“Sorry talaga sa abala hija ah? Talagang wala akong ibang matawagan at mapakiusapan eh. O sige, kailangan ko nang umalis. Ikaw na muna ang bahala kay Amiere ah?”
“Okay po tita.” Saka siya ngumiti. A fake one.
“Sige.” Ngumiti na rin ang mommy ni Amiere at saka lumabas na ng bahay.
Napabuntong hininga na lang siya. Nasa bahay siya nila Amiere ngayon para alagaan ito. Pero bakit siya? Bakit siya pa ang tinawagan ng mommy nito para bantayan ang nakainom na anak? Ah, napaisip si Irma. Oo nga pala, akala pala ng mommy niya totoo akong girlfriend. Ngumiti na lang siya ng mapait.
Napatingin siya sa orasan. Ala una na ng madaling araw. Napabuntong hininga na naman si Irma, tumingin siya kay Amiere na natutulog ngayon sa kama nito. Hindi pa nga siya nakakamove on totally kay Amiere pero ngayon aalagaan pa niya ito.
“Ugh..” ungol nito.
“Pa ugh ugh ka pa diyan eh ginusto mo naman iyan!” sigaw niya rito habang pinipiga yung bimpo. Badtrip, ginawa pa akong taga alaga ni tita ng anak niya! Arg.
Pero naisip niya, ayos na din na makasama niya si Amiere ngayon. Next week na kasi ang alis niya pabalik sa states. Babalik na lang siya do’n kaysa naman tuluyan nang madurog ang puso niya dito.
“Bakit ka naman kasi nag inom? Ano naman ang naisipan mo? Ayan, lantang lanta ka! At kailangan mo pa ng may taga alaga! Baby na baby ka ng mama mo! Grabe pag-aalaga sa iyo to the point na kahit madaling araw eh kahit sino tatawagan may makasama ka lang! Ugh!” reklamo niya habang pinupunasan ang mukha nito.
“Hmmm…”
“Hay nako Amiere! Nakakainis ka!” idinampi niya ang bimbo sa pisngi ni Amiere. Gumalaw naman ito, nalamigan yata.
“Nakakainis ka…” mahinang sabi niya. Tinitignan pa ni Irma ang mukha nito. “Nakakainis ka kahit kailan…”
Bakit ang guwapo mo pa din kahit tulog? Tanong niya sa kanyang sarili. Napailing na lang siya, hindi niya dapat iniisip ‘yon. “Nakakainis ka talaga eh!” sigaw niya ulit.
Nakita niyang kumunot ang noo nito. Naingayan siguro. Napasinaltik na lang si Irma at pinagpatuloy na lang niya ang pagpupunas sa mukha nito. Bigla naman siyang napatigil nang biglang nagsalita si Amiere.
“Irma,”
Nanlamig ang buong katawan ni Irma. Sa simpleng pagbigkas lang nito ng pangalan niya ay meron ng kakaibang epekto sa buong sistema niya. Binanggit niya ba pangalan ko?
“Irma,” ulit ni Amiere.
Lumapit pa si Irma ng tuluyan. “Nandito lang—“ pero hind na niya natapos ang pagsasalita niya nang bigla ulit itong magsalita.
“Bakit mo ako iniwan Irma…”
At do’n, parang nadurog ang puso niya. Oo nga pala, hindi lang ako ang IRMA sa buhay niya.
Pinagmasdan na lang niya ito. Napansin niya naman ang pag-agos ng luha nito sa gilid ng mata. At ang luha naman niya, nakisunod din. Mabuti na lang at tulog si Amiere, hindi siya nito makikitang umiiyak.
“Nakakainis ka... Bakit kasi ang manhid mo?”
Ibinalik na lang niya ang bimpo na kanyang hawak hawak sa maliit na planggana na nasa tabi ng kama ni Amiere. Pinagmasdan niya muna ito sandali bago lumabas ng pintuan.
Bakit hindi na lang ako yung unang Irma na nakilala niya? Bakit hindi na lang ako yung Irma na mahal niya? Bakit hindi na lang ako yung Irma na gusto niyang makasama? Bakit hindi na lang ako?
BINABASA MO ANG
The Fall on Summer ♥ [Completed]
Novela JuvenilKiss the Rain Sequel. "Paano kung nawala sa iyo yung babaeng pinakamamahal mo? Then suddenly, nakakilala ka ng babaeng KAPANGALAN niya but totally kabaliktaran nung una? At paano kung sabihin niyang BOYFRIEND ka na niya til end of Summer? Maiinlove...