Fall on Summer ♥ Entry 6

2.9K 57 0
                                    

“Alam mo yung nakakainis, alam mo kung sino Calvin? Ikaw yun!” sigaw ni Amiere sa kanyang kaibigan. Kung hindi nga lang niya talaga kaibigan ito ay kanina pa niya ito inupakan.

“Eh alam ko naman kasi na hindi ka papaya na umuwi dito kung yun lang ang sasabihin kong rason.” sabi nito habang tumatawa.

Tama, nasa bahay si Amiere ngayon. Umuwi siya dahil sabi ni Calvin ay may nangyari sa kanyang ama. At darating na ang kanyang Dad mamaya para pag-usapan daw yung magiging laban ‘ulit’ ng team nila at team nila Reggie. Gaganapin ‘yon sa katapusan ng buwan.

Pero hindi siya sasali.

“Alam mo naman na hindi na ako babalik eh.” Sabi ni Amiere sa buong team.

“Captain, bumalik ka na kasi.” Sabi ni Calvin.

“Nga naman Amiere.” Sabi nung isa.

“Alam ko naman na hindi mo kami matitiis eh.”

“Ang kulit niyo naman eh! Hindi na nga ako babalik pa eh.” Napakunot na ng noo si Amiere. “Hindi na ako babalik.”

“Hayaan niyo na kasi siya. Sino bang may sabi na papuntahin yan dito?”

Napalingon silang lahat sa nagsalita. Sino pa nga ba ang inaasahan niyang magsasabi no’n? Ang Daddy lang naman niya.

“Oo nga, sino ba kasing may sabing papuntahin niyo ako dito?! Wala naman, ayan, mukhang mapapagalitan pa kayo ng coach niyo.” Tatayo na sana siya kaya lang bigla ulit nagsalita ang kanyang daddy.

“Para namang hindi mo ako naging coach Amiere, kung makapag salita ka.”

Hindi siya umusap. Wala kasi siyang masabi. Totoo naman kasi, naging mabuti at magaling naman siyang coach sa team nila. Lalo na kay Amiere.

Pero noon yun. Hindi na siya kasali sa team.

“Sino ba kasing may sabing papuntahin niyo siya? Hindi naman natin siya kailangan eh. Bakit? Ipinapakita niyo sa kanya na siya lang ang inaasahan niyo? Hindi niyo ba kayang ipanalo ang team kahit wala siya? At bakit kayo nag mamakaawa sa kanya ng ganyan na bumalik na sa team?  Hindi natin kailangan ang isang taong wala naman palang pagpapahalaga sa mga kasama niya at hindi natin kailangan ang isang taong sarili lang niya ang iniintindi. Oo, alam ko naman na hindi niya tlaga gusto ang paglalaro pero sana inisip man lang niya na maapektuhan ang buong team oras na mawala siya. Pero ano?!”

Napatingin na siya sa kanyang daddy. Masakit, sa totoo lang, para kay Amiere na marinig ‘yon sa sarili niyang ama.

“Iniwan niya ang team at ngayon nag-iisa siya at patuloy pa din niyang sinisisi ang sarili niya sa isang bagay na alam naman niyang wala siyang kasalanan.”

Napayuko siya nang marinig iyon. Alam na niya ang tinutukoy nito.

Tungkol ‘yon kay Irma.

Hindi rin siya makapaniwala na alam pala ‘yon ng Daddy niya.

Masiyado bang obvious?

“Hindi natin kailangan ang isang  taong mahina ang loob at madaling sumuko. Hindi niyo kailangan mag makaawa sa kanya. Hayaan niyo siya sa kung anong gusto niyang gawin. Kakayanin natin kahit na wala ang tulong niya. Wag niyong ipakita sa kaniya na mahina kayo. Wag niyo siyang gayahin na dahil naiwanan lang eh titigil na sa kung anu man ang nagpapasaya sa kanya.”

Pagkatapos no’n, hindi na siya nakapag pigil at lumabas na lang ng kuwarto. Tinignan muna niya sina Calvin at ang buong team saka siya ngumiti at lumabas ng ng tuluyan sa silid.

The Fall on Summer ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon