Fall on Summer ♥ Entry 19

2.2K 44 13
                                    

"Irma.." rinig na rinig ni Irma na tinatawag siya ni Amiere pero wala siyang maintindihan sa nangyayari. Bigla siyang pumikit. Hahalikan ba siya nito?

"Ano yang nasa ilong mo? Dumi? Kulangot? Bakit kulay pula? Ketchup??? Or... DUGO?"

"Ha?" bigla siyang dumilat. Tiinulak naman niya si Amiere at magkalayo na sila ngayon. "Anong pinag sasabi mo diyan? Anong ketchup? Anong dugo?" hinawakan na niya ang ilong niya. May nakapa siyang liquid at pag tingin niya, may dugo nga.

"Oweeem. Bakit may dugo?" nanlalaking mata na tanong niya.

"Relax, relax. Just lift up your head. Itaas mo. Para bumalik yung dugo sa loob." Hinawakan naman siya ni Amiere sa baba at tinulungan siya nitong iangat ang kanyang ulo. Pinunasan na din ni Amiere yung dugo na tumulo gamit ang panyo nito.

Napatingin siya sa side pero mata niya lang yung gumalaw. Ang lapit na naman ng mukha nila. Halos maayos na din niya yung gamit nitong toothpaste.

"Nahihilo ka ba? Masakit ba ulo mo?" tanong ni Amiere.

"Hi-Hindi naman.." pero pakiramdam niya nag-iinit ang buong mukha niya.

"Wala ka bang nararamdaman na masama?"

"Wa-wala." saka siya pumikit.

Sayang yung kanina... pero what the eff, ano yung sinabi niya?

Bigla siyang tumayo. Tapos kinuha na niya yung panyo na hawak nito. "Sorry.. pagod lang siguro ako, good night." Then tumakbo siya papasok sa loob ng bahay at nagpunta na sa kanyang kuwarto.

Agad naman niyang sinara ang pintuan. Sumandal pa nga siya dito.

Breath in, breath out.

Pero malakas pa din ang tibok ng kanyang puso. Umiling-iling pa siya ng maisip ang posibleng dahilan ng pagiging abnormal ng kanyang puso.

I SHOULDN'T BE...

FALLING FOR HIM...

***

"Good Morning!" bati si Amiere sa kanyang mommy na nasa kusina. "Si Dad?" tanong niya at naupo sa harap ng hapag kainan.

"Maagang umalis. Alam mo naman iyon. Nga pala, hindi pa gising si Irma?" tanong ng kanyang mommy.

"Ah... siguro masama ang pakiramdam, mommy. Eh kasi, dumugo ilong nun kagabi eh." Sabay kuha niya ng tinapay.

"Dumugo ang ilong? Why?" nag-aalala namang tanong ng kanyang mommy.

"Dunno." Tipid niyang sagot.

"Na check mo na ba siya? Puntahan mo nga yung girlfriend mo dun sa kuwarto. Baka kung ano na ang nangyayari dun." Tinulak-tulak pa siya ng kanyang mommy.

"O sige po, sige po..." napailing na lang si Amiere saka tumayo. Hindi ko naman totoong girlfriend 'yon eh.

Umakyat na siya ng kuwarto at kumatok sa pintuan ni Irma pero walang sumagot kaya binuksan na niya.

"Irma?" mahina niyang sabi. Agad naman  niyang nakita si Irma na nakahilata pa sa kama at nakatalukbong ng kumot.

Nagulat nga siya nang bigla siyang may marinig na humilik.

"Huh?" ang tanging reaction niya naman. Hindi niya maimagine na maghihilik ng ganon kalakas ang isang magandang babae na katulad nito. Kaya siya lumapit dito, para icheck kung ito nga ba ang humihilik.

Natawa na lang siya nang malamang si Irma nga. Kababaeng tao daig pang humilik ang dadd niya.

Naupo siya sa lapag at dahan dahan niyang ibinaba ang kumot para makita ang mukha ni Irma. Mukha itong anghel 'pag natututlog. Ibang iba kapag gising ito na palaging mang-aaway anytime. Hindi man ito ang unang beses nang makita niyang tulog si Irma pero ito ang unang beses na makita niyang parang mahimbing ang tulog nito. Naisip niya na siguro kahit papano ay nabawasan ang kanyang problema.

The Fall on Summer ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon