Medyo nagulat si Jona sa nakita niya. Siniko pa nga siya ni Calvin habang sinasabing... “Uy, si Reggie ‘yon ah? Anong ginagawa niya dito?” pero nagkibit balikat na lang siya dahil hindi din naman niya alam ang dahilan.
Pagkatapos no’n ay nakapanood na sila ng parang “teledrama” sa TV. Nalaman nilang lahat na may ‘engagement’ si Irma at Reggie at fiancé na niya ito. Nagulantang din siya na uso pa pala ‘yon sa panahon ngayon.
“Aalis muna ko dito. Masiyado nang mabigat ang atmosphere.” Sabi na lang ni Jona at naglakad na siya papunta sa may maliit na duyan sa ilalim ng kumot.
“Hey Jona, may itatanong nga pala ako sayo.” Sumunod naman si Calvin.
Naupo naman na siya sa duyan. “Spill it.”
“Kaano-ano mo si Irma? Bakit parang may nakaraan kayo at Inis na inis na sa kanya?”
Bigla siyang napatingin kay Calvin. Tinanggal pa nga niya yung shades niya bago tumitig sa kanyang boyfriend. Seryoso ang mukha nito nung nagtanong. Minsan nga naisip niya na baka bakla pala ito.
“Alam mo Calvin, napaka chismoso mo pa nga.” Umirap na lang siya bilang sagot.
“Ano ka ba babe, parang hindi mo naman ako kilala. Tsismoso talaga ako.. tanda mo ba nung nag spy ako kina Amiere at Irma nun sa lab? Ikaw kaya nagturo sa akin para maging tsismoso.” Ngumuso pa ito na tumabi sa kanya sa duyan. Muntikan pa nga silang malaglag eh.
“So kasalanan ko pa pala? Tsss.”
“yeah. Kasalanan mo kaya.”
“Tsss…” ulit niya. Wala na siyang mareact.
“Pero okay lang, napalapit naman ako sayo eh..” umakbay ito sa kanya. “Kaya siguro ang init init ng ulo mo dati kay Irma na nerd eh dahil may kilala kang Irma na kinaiinisan mo ngayon… hahaha..”
Tinulak niya ulit si Calvin pero dumikit ulit ito sa kanya. “Tumahimik ka na nga diyan! Nasa langit na yung tao eh,”
“Pero di nga? Ano bang dahilan bakit inis na inis ka kay Irma?” bigla nitong nagtanong ulit.
“Sino bang Irma? Dalawa kaya yung pinag-uusapan natin. DUH.”
“Pareho… “ napangiti pa ito ng nakakaloko.
“Wala. Saka ko na sasabihin sayo.. Saka, ayoko ding pag-usapan.” Umiwas na lang siya ng tingin pero hindi pa din siya tinantanan ni Calvin. Kaso iba na ang sinabi nito...
“Alam mo minsan iniisip ko na napilitan ka lang na sagutin ako eh kasi kinukulit lang kita.”
Bigla tuloy siyang napatingin kay Calvin na hindi na nakatingin sa kanya. Nakatingin na ito sa malayo, pero naroon pa rin ang ngiti sa mga labi ni Calvin.
Kaso hindi alam ni Jona kung ngiting totoo nga ba ito o ano.
“Mahal mo ba ako Jona?”
Ang totoo niyan ay nagulat siya sa tanong ni Calvin. “H-ha?” nauutal niyang tanong. Bakit bigla bigla naman itong nagtatanong nang ganun?
Hindi siya nakapagsalita. Halos ilang Segundo din silang natahimik ni Calvin. Nakatingin siya sa rito pero nakatingin pa rin ito sa malayo. Pero maya-maya lang ay tumingin na ulit ito sa kanya at aka ngumiti.
Bumalik na ito sa pagiging masigla. “Tara swimming tayo?” tapos siya nito hinila papunta do’n sa beach.
Mahal ko ba talaga si Calvin kaya ko siya sinagot? Oh… napipilitan lang ako nung mga panahon na sinabi ko sa kanya ang salitang OO?
BINABASA MO ANG
The Fall on Summer ♥ [Completed]
Novela JuvenilKiss the Rain Sequel. "Paano kung nawala sa iyo yung babaeng pinakamamahal mo? Then suddenly, nakakilala ka ng babaeng KAPANGALAN niya but totally kabaliktaran nung una? At paano kung sabihin niyang BOYFRIEND ka na niya til end of Summer? Maiinlove...