Kabanata 21

196 6 6
                                    

Matagal akong umiyak sa kanya, tapos naramdaman ko na lang na may nakabalot na sa aking bathrobe. Siguro iniutos niya sa isa sa nga bodyguards at di ko namalayan.

"Please stop crying."

Paulit-ulit niyang sinasabi yon, hindi ko na alam kung ilang beses basta ganon lang ang sinasabi niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinahid ang luha sa aking pisngi.
Habang siya inaayos ang tali sa harap ng aking bathrobe.

"A-asaan ang nga tauhan mo?"

Nagsalubong ang kanyang kikay dahil sa sinabi ko. I need to divert his attention para naman hindi maging awkward ito para sa aming dalawa.

"Pinalayo ko muna. You're....almost....naked."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"May swimsuit akong suot."

Inayos ko ang medyo tuyo ko ng buhok dahil sumasabog ito sa lakas ng hangin. Suminghot ako dahil sa lamig ng hangin.

"So okay ka na ba?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Nabilang mo na ba kung ilang beses mo ako tinanong niyan?"

Kumunot ang kanyang noo. Tila hirap kung paanong tatanstahin ang emosyon ko.

"Okay lang ako, ako pa ba?"

Tumingin ako sa dagat, di ko sinasadya na lingunin siya at napadpad ang tingin ko sa kanyang tagiliran na may tattoo, hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at hinawakan ko iyon. Nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niya ako na hawakan yon.

"Kailan pa ito?" Malumanay kong sabi sa kanya.

"Matagal na yan."

Iniisip ko kung anong ibig sabihin ng 'matagal' niyang iyon. Matagal ba? As in dati pa nung di pa kami magkakilala o matagal na simula nung nagbago siya?

"Kailan nga?" Kulit ko sa kanya.

"Just last month Erza."

Iba ang sulat ng tattoo niya. It's like a hebrew or what na ewan ko basta nakita ko na to sa isa sa mga subject namin. Ganitong porma ng mga letra.

"What does it mean?"

Tinanggal ko ang kamay ko doon at bumaling muli sa dagat.

"It's nothing. Don't mind it."

Ngumuso ako dahil nagsusungit siya. Ano namang pinagsusungit niya eh tinatanong ko lang naman kung anong ibig sabihin.

Niyakap ko ang aking tuhod. Dumantay si Yvo sa buhanginan sapat para sa pag-upo niya at paghiga. Sakto lang iyong kanyang pwesto pero nasa likod ko ang kanyang katawan kaya di ko siya makita sa tabi ko.

"What are your plans?"

Malumanay niyang sabi, I can't escape this right? Hindi ko laging maiiwas ang topic na ito. Hindi parati!

Umiling ako para maging sagot sa tanong niya. Sa katunayan wala talaga akong plano at wala pa akong naiisip na kahit ano!

"Pano kapag gusto ka niyang kausapin?"

Alam kong isa iyon sa mga walang muang niyang tanong kaya hindi ko siya masisisi kung naitanong niya yon.

"I don't want to talk to him, not now! I'm not yet ready."

At kahit naman siguro matagal pa naming pag-usapan ito ni Zymonne hindi talaga ako magiging handa. Hindi ko inisip na ganitong problema ang pinakasisira sa aming dalawa. I thought mag-aaway lang kamk dahil sa sikreto naming relasyon at ang mga wala niyang pasabing pagkawala. But never in my life na maiisip ko na may malala pa palang dadating sa aming problema.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon