Fall on Summer ♥ Entry 1.1

6K 119 37
                                    

Nakatingin siya sa may binatana at nakatulala lang sa malayo. Iyon naman ang madalas niyang gawin kapag may bumabagabag sa kanyang isip. Gustong gusto niya itong ginagawa dahil nalilibrang siya. Marami siyang naiisip tuwing ginagawa niya ito. Ang tanging ayaw niya lang ay kapag naaalala niya ang isang pangyayari.

Ang araw kung kailan magtatapat na sana siya sa babaeng mahal niya.

Ang araw kung kailan sasabihin na niya ang mga salitang “mahal kita,”

Araw kung kailan ipagsisigawan na sana niya sa buong mundo habang umuulan kung gaano ito kaimportante sa kanya.

Araw... na ayaw na niyang maalala pa.

Araw... kung kailan pumanaw ang pinakamamahal niyang babae.

 

*Kring...

Agad napabalik ang kanyang katinuan nang marinig niyang nagring ang kanyang cellphone. Kinuha naman niya ito at sinagot.

“Hello?” sambit niya.

Pre! Mabuti naman at sinagot mo na yung tawag ko sayo!” sabi ng kausap niya sa kabilang linya.

Napabuntong hininga na lang si Amiere. Si Calvin na naman kasi ang tumatawag. “Oh, bakit ka napatawag?”

Sus, parang hindi mo naman alam kung bakit ako tumawag.” Saka tumawa ang nasa kabilang linya.

Ito na naman po, sabi niya sa kanyang isip. Alam niyang mangungulit na naman ang kanyang kaibigan at itatanong na naman sa kanya kung sa’n ba siya nakatira, at gaya ng dati, hindi na naman niya sasabihin.

Limang buwan na ang nakakalipas nang umalis siya sa kanyang bahay. Hindi naman niya talaga gustong lumayas, wala lang talaga siyang choice. Hindi niya kasi maatim tuwing nagkikita sila ng kanyang Daddy. Lalo lang siyang nagu-guilty at lalo lang niyang naaalala ang nangyari noong nakaraang isang taon.

“Hihinto na ako sa pag lalaro ng basketball.” Sabi nya sa daddy niya, isang araw.

Medyo nagulat ang kanyang kausap. Hindi niya nga inaasahan nang bigla itong sumigaw. “Bakit ngayon ka pa hihinto?! Alam mo naman na kasagsagan ng kasikatan ng Team natin! Kasikatan MO! Tapos ngayon uurong ka pa?”  

Napa-iling naman ako. So, kasikatan lang pala ng team ang habol niya. “Hindi na ako masaya sa paglalaro, Dad.” Hindi na kasi siya masaya sa kanyang ginagawa.

At may kinalaman iyon sa nangyari kay Irma, isang taon na ang nakakalipas.

Nawalan s’ya ng gana sa lahat ng bagay. Napabayaan na nga rin niya ang kanyang grades. Napabayaan na niya ang paglalaro ng basketball.

Pinabayaan niya ang paglalaro ng basketball. ‘Yon kasi ang unang sinisisi niya kung bakit nawala sa kanya ang isang babaeng mahalaga sa kaniyang buhay.

“Hihinto na ako Dad.” Tumayo siya pagkasabi niya no’n.

The Fall on Summer ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon