Fall on Summer ♥ Entry 23

1.9K 43 6
                                    

Halos hindi naman makapaniwala si Sheila sa narinig niya. We’re pretending right? Sabi na nga ba, tama ang kanyang hinala. Hindi talaga totoo na may relasiyon ang pinsan niya at si Amiere. Pinapalabas lang nitong dalawa para tantanan siya ni Reggie. Mabuti na lang at hindi narinig ng kasama niya yung sinabi ng kanyang pinsan. Busy kasi ito sa pagtingin sa cellphone.

Pero ano ito? Ano itong nakikita niya na nangyayari sa stage?

Si Amiere at Irma, sumasali sa “couple” game at naghahalikan ngayon sa stage. Rinig na rinig niya nga kung papaano humiyaw ang mga nanood dahil sa ginagawa nung dalawa.

Kitang kita niya kung paano halikan ni Amiere si Irma. Hindi naman basta kiss lang yung nakikita niya. Napansin niya din kung paano mag respond si Irma sa halik ng partner nito.

At alam niyang hindi lang ito basta halik. She know it... ibang iba.

“So ano? Itutuloy mo pa ba ito? You saw it naman hindi ba? Sumali pa nga sila sa couple game! COUPLE GAME! COUPLE! okay? Better surrender men!” pinalo-palo pa niya si Reggie sa balikat.

“Tssss. Enough iLa!” napasimangot na lang siya. ‘ILA’ pa din kasi ang tawag sa kanya nito.

“So what’s your plan?” nakangiti niya pang sinabi. Alam niyang after nang makita nila ay lulubayan na nito ang pinsan niya.

“I can’t believe with what I just saw! Malamang sa malamang eh pinilit lang ni Amiere iyong si Irma! Kasi, I have a feeling na talaga hindi sila.” Medyo malambot nitong sabi. Kung hindi nga lang guwapo si Reggie ay naisip niyang bakla ito sa sobrang arte nitong magsalita.

Uh-oh! Ramdam din niya? Bakit pati siya? Nag-aalalang naisip ni Sheila. Pero hindi, sa mga nakita nila malamang kumbinsido na si Reggie.

“Alam mo, you just saw it with your own eyes! Their sweet gestures, the way they speak to each other, lahat! Ano pa bang magagawa mo? Wala na! Sumuko ka na Reggie. Wala ka nang magagawa. She’s still my cousin. Matigas ang ulo niyan talaga. Hindi mo siya mapapasunod sa gusto mo kapag hindi niya gus---“

“So, paano yung relo? You’ll pay me?” nakangisi pa nitong tanong.

“Hey—wha?”

“You see, you need to pay me.”  Isinahod pa ni yung kamay nito sa harapan ni Sheila.

“Hey, hey... why should I? I helped you naman ah! Ang usapan, tutulungan kita. I did my best you know? Yung mga projects ko nga hindi ko pa natatapos dahil dito tapos pagbabayarin mo pa ako? How dare you!” Pero acting lang ‘yon, matagal na niyang tapos ang mga projects and thesis niya.

“But I changed my mind. You need to pay me.” Saka ito naglakad.

“Hey hey!!” sinundan ito ni Sheila at hinawakan sa balikat saka niya hinarap sa kanya.

“Ang duga mo! Wala kang palabra de honor, alam mo yun??” Naiinis si Sheila.

“Teka, easy wait. Hindi naman pera mo ang kabayaran.”

“Eh ano?” At sa pagkakataong iyon nanlaki ang mata niya. “Hey, don’t tell me we’re gonna do “that” thing! No. Isasauli ko na lang sa iyo.” Huhubarin n asana niya sana yung relo kaya lang bigla itong tumawa.

“Hahahaha. AS IF naman iLa? Why?” lumapit ito sa kanya. “You like that as a payment?” sabay ngisi.

“Excuse me??” tinulak niya ito. “Mahiya ka naman uy! Mas matanda ako sa iyo noh! You should respect me!” pero namumula naman ang kanyang mukha.

“One year lang naman ang tanda mo sa akin ah.” Sabay tawa ulit.

“Eh ano naman? Still, I’m older than you!”

“I don’t care. Hindi ko naman na makukuha si Irma, I should talk to my dad and her parents na din.”

“Good.” Napangiti naman siya. At hiniling n asana hindi na nito maalala yung relo.

“But,”

“But what?”

“Go out with me.”

ASDFGHJKLA?!!! “What?” medyo nabinggi siya. Pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi niya naintindihan. Hindi niya kasi maintindihan. Medyo magulo. Hindi niya naintindihan kung bakit siya nito niyayayang lumabas.

“In order for you to pay that watch, go out with me.”

“I… can’t... believe you! What’s with you Reggie? Ano naman ang mapapala mo kung i-date mo ako? Sorry, pero hindi din ako papayag na magpakasal sa iyo.”

“Yeah I know, wala naman akong sinabing ganun. I just… want some pass time.”

And that’s it, parang may tali na napigtal kay Sheila. Lumapit siya rito.  “Sorry Reggie, pero kasi hindi ako yung babaeng iniisip mo. If you want, I can return this watch and buy another. I have money, too.” Akma na sana niyang huhubarin yung relo kaya lang biglang nagsalita si Reggie.

“I just found you cute and fun to be with that’s why I’m asking you to go out with me. Mali ba yun?” sabay walk out.

Doon hindi na siya nakapagsalita. Ano daw yung sinabi ni Reggie? Parang wala na yata siyang naiitindihan.

“Tomorrow, 7pm.”

“Ha?” ‘yon na lang ang nasabi niya. Pero hindi na nito inulit yung sinabi nito kanina. Nagpatuloy na ito sa paglalakad na parang walang narinig.

Tomorrow? 7pm? What was that supposed to mean?

***

“Ah…” halos sabay silang  nagsalita ni Irma. Pero bigla naman silang napatigil.

“Ah sige mauna ka na.” sabi ni Amiere.

“Hindi ikaw na..” sabi naman ni Irma sa kanya.

“Hindi ikaw na.”

“Ah.. ano... Kasi…” narinig naman ni Amiere na nagbuntong hininga ito.

Napapikit si Amiere, bakit niya nga ba ‘yon ginawa kanina? Hindi naman niya sinasadya. Sadyang nadala lang sya ng ambiance. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa ‘yon. Nakakaadik kasi... pero napailing siya. Ano ba ang pinagsasasabi niya?

“Ah ano, thank you sa pagsama mo sa akin ngayon! Alam ko naman na ayaw mong lumabas at napilitan ka lang. Kaya thank you talaga. Pasensiya na din… kasi… ano.. basta..” sabi ito ng nauutal.

“Sorry din. Hindi ko naman talaga sinasadya yun eh. Alam mo na yung tinutukoy ko. Na-carried away lang ako. Alam mo na...” hindi din niya alam kung papaano mag sorry. Iyon kasi ang first time.  “Kaya sorry. Kalimutan mo na lang yun. Okay?” saka siya ngumiti dito.

Hiniling niya din na sana hindi magalit si Irma. Nakita niya rin naman itong ngumiti na lang.

“Tara na, uwi na lang tayo.” Saka niya binilisan yung lakad.

Sinabi niya na kalimutan na lang, pero siya, hindi niya alam kung makakalimutan nga niya ba ‘yon.

The Fall on Summer ♥ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon