Kabanata 12

208 5 3
                                    

Sinalubong ako ng malakas na tugtog at maiingay na tao. Ganito kaagad ang bumungad sa akin habang nasa entrance palang kami ng Zone86.

Hinila ko pababa ang suot kong maroon fitted dress na may deep cut sa dibdib. Eto lang ang sa tingin ko ay aangkop sa lugar na to. Bukod dito eh puro pants at pencil skirt na ang mayroon ako. Kaya wala akong choice kundi suotin to.

Walang pila pero maraming tao ang mga nakaharang sa entrance kaya matagal bago makapasok sa loob. The place were jam packed with people who wants to party.

Nagulat ako ng may kumapit sa braso ko at hinila ako. It was Yvo, saglit niya kong tiningnan para bang sinusuri niya kung okay lang ako. Nginitian ko siya.

"Magkakasipon ka sa suot mo."

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. I was about to say something ng maabutan ko na hinuhubad na niya ang jacket niya para iabot sa akin.

"O-okay lang ako."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko,imbis na pansinin niya ay ipinatong niya sa balikat ko ang jacket niya.

"Hindi mo pa kailangan yan ngayon, pero trust me you'll need it later."

Hindi na ko nagsalita, isinuot ko na lang ng maayos ang jacket. Nasa bunganga na kami ng entrance ng harangin ako ng bouncer.

Bago pa makapagsalita ang bouncer ay umalma na kaagad si Yvo.

"She's with me."

Agad kaming pinapasok dahil sa sinabi ni Yvo.

And there para akong nasa dagat ng mga tao na gustong magsaya sa saliw ng malakas at energetic na musika.

"Stay close with me. You might get lost."

Tumango ako kay Yvo. Humakbang siya ng isa kaya sinundan ko siya. Pero nagtataka ako ng tumigil siya.

"I said stay close!"

Pasigaw na sabi ni Yvo dahil sa ingay ng music. Inilapit ko pa ng bahagya ang sarili ko sa kanya. Nakita ko ang pag-iling niya sabay hablot niya ng kamay ko.

"I mean this close."

Hinila niya ako mas malapit sa kanya. Naghiyawan ang mga tao at mas lumakas ang beat at bass ng music. Parang sumabay ang kaba ko sa lakas ng tugtog.

Naglakad na si Yvo na hawak ang kamay ko, nararamdaman ko pa na paminsan-minsan ay hinihigpitan niya ang hawak niya doon.

Hinila ko ang kamay ko ng makita ko ang grupo ni Leila. Si Robi lang ang nandoon at si Jacky. Tiningnan ako ni Yvo.

"H-hindi na siguro ako mawawala."

He has to buy that idea. Ayokong magtanong pa siya kung bakit. Naiilang ako, yun ang totoo.

Tumango siya sa akin at nagsimula kaming maglakad. Medyo nagulat pa nga si Robi dahil sa pagdating namin.

"Where's Lei?"

Hinanap kaagad ni Yvo ang girlfriend niya.

"Must be in the dancefloor."

Sagot ni Jacky, agad kong narinig ang malutong na mura ni Robi. Anong problema non?

Nagkibit-balikat lang si Yvo at umupo sa bakanteng couch sa harap ni Robi.

"Oh may kasama ka pala. Akala ko stranger na nawawala eh."

Inismidan ako ni Jacky pero di ko na lang pinansin. Hinila ako ni Yvo para makaupo sa tabi niya.

"What do you want to drink?"

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon