice niya yon."

Ngumuso si Demi sa harap ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Tumingin ako doon sa may direksyin ni Yvo. Nagbabasa siya ng libro doon.

"Pero masakit diba pag may bago."

Malungkot na sabi ni Demi tumingin ako sa kanya. Seryoso siya inilipat niya ang tingin niya sa kabilang cofeeshop kaya sinundan ko ang tingin niya.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon