Two weeks na lang pasukan na. Miss na niya ang school, miss na niya si Amiere (kahit na medyo masagawa) miss na niyang magpractice ng basketball. Miss na niya ang buong tropa!
At higit sa lahat...
Miss na niya si Jona.
Isang linggo pa lang nung sinabi niya rito na papakawalan n niya ito pero parang kahapon lang nangyari. Sa sobrang sakit at sa bigat ng pakiramdam niya nung sinabi niya yun ay hindi na maalis sa kanyang isipan.
Gumulong na lang siya sa kama at tinignan ang picture ni Jona sa cellphoneniya. Labag naman sa kanyang kalooban ay ginawa niya yun. Kailangan niyang gawin. Pakiramdam kasi niyang hindi na ito masaya sa kanya.
Bakit ko sasakalin yung isang taong alam kong hindi magiging maligaya sa piling ko? Mas mabuti pang masaktan sa hindi namin pagsasama kesa naman sa pakiramdam na napipilitan lang siya kapag magkasama kami.
Tutal, magpapasukan na sa susunod at sa susunod pa na linggo, alam niyang makakaya niyang lagpasan yung pakiramdam na nararamdaman niya ngayon.
Madali lang naman ngumiti eh...
Kaso sa pagd-drama niya, biglang nagring ang kanyang phone.
“Hello?” sagot niya dito.
“Calvin, samahan mo naman ako!” si Amiere.
“Oh eh bakit bigla kang nagyaya ngayon?”
“Ito naman, sasamahan mo lang ako eh!”
“Eh si Irma nasan? Siya na lang pasamahin mo sa iyo. Broken ako pare. I need space.” Pagbibiro niya, pero totoo naman na broken siya.
“Broken, broken ka diyan? Anong pinagsasabi mo?” Hindi pa nga pala nito alam yung nangyari sa kanilang dalawa ni Jona. “Saka, wala na si Irma eh. Kaya ikaw na lang, samahan mo ako!”
“Wah? Wala na si Irma? Pre bakit mo pinakawalan? Hindi na din kayo??”
“Anong hindi na kami? Hindi naman naging kami eh…” paliwanag ng kausap niya sa kabilang linya.
“Teka pre ang gulo. Eh hindi ba kayo nun?”
Paanong hindi naging sila? Eh palag niya ngang kasama yun. Broken din ba siya katulad ko? Tsss. Nakikiuso naman oh.
~
“Paanong hindi naging kayo? Eh hindi ba kayo?” tanong ni Calvin kay Amiere.
“Parang yan din yung tinanong mo kanina nung magkausap tayo sa phone ah? “ asar nitong tanong saka shinoot ang bola.
Magkasami sila ngayon sa court.
“Eh kasi ang gulo pre!”
“Eh kasi, di naman totoo yun eh.” Sagot naman ni Amiere. Tumingin pa ito sa kanya at saka umupo sa kanyang tabi.
Napakamot na lang si Calvin ng ulo. Sinabi niya kung pwedeng ipaliwanag ni Amiere ang totoo dahil hindi niya maintindihan. Hindi nagtagal, naikuwento na rin ni Amiere ang lahat. Lahat lahat ng nangyari...
“Ah okay… ganun pala.” Tumango-tango siya. “So... Malaya ka na?”
“Malaya naman talaga ako eh.. “ sabi nito.
“Eh bakit parang malungkot ka?” tanong niya pabalik.
“Hindi ako malungkot. Di lang ako sanay na walang nangungulit sa akin sa bahay. Kaya eto, tinawagan kita.”
“Ah ganun? Ang sama mo brad! Ganyan ka pala… kapag kailangan mo lang ako eh saka mo ako tatawagan. Nung naghiwalay nga kami ni Jona eh hindi kita tinawagan eh.” Bigla niyang nasabi.
BINABASA MO ANG
The Fall on Summer ♥ [Completed]
Novela JuvenilKiss the Rain Sequel. "Paano kung nawala sa iyo yung babaeng pinakamamahal mo? Then suddenly, nakakilala ka ng babaeng KAPANGALAN niya but totally kabaliktaran nung una? At paano kung sabihin niyang BOYFRIEND ka na niya til end of Summer? Maiinlove...