Kabanata 20

179 6 3
                                    

Pagkatapos ng sunog, tulala lang akong iniligtas ng mga kapitbahay namin. Pero si nanay wala na, kasama siyang natupok sa bahay, inilibing ang kanyang katawan sa probinsya, iyak ako ng iyak. Inampon ako ng kaibigan ni nanay na si Ate Wenna, kaibigan ni nanay na nagtitinda sa palengke ng nga matatamis na pagkain.

Inilibing si Nanay sa probinsya, simula noon ipinangako ko sa sarili ko na magiging matapang ako sa lahat ng bagay. Dahil ayon ang kailangan, dahil ako na lang mag-isa sa buhay. Habang nakikitira ako kay Ate Wenna sinikap kong makatulong sa kanya, para man lang kahit papaano ay makabawi ako sa kabaitan niya. Naghanap din ako ng trabaho kahit na bata pa lang ako, sinubukan kong magtinda sa palengke, maglinis ng bahay ng iba, maglabada at gumawa ng mga accessories na gawa sa kabibe para lang makaipon ako at makalayo sa masasamang ala-alang iniwan sa akin ng aming probinsya.

Pitong taon ang iginugol ko para makaipon ng sapat para makapunta ng Maynila, Pitong taon kong tiniis ang mga ala-alang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko, gabi-gabi akong hindi pinapatulog ng nangyari, sobrang sakit.

Kahit na labag sa loob ni Ate Wenna ang pag-alis ko ay hinayaan niya ako, hinayaan niya akong lumaya sa masakit na nakaraan ko at ng aking pamilya. Hindi ko pinabayaan ang pag-aaral ko, masipag akong magpasa ng scholarship form at kumuha ng exam sa mga sikat na unibersidad sa Maynila maswerteng nakakuha ako at sapat ang matatanggap kong allowance, sobra-sobra pa nga!

"Erza, iha kamusta ka na? Ay nagpunta dito ang Ninong mo at hinahanap ka sa akin. Ang sabi ko lang ay umalis ka at hindi ko alam kung saan ka pumunta."

Bungad sa akin ni Ate Wenna ng siya'y tumawag.

"Okay lang po ako dito, Salamat po Ate at hindi niyo sinabi kung nasaan ako."

"Oo naman, wag kang mag-alala."

Tikom ang bibig ni Ate Wenna, hindi niya nga sinabi kahit kanino kung nasaan ako.

Halos ako na ang nagpalaki sa sarili ko, syempre sa una nahihirapan ako dahil wala na akong inatupag gawin kundi ang mag-aral para lang hindi ako maalis sa pagiging scholar na tanging pag-asa ko. At madalas pa ay namimiss ko si nanay, namimiss ko rin ang pag-aasikaso,pag-aalaga at pagmamahal niya sa akin. Kung may paraan lang para hindi na lang siya nawala, siguro ginawa ko na, pero wala. Sa ala-ala at panaginip ko na lang siya nakakasama at nakikita.

Iminulat ko ang mata ko ng may tumatawag sa pangalan ko.

"Erza, wake up you're crying."

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko, nasilaw pa ako sa liwanag na tumatama sa mga mata ko, nakita ko si Yvo na nag-aalala sa akin.

"Umiiyak ka."

Malungkot niyang sabi na siyang kumurot sa puso ko, lagi akong malungkot ayon ang totoo, saglit lang akong sasaya pero agad ding mawawala.

Tipid ko siyang nginitian para mawala ang pag-aalala niya.

"Asaan tayo?"

Tanong ko ng mapansin na nasa loob kami ng kotse niya.

"Batangas."

Napabalikwas ako sa sinabi niya.

"A-ano!?"

Inayos niya ang kambyo ng sasakyan at tsaka nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Ginamit ko na ang prize natin sa activity na ginawa natin sa U-week I hope you don't mind."

Kalmado niyang sabi na parang di alintana sa kanya na hindi ako handa. Nakapambahay akong damit na di na mahalaga kung sino ang nagpalit sa akin. Ang mas mahalaga ngayon ay kung anong plano sa buhay ni Yvo.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon