“Uy Pre! Kamusta?” Bati sa kanya ni Calvin. Nasa school na sila para kunin ang kanilang credentials. Last day na kasi ng kuhaan pero ngayon pa lang sila mag-aasikaso.
“Heto, Okay lang.” Sagot ni Amiere sa kaibigan.
“Pre, napano yang black eye mo? Pati yang gasgas mo sa mukha?” Pinagmasdan pa niya ang mukha ni Amiere na may konting pasa.
“Ilayo mo nga iyang mukha mo! Mapagkamalan pa kong bading!”
“Eh napano nga yan? Wag mong sabihin na nakipag away ka? Nagrerebelde ka no?”
“Gagi. Hindi ako nagrerebelde pero parang ganun na nga.”
“Na nagrerebelde ka?”
“Na nakipag away ako! Sabi ko hindi ako nagrerebelde di ba?”
Inakbayan naman siya ni Calvin. “Aba, nagiging bad boy ka na ah!” Sabi nito. Ilang araw din kasi silang hindi nagkita.
“Hindi noh! May tinulungan lang akong babae!” paliwanag niya.
“At nagiging superhero ka na ngayon at may inililigtas ka na? hahaha. Sino naman yan? Pakilala mo naman! Nalaman mo ba ang pangalan?”
“Oo. Pero wag mo nang kilalanin! Ang sama ng ugali eh.” Baka madisappoint ka lang. Maganda nga, ang sama naman ng ugali eh. Dagdag pa niya sa kanyang isip.
“Maganda ba?”
“Oo.”
“Anong pangalan? Sana kinuha mo yung number!”
“Tsss. Hindi ko kukunin ang number ng Irma na yun!”
Napatigil naman si Calvin sa narinig. Nabanggit na naman kasi ni Amiere ang pangalan na Irma.
“Pare hindi ka pa din ba nakakamove on? Patay na si Irma ah!”
Tinignan niya ng masama ang kaibigan. “Calvin, Irma yung pangalan nung babae.” Sabi niya. Medyo nairita pa siya ng kaunti dahil sa asal nito.
“Eh...” napakamot siya sa ulo. “Ganun ba. What a coincidence! Irma din yung name nung girl.”
“Oo nga eh. Pero hindi bagay sa kanya yung pangalan niya. Ang sama kasi ng ugali niya eh.”
“Eh, niligtas mo siya di ba? Bakit pare? Ano ba ang nangyari?!”
Kinuha na nila yung mga kailangan sa school at pagkatapos no’n ay kuwento ni Amiere ang lahat ng nanagyari. Pwera na lang sa “peraho sila ng tinutuluyan” dahil baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkabuko kung saan siya nakatira.
“Whoa! Astig ka pala Pare eh! Biruin mo yon! Baka destiny yan!” sabay tawa nito.
“Naniniwala ka sa Destiny pare? Ang bading mo naman!”
“Hindi pare, nababasa ko lang sa mga libro. So, anong plano sa college? San ka papasok?”
Napatigil si Amiere at napaisip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang mangayayari sa college niya. Hindi pa nga siya nakakapag inquire sa kahit na anong college schools. Kahit ilang buwan na lang ay pasukan na ulit.
“Hindi ko pa nga alam eh. Ikaw?” tanong ni Amiere. Pag-iwas sa usapan.
“Nag offer sa akin ang South University ng scholarship. Opportunity na din yun. Kesa pakawalan ko pa eh di ba. Lahat ng nasa team in-offer-an. Ikaw kasi eh! Umalis alis ka pa sa team! Edi sana sabay tayong mag te-take ng exam dun!” paliwanag ni Calvin.
“Hay nako, bahala na. Kung makapag aral, edi masaya, kung hindi, edi okay lang.”
“Eh bumalik ka na kasi sa team!” yaya ulit niya. Napailing si Amiere, hindi talaga titigil ang kaibigan sa pagkumbinse sa kanya na bumalik sa team.
BINABASA MO ANG
The Fall on Summer ♥ [Completed]
Fiksi RemajaKiss the Rain Sequel. "Paano kung nawala sa iyo yung babaeng pinakamamahal mo? Then suddenly, nakakilala ka ng babaeng KAPANGALAN niya but totally kabaliktaran nung una? At paano kung sabihin niyang BOYFRIEND ka na niya til end of Summer? Maiinlove...