Hiwa ng hiwa si Irma. Hindi na nga pantay pantay ang hiwa niya dahil sa masakit ang kanyang kamay. “Ouch!!” bigla siyang napasigaw. Nahiwa niya kasi ang hintuturo nya.
“Oh ano nangyari?” lumapit kaagad si Amiere at kinuha ang kanyang daliri. “Nahiwa?” tanong nito.
“Malamang! Dumudugo nga eh!” pilosopo niyang sagot.
“Teka nga! Marunong ka ba talagang magluto, o hindi? Sabihin mo na lang kasi. At baka bukas wala na yang mga daliri mo sa kamay.” Saka nitoya binuksan yung gripo at hinugasan ang kanyang daliri.
Hawak hawak nito ang kanyang kamay. Hinuhugasan ni Amiere yung daliring nasugatan niya. Napatingin siya dito, at saka siya napangiti.
Ang lambot ng kamay ni Amiere, naisip niya. Mas malambot pa yata sa kamay ko.
“Teka teka, wait! Ako na nga!” hinila niya yung kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Amiere dito.
“Haaay nako. Ako na lang ang magluluto.. Mukhang hindi ka naman marunong sa gawaing kusina.” Saka ito tumalikod at kinuha na yung knife and yung chopping board.
“Oo na, oo na! Hindi na nga ako marunong magluto. Hmp.” she pouted. Kasalanan ba niya kung hindi siya marunong magluto? All she know is to eat! “Sana kasi nag order na lang tayo sa fast food!” sabi niya. Pero gusto pa naman niyang ipagluto si Amiere.
“Hay nako, paano kung mag-asawa ka na? Oorder na lang din kayo sa fast food?”
“Eh marunong ka naman magluto, eh?”
Pagkatapos no’n, nagkatinginan sila.
“I-I mean… Magluto ka na nga lang! Dun muna ko sa salas!” saka siya nagkumaripas ng takbo papuntang salas. Hiyang hiya siya sa sinabi niya kay Amiere.
“Kainan na!” nilapag nito yung plato na may ginisang repolyo. “Masarap yan. Favorite ko yan. Siguro kumakain ka naman ng gulay, hindi ba? So... kumain ka!”
“Bakit gulay? May binili tayong pork ah?” Hindi siya masiyadong kumakain ng vegetables!
“May pork din naman yan ah? Saka… kaya ang payat mo eh hindi ka kumakain ng gulay?”
“Akala ko ba mabigat ako? Kakasabi mo lang last time... Tapos ngayon ang payat ko naman? Pabago-bago.” She pouted.
“Wag ka nang mag pout! Just eat, okay? Mamaya lalabas ulit tayo ng bahay. Alam ko naman na boring ka talaga dito sa loob ng house.” Saka ito umupo at sumandok na ng pagkain.
“Sige na nga po…” saka naman siya ngumiti.
Para kaming nagbabahy-bahayan! Naisip ni Irma.
“Pero saan naman tayo pupunta?” tanong niya dito.
BINABASA MO ANG
The Fall on Summer ♥ [Completed]
Teen FictionKiss the Rain Sequel. "Paano kung nawala sa iyo yung babaeng pinakamamahal mo? Then suddenly, nakakilala ka ng babaeng KAPANGALAN niya but totally kabaliktaran nung una? At paano kung sabihin niyang BOYFRIEND ka na niya til end of Summer? Maiinlove...