TEASER

1.2K 40 1
                                    

ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla

TEASER

ISANG paghihinagpis ang nararamdaman ng aking pamilya sa pagkawala ng aking nakababatang kapatid na si Lezlie. Mahigit isang buwan na namin siyang hinahanap. Pero hanggang ngayon wala pa rin kaming nasagap na balita mula sa mga kapulisan. Bawat may marinig kaming bali-balita na may pinaslang na babae ay agad namin iyong pinuntahan. Nagbakasakali na ang aking kapatid na iyon. Mabait si Lezlie,matalino at maganda. Pero simple lang ito pagdating sa mga kasuotan niyang damit.

Ako si Yhanna ang Ate ni Lezlie.nakapagtapos ng kursong Psychology. At si Lezlie naman ay magtatapos na sana sa taong ito bilang isang Nurse.

Paano ba namin tatanggapin ang katutuhan na ibang Lezlie na ang aming makilala. Ang katawan ay nababalutan ng maraming mga ugat. Na ang dating Lezlie na maganda at mabait ngayon ay ang katawan parang balat ng kahoy na may mapupulang mga bata. Na ngayon ay walang ng pinalampas na pagkakataon. Bawat lalaking nakikita ay kaniyang pinapaslang.
Nakikita namin si Lezlie sa pagsapit ng hapon at gabi. At iyon ay aming inilihim sa karamihan.

Paano kung ang isa niyang paslangin ay ang nag-iisang lalaki na aking minamahal. Kaya ko ba kayang ipagtanggol si Charles pagnatuklasan ko ang katotohanan?
.
.
.
.
.
ABANGAN....

Ang Babae Sa BaliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon