Kabanata 17

232 7 3
                                    

Yvo left me, sandali lang akong nanatili doon sa park. Tsaka lang ako umalis doon ng mapansin ko na mukhang patapos na ang klase ni Zymonne.

Naglalakad ako papunta sa Business Admi building ng makita ko si Third na pawis na pawis at wala ng neck tie.
He run at my side. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa bag ko.

"There you are."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo ko hinahanap?"

Kinuha niya sa akin ang bag ko, pero hinigpitan ko ang hawak ko doon.

"Give me your things."

Nagsalubong ang kilay niya at umigting ang panga niya dahil hindi ko pa rin binibitawan ang bag ko.

"Pinapasundo ka sa akin ni Zymonne. Pinatawag kasi siya ni coach, may pag-uusapan lang sila sandali. I walk with you hanggang parking lot. Hinihintay na tayo nila Dennice."

Dahil sa sinabi niya hinayaan ko siya na bitbitin ang bag ko.

"Ang tigas ng ulo mo."

Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. Dumaan kami sa soccer field, may mga soccer players na naglalaro doon. Maraming bumati kay Third at ang ilan inaasar pa si Third dahil sa presensya ko at sa bag ko na bitbit niya.

"Kaya ko naman kasing dalin niya. Hindi naman mabigat."

"Don't be a hard headed okay?"

Mas nainis ako sa pagsabi niya ulit non. Hindi ko na siya pinansin, binilisan ko ang lakad ko hanggang sa matanaw ko na ang parking lot.

Kumakaway sa akin si Dennice, nakaupo siya sa front seat ng isang puting sasakyan habang nakabukas ang pinto nito.

"Oh bakit nakasimangot ka?"

Hinalikan niya ako sa pisngi, bitbit pa rin ni Third ang bag ko at dumiretso siya sa kinatatayuan nila Kent at Luis.

"Inasar ka ni Third no? Nako! Ganyan talaga yan. Masanay ka na."

Nginitian ko si Dennice, it feels good na makilala sila. All this time akala ko
habang buhay akong itatago ni Zymonne but now he's starting to freed our relationship.

Nagkwentuhan kami ni Dennice tungkol sa gunagawa ko bilang SA at manghang-mangha siya na nagagawa ko pang pakisamahan si Mrs. Soriano kahit na sobrang sungit na nito dahil sa pagbubuntis niya.

"I admire you Erza, nako starting today mas irerespect ko pa ang mga SA."

Lumapit si Luis sa kanya at may binulong dito. Napatingin si Dennice sa orasan niya.

"Hey! Third ano nasan na si Ellijah akala ko ba mabilis lang silang mag-uusap ni coach? What happen?"

Napatingin ako kay Third na may katext sa cellphone niya. Bitbit niya pa rin ang bag ko.

"Just wait Dennice maybe may binibilin lang si coach."

Lumingon ako kay Dennice na umiirap kay Third. What is happening?

"Can you call him Erza? Baka hindi pinapansin ni Ellijah ang text ni Third baka sakaling pag sayo galing ang text ay sumagot siya."

Tumago ako sa kanya at lumapit kay Third.

"I can carry it okay?"

Nagulat ako ng singhalan ako ni Third. Akmang lalapit na sana sila Luis ng sinenyasan sila ni Third na okay ang kami.

"K-kunin ko lang yung cellphone ko sa pocket."

He let out a sighed, hinayaan niya ako na kunin ang cellphone ko.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon