“Sabihin mo nga Amiere, buntis ba si Irma?” nanlalaking mata na tanong ng mommy niya sa kanya.
“N-naku ma, hindi po ah...” mabilis niyang sagot. Bakit naman maiisip na buntis? Napabuntong hininga naman ang kanyang mommy pero makikita pa rin ang pag-aalala sa mukha nito.
“Eh bakit tinanan mo yan? Alam ba ng mga magulang ni Irma yan? Pano na lang kapag nalaman ng Daddy mo ang tungkol dito??”
“K-kaya nga po kailangan ko ng tulong niyo eh. Kaya ako nandito para kausapin kayo.”
“O sige, simulan mo nang ipaliwanag kung bakit mo tinanan si Irma.” Tapos tumingin naman ang mommy niya kay Irma na nakaupo sa salas. Nasa kusina kasi sila nag-uusap. Ngumiti pa nga ito nang makitang napatingin sila sa kinaroroonan niya.
Pangiti-ngiti na lang! Kainis kang babae ka eh. Pahamak! Pagmamaktol ng utak ni Amiere.
“Gan'to kasi ma,” hinila ko niya pa ito papasok sa may kusina para hindi marinig ni Irma. “May problema kasi siya sa bahay nila lalo na sa parents niya. Eh hindi naman pwede sa apartment ko siya patuluyin kasi yung pinsan niya eh kalapit ko lang ng unit.” Paliwanag ni Amiere.
“Kaya dinala mo dito?”
“Opo, no choice eh. Kailangan ko siyang tulungan. You know, girlfriend ko eh.” Kinilabutan naman siya nung sinabi niya ang salitang “girlfriend”
“Hay nako,” napakamot naman ang Mommy niya sa ulo. “Eh paano kapag hinanap yan ng mga magulang niya?”
“Eh, siya naman po ang may kagustuhan nun eh. Wala na pong problema dun. Kaya sige na ma, sabihin mo naman kay Dad oh.”
Katahimikan. Kahit na hindi gusto ni Amiere ang ideya na tumira si Irma sa bahay nila ay naisip niya n asana pumayag ang kanyang mommy.
“Alam mo, kung hindi lang kita anak, hindi kita tutulungan.” Nakangiti nitong sabi.
Napangiti naman siya. “Thank you ma,” saka ko nya ito hinalikan sa pisngi. Pumayag na si Mama. Eh si Dad kaya papayag? Haaay nako, bahala na nga.
Pagkatapos nilang mag usap ay lumabas na sila ng salas.
“Ah hija,” sabi ng mommy niya saka tumabi kay Irma. “Ah, pasensiya na kung---“
“Naku ma’am, sorry po sa abala pero I really, really need your help po talaga. Sana po pagbigyan niyo ako. Don’t worry ma’am, kapag naman po maayos na ang lahat, I’ll pay you na lang.” Nag-aalalang sabi nito.
“Ehem.” Napatingin naman ito sa kanya at bumulong siya dito. “Anong pay, pay ang sinasabi mo diyan? TAYO nga di ba?? BF mo ko, ano ka ba...”
“Ay,” tumingin ulit si Irma sa kanyang mommy at tumingin ulit kay Amiere. “Sorry, pumayag na ba? Akala ko kasi hindi...” tapos humarap ulit ito sa mommy niya. “Thank you po ma’am. Ay... TITA. Sorry po talaga. Kailangan lang eh.”
“It’s okay hija, ayos lang naman talaga sa akin eh. Ewan ko na lang sa papa ni Amiere. I hope alam mo na mediyo may gap silang dalawa.”
Napangiti na lang si Irma sa sinabi ng kanyang mommy. Pero kahit na isang ngiti iyon ay hindi niya maiwasang hindi makita na may pag-aalala sa mukha ni Irma. Hindi niya nga mawarian kung nag-aalala ito dahil baka hindi pumayag ang daddy niya o dahil nalaman ni Irma na meron silang gap ng kanyang daddy?
Hindi sila mapakali. Walang pagkakataon na tumitingin sila sa orasan, hinihintay mag gabi para makausap ang kanyang daddy. Gabi na kasi ito umuuwi since may practice pa ang kanilang team. Pero parang tumigil naman ang oras nang marinig nila ang makina ng sasakyan, senyales na nakauwi na ang kaniyang daddy.
BINABASA MO ANG
The Fall on Summer ♥ [Completed]
Teen FictionKiss the Rain Sequel. "Paano kung nawala sa iyo yung babaeng pinakamamahal mo? Then suddenly, nakakilala ka ng babaeng KAPANGALAN niya but totally kabaliktaran nung una? At paano kung sabihin niyang BOYFRIEND ka na niya til end of Summer? Maiinlove...