Kabanata 4

446 10 6
                                    

"E-Erza nandito na tayo."

Nagising ako ng may humahaplos sa pisngi ko. Nakatulog pala ako sa balikat ni Yvo habang nakasakay kami sa tricycle. Parang unggoy nga si Yvo eh tuwang-tuwa parang ngayon lang nakasakay ng tricycle.

Bumaba kami sa tricycle na kalahati ng mga mata ko ay nakapikit na.

"Hey sleepy head where's your key?"

Tinuro ko sa kanya ang bag ko. Ngumiti pa siya ng makita na antok na antok na ko. Pumikit na ng tuluyan ang mga mata ko at naramdaman ko na lumutang na ang katawan ko sa semento. Teka lumilipad ba ako?

Sobrang inaantok na ko ng maramdaman ko na nailapag na ko sa kama.

Nakaramdam ako ng kumot sa katawan ko. Tapos may humahaplos sa buhok ko.

"Sleep. I hope you had fun tonight."

Hindi ko alam pero hinila ko siya pabalik. Iminulat ko ang inaantok kong mga mata.

"Sleep here, gabi na. You can sleep beside me."

Napaawang ang bibig niya sa gulat. Hindi ako nagbibiro at alam ko pa ang sinasabi ko. Malaki ang kama ko King-sized bed kasi tong kama ko pinalitan ko na paano ba naman ang kulit matulog ni Zymonne.

May tiwala naman ako kay Yvo at isang pagkakamali niya lang laslas ang lalamunan niya. Besides alam ko naman na walang gagawing masama si Yvo. Dahil sa sobrang bait niya papasa siyang santo. But seriously I feel safe kapag kasama ko siya.

"Kaya kong umuwi Erza."

Sagot niya sa akin. Pero umiling ako sa kanya. I can't let him.

"No, it's too late. Kapag napabalita sa tv na may natagpuang bangkay dahil umuwi ng gabing-gabi na kokonsensyahin ako. Now sleep."

Napailing siya sa sinabi ko. Tinitigan niya ako ng matagal. Parang sinisukat niya kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. Unti-unti siyang bumuntong hininga at tumango. Now I'm making sense.Napapayag ko siya. Ibinaba niya ang bag niya sa upuan at inilagay ang relo niya sa side table ko.

Maingat siyang humiga sa kama ang laki pa nga ng space eh.

"Don't worry harmless ako."

Natatawa kong sabi sa kanya. Tiningnan ko lang siya habang sinusubukan niyang matulog. Sobrang amo talaga ng mukha niya.
"Paano ako makakatulog kung may tumitingin sa akin?"

Nakapikit niyang sabi kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya kaya napadilat siya.

"What the?--A-anong ginagawa mo?"

Nginitian ko siya at di ko pinansin ang tanong niya sa akin.Umunan ako sa dibdib niya at narinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya.

"I am sleeping. Good Night Yvo. Thank you pinasaya mo ko."

Huminga siya ng maluwag at hinaplos ang buhok ko.

"Good Night Erza!"

Nakatulog ako ng payapa sa saliw ng tibok ng puso niya.

.....

I woke up the next morning na wala na akong katabing Yvo! Napasimangot ako. Lahat na lang ba talaga ng lalaki iiwan ako? Iritable kong tinungo ang kusina habang naghihikab.

"Lahat na lang iniiwan ako. Ano bang mali sakin? Good Morning World!"

Sigaw ko sa habang nakapikit. Napanganga ako ng maabutan kong nagluluto sa kusina si Yvo at nakangiti sa akin. He's only wearing a apron under his topless body. Napalunok ako ng ngumisi siya.

Our Nasty Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon