Fall on Summer ♥ Entry 14

2.3K 49 13
                                    

Oright! It’s swimming time! Yahooo!

Tumakbo na si Irma papunta sa may buhangin at tinanggal ang manipis na tela sa kanyang katawan. Lumantad tuloy ang kanyang sexy na pigura kaya naman halos lahat ay napatingin sa kanya.

“Ang sexy pala nitong kasama mo Amiere eh!” sabi ni Calvin. Napahagikgik naman si Irma sa kanyang narinig.

“Ehem..” said naman ni Jona. Napa ‘uh-oh’ tuloy ang boyfriend nito.

Sorry girl! Mas trip akong tignan ng boyfriend mo! Natatawang sabi ni Irma sa isip niya. Tumingin na din siya kay Amiere at hinila na niya ito sa braso. “Amiere, tara swimming na tayo!” yaya niya dito.

“Oy, pwede bang mag saplot ka naman kahit konti? Isuot mo na lang yung kaninang tinanggal mo.” Concern nitong sabi. Napakunot naman ang noo ni Irma, napanguso pa nga siya.

Bakit, boyfriend ko ba siya?

“Ayoko nga. Tara na lang! Bilis! Mag s-swimming ako kaya bakit ko isusuot ‘yon ano ka ba! Tara na kasi!” hinila hila pa niya si Amiere, pero hindi pa rin iro naglalakad.

“Aish, mangingitim ako.” Pagdadahilan nito. “Ikaw din, mangingitim ka.”

“What are sunblocks are for?” sabi niya naman tapos hinila niya ito ulit. “Tara na! Bilis!”

“Okay okay… ang kulit eh.” Napangiti si Irma. Papayag din naman pala si Amiere.

Magakahawak kamay silang na lumusong sa tubig. Nang medyo nasa malalim na part na sila, tubig hanggang dibdib, ay bigla nang bumitaw si Irma kay Amiere. Lumubog pa nga siya sa tubig, inalis ang negative thoughts sa kanyang isipan, lahat lahat ng bumabagabag sa kanya.

Nasa Boracay siya. Naroon siya para magbakasiyon. Naroon siya para hindi mag isip ng makakapag stress sa kanya.

Weee! Ang sarap sa feeling! Grabe! Sabi niya sa kanyang isip habang nakalubog sa ilalim ng tubig. Mga lagpas sampung Segundo rin siyang nakalubog. Idinilat pa nga niya ang mga mata niya habang nasa ilalim siya. Kahit medyo mahapdi dahil sa maalat ay tiniis niya ito.

Kitang kita niya ang ilalim ng tubig – yung putting buhangin, mga ilang shells, yung paa niya. Malinaw, napakalinaw ng tubig.

Hindi nagtagal ay umahon na rin siya. Inihilamos pa nga ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Nakita niya si Amiere na nasa may  buhangin na, kasama sina Calvin. Medyo nainis pa siya dahil iniwan siya nito sa tubig. Paano kung nalunod siya?

 “Amiere!” tawag niya rito. “Come here!”

Pero parang hindi siya nito naririnig.

Okay, bingi-bingihan effect? Tsss. Bahala nga kayo diyan... Ayaw niyong mag swimming eh di huwag!

Lumangoy siya ng lumangoy, marunong naman siya eh. Isa pa, kasali siya sa swimming team nung nasa L.A. pa siya.

“Hey Irma babe.” Bigla siyang napabalikwas nang marinig niya yung boses. Pamiyar kasi.

Hinarap niya ito kaagad.

“What are you doing here?” masungit niyang tanong.

“I’m here on a vacation, sweety.”

“Don’t call me sweety. That’s not my name.” Sweety? Ehhh. Iba ang naiisip ko sa pangalan na yan!!

Lumangoy na siya pabalik kina Amiere pero hinawakan siya nung lalaki sa braso.

“Hey, let’s talk.” Sabi nito, pero bigla siyang pumalag.

“Bitiwan mo ko.” Mahina niyang sabi. “Hindi nga kita kilala eh.”

The Fall on Summer ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon