Fall on Summer ♥ Entry 5

3K 59 4
                                    

 

Inilapag ni Amiere ang bulaklak sa tabi ni Irma.

“Hi Irma, kamusta na? Okay ka lang ba?!” pero nakangiti lang ito sa kanya at pinagmamasdan siya pabalik.

“Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak? Alam ko naman na hindi ka mahilig sa mga bulaklak pero hayan, binilhan kita. Sana naman magustuhan mo.” Ngumiti rin siya rito..

“Namimiss na kita Irma...” sabi niya habang nilalandas ang kamay sa larawan na nasa lapida. Ganun pa rin ang itsura nito, maganda pa din. “Namimiss mo din ba ako?” malungkot niyang tanong.

Mukha na siyang timang sa ginagawa niya. Kinakausap na naman niya ang isang taong kailanman ay hindi na siya sasagutin pa.

Maya-maya, may bigla siyang naramdamang hangin na parang nakapalibot sa kanya. Bigla siyang napangiti. Napapikit na rin si Amiere sa kanyang naramdaman.

“Namimiss mo din pala ako eh.”  Dumilat siya ulit para pagmasdan ang larawan ni Irma. “Bakit mo kasi ako kaagad iniwan?” may tumulong luha.  “Ni hindi pa nga tayo nagiging masaya eh. Wala pa nga tayong happy moments, iniwan mo na ako. Alam mo bang miss na miss na kita?” napakagat na si Amiere sa ibaba niyang labi, pinipigilan ang paghikbi.

“Minsan nga eh naisip ko na sundan kita diyan… Kaya lang alam kong magagalit ka kapag ginawa ko yun. Kaya heto, nandito pa din ako.”

Inayos pa nya ang pagkakalagay ng bulaklak sa puntod ng babaeng mahal niya. Hinawi niya ito sa kaliwa para makita pa niya ng mas maayos yung larawan. Ang ganda talaga ni Irma,sambit niya.

“Alam mo ba Irma, ang daming nagbago sa buhay ko simula nung nawala ka. Madaming mga bagay ang dumating at nawala sa akin. Umalis ako sa team kasi narealize ko na hindi talaga ako masaya sa paglalaro ng basketball. Yun ang alam ko. Kaya naman umalis na ako. Tapos yung dumating… Isang babaeng kapangalan mo. Hindi ba ang weird? Kung kelan naman gusto ko nang mag move on at tanggapin na wala ka na eh saka naman siya dumating. Kada nakikita ko siya eh naaalala kita dahil sa magkapangalan kayo.”

Tapos nakaramdam na naman siya ng hangin.

“Wala. Wala kang kasalanan Irma, desisiyon ko yun. At wag ka din mag alala, kasi masaya na ako ngayon kasi alam kong masaya ka na rin diyan.”

Para talaga siyang timang, kung anu-ano ang kanyang sinasabi.

“Pano Irma, hanggang sa susunod na lang ah?”

Tumayo na siya at saka umalis. Pero bago pa man siya tuluyang makatayo ay bigla nang nag ring ang kanyang cellphone. Sinagot naman niya ito.

“Hello?”

Pare, papa mo inatake daw!”

“Ano?!...”

The Fall on Summer ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon