“Oy! Oy gising!” naramdaman ni Irma na may sumisipa-sipa sa kanya.
Dahan dahan niyang ibinuka ang mata niya at nagulat siya nang makita si Amiere na nakatayo sa kanyang harapan. “Yah! Why are you kicking me?!” bigla siyang napatayo.
“Hindi diyan ang tulugan! Bakit diyan ka natutulog?! Pumasok ka nga dun sa kuwarto mo!” sigaw pa nito.
DUH! Paano naman ako makakapasok kung wala nga akong susi?! “Wala akong susi. Naiwan ko sa loob.” Sabi niya.
“What?!” bigla siyang tuamwa. “Oh sige, good night na lang!” lalakad n asana ito pero bigla na lang niya itong pinigilan.
“Hey hey! San ka pupunta?!” saway ni Irma.
***
Nasa building na si Amiere, dali dali siyang pumasok pero mas lalo siyang na badtrip nang malaman niyang sira ang elevator. Kaya naman nag hagdan na lang siya.
Nang nasa fourth floor na siya, bigla siyang napatigil. May napansin kasi siyang isang pigura ng babaeng nasa may pintuan ng isa sa mga kuwarto ng floor na iyon. Nang pagmasdan niya ito, nakilala niya na si Irma pala.
Ano namang ginagawa niya dun?!
Lumapit pa siya para makita ng malapitan. Ang akala niya nga ay nagtutulog-tulugan pero napansin iyang tulog pala. Yuyuko na sana siya para gisingin ito pero naalala niya kung gaano ito kasungit kaya sinipa sipa na lang niya ng mahina.
“Oy! Oy gising!” sabi niya.
Medyo mga ilang Segundo pa ang lumipas bago nito idinilat ang mga mata. “Yah! Why are you kicking me?!” tumayo na rin yung babae.
“Hindi diyan ang tulugan! Bakit diyan ka natutulog?! Pumasok ka nga dun sa kuwarto mo!” saway ni Amiere.
Tumingin ito sa ibaba, “Wala akong susi. Naiwan ko sa loob.”
“What?! Hahaha!” natawa si Amiere, hindi niya alam, bigla na lang kasi siyang natawa sa sinabi nung babbae. Buti nga, dagdag pa niya. “Oh sige, good night na lang!” Maglalakad n asana siya nang bigla siya nitong hawakan sa braso.
“Hey hey! San ka pupunta?!” sabi ni Irma kay Amiere.
“Aray ko! Makahila ka wagas ah!”
Saka naman niya binitiwan. “Ay, sorry.” Sabi niya.
Medyo naningkit din ang mga mata ni Amiere sa narinig. Matatawa na nga sya eh. Narinig niya kasing nag ‘sorry’ si Irma.
“Ano ulit yung sinabi mo?” tanong ni Amiere.
“Huh?! Wala naman akong sinabi ah?!” napataas pa ang kilay niya. Bigla na lang itong nagsungit ulit.
Bumalik na siya sa sarili niya. Sabi ni Amiere. “Hay nako, maiwan na nga kita diyan. Good luck na lang sayo!”
“Hey hey! Wait lang!”
“Ano?! May kailangan ka?!” humarap na si Amiere dito.
“Pwede bang ….” Napansin din niya na parang nahihiya yung Irma. Napakamot din nga ito sa ulo at hindi makatingin sa kanyang mga mata. “Pwede bang makitulog sa kuwarto mo?”
“Haaa?!!”
“Gosh, ang init naman dito.” Nanlaki naman ang mata ni Amiere. Oo, medyo mainit sa kuwarto niya dahil maliit lang ito. Hindi na masiyadong gumagana yung aircon kaya electric fan lang ang ginagamit niya.
“Ipasok mo na yan bilis!” utos pa nung Irma.
“Oy teka teka, papatulugin na nga kita dito tapos ganyan ka pa? Hindi ka ba talaga marunong magpasalamat?!” medyo naiinis na sabi ni Amiere.
Kung makapag utos na ipasok yung mga gamit niya eh akala mo kung sino.
Bakit nga ba siya pumayag na patulugin ito sa kanyang kuwarto? Eh hindi naman sila magkakilala. Pwedeng pwede niyang iwan na lang ang babae sa tapat nung pintuan kung saan niya ito nakita.
“Eh kasi naman pagod na ako! I need to rest na!” sabi pa nito habang naikot ang paningin sa buong kuwarto. “Uhh…” humarap ito sa kanya. “San nga pala ako matutulog?!”
“Edi diyan sa sofa! Alangan sa kuwarto ko ikaw matulog? Ano yun tabi tayo?!” sigaw niya.
“Hey! Napaka ungentleman mo naman!” sigaw naman nito pabalik sa kanya.
Nung sinabi ‘yon ni Irma, agad niyang binagsak ang mga gamit nito na hawak-hawak niya. “Ungentleman pa ba ‘to? Okay! So paninindigan ko ang sinabi mo. Magiging ungentleman ako.” Nilagpasan niya ito at pumasok na sa loob ng kanyang kuwarto. “Ikaw na bahala magpasok ng mga gamit mo! At diyan ka sa sofa matulog!!”
***
“Ikaw na bahala magpasok ng mga gamit mo! At diyan ka sa sofa matulog!!”
Nagitla si Irma sa sinabi ni Amiere. Pinagmasdan pa niya yung mga gamit niyang nasa tapat ng pintuan. Mga branded pa naman ‘yon!
2:00am
Paikot-ikot siya sa sofa. Halos hindi na nga rin siya makaikot dahil maliit lang ito. Kanina pa siya naiiyak kasi hindi siya makatulog. Napakamalas naman talaga ng araw niya ngayon...
“Nakakainis!” sigaw niya. Saka siya tumingin sa kuwarto ni Amiere, nakasarado na ngayon ang pinto nito.
Naiinggit siya, paano, yung isa tulog na samantalang siya hindi makatulog.
Napaka ungentleman niya SUPER! Kung pwede nga lang magsisisgaw ay ginawa na niya.
She sat on the floor and lean her back sa sofa. Itinaas niya rin ang tuhod niya and ibinaon ang mukha doon. Gusto niyang makatulog, pero hindi talaga siya makatulog dahil wala siya sa kama.
***
“Nakakainis!” napabalikwas si Amiere sa kanyang kama. Ang totoo niyan ay hindi rin siya makatulog. Paano siya makakatulog kung ginagambala siya ng kanyang kunsensiya? Isa pa, sigaw na sigaw si Irma sa labas ng kanyang kuwarto.
Hindi nagtagal, tumayo na siya sa kama at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nakita ni Amiere na nakaupo na si Irma sa lapag at nakasubsob ang mukha sa tuhod habang yakap yakap ito.
“Oy! Bakit hindi ka pa natutulog?!” tanong niya rito. Hindi pa din siya lumalabas ng kuwarto at nakadungaw lang siya.
“A-ano ‘yan?” nagulat si Amiere sa kanyang nakita. Ang itim na kasi ng ilalim ng mata ni Irma at para na itong zombie.
Mukha itong bangag. Ang laki agad ng eyebags at lantang lanta yung itsura, halatang hindi sanay na mapuyat.
“Inaantok ako, obvious ba?!” masungit pa rin nitong sagot sa kanya.
“Eh bakit hindi ka matulog?!” tanong niya.
“Hindi ako makatulog.” Sabay ubob na naman ng mukha nito sa tuhod.
“Ah, kung hindi ka makatulog please magpatulog ka.” Isasara na sana ni Amiere ang pintuan pero bigla siyang napatigil.
Narinig kasi niya itong... humihikbi.
BINABASA MO ANG
The Fall on Summer ♥ [Completed]
Teen FictionKiss the Rain Sequel. "Paano kung nawala sa iyo yung babaeng pinakamamahal mo? Then suddenly, nakakilala ka ng babaeng KAPANGALAN niya but totally kabaliktaran nung una? At paano kung sabihin niyang BOYFRIEND ka na niya til end of Summer? Maiinlove...