ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne JuntillaChapter 7
NAKARINIG ng mga kaluskos si Ryan sa kanilang sala. Sa pag-akalang may nakapasok na pusa ay nilabas niya ito. Nagpaikot-ikot siya sa paligid na hinahanap ang akalang niyang pusa. Dahil walang makita ay nagtungo ito sa kusina. Pero dahil tahimik ang paligid bumalik siya sa sala.
"Bakit nakabukas itong pinto? Sarado pa ito kanina."piping usal ni Ryan sabay kamot sa kaniyang ulo. Akmang isasara na sana niya ang pinto ng may nakita siyang babae na nakaupo sa kanilang terasa.
"Lezlie!"bulalas niya dahil kilala niya ang katawan ng babae.
"Lezlie,saan ka ba galing? Matagal kana naming hinahanap. Sobra nang nag-alala ang iyong pamilya.
"Alam ko Ryan."sagot ni Lezlie.
Bigla namang tumayo ang mga balahibo ni Ryan dahil sa sobrang lamig ng boses ni Lezlie.
"Umuwi kana Lez,pinag-alala mo ng husto ang iyong mga magulang."
"Bakit ikaw Ryan,hindi ka ba nag-alala sa akin?"
"Syempre sobra ang pag-alala ko sayo. Lalo na mahigit isang buwan kanang hindi nakapasok. At alam mo naman na graduating na tayo."
Huhuhuuuu........
Huhuhuuuu.......
Huhuhuhuhu.....
Awooow.....Awooow.....Awooow....
Iyak ni Lezlie na sinabayan ng mga kahol ng aso. Hindi sinasadyang napaatras si Ryan,dahil bigla siyang nakaramdam ng sobrang takot.
"Lez,halika sa loob masyadong malamig dito."yaya niya sa nobya.
Tomayo si Lezlie at ang akala ni Ryan ay susunod ito sa kaniya. Pero deretso ang hakbang ni Lezlie.
Huhuhuuu....
Huhuhuuu...
Huhuhuuu...
"Lezlieee!"sigaw ni Ryan. Susundan sana niya ito pero biglang kumahol na naman ang mga aso. Na nakasunod kay Lezlie.
Kaya napatakbo nalang siya papasok sa kaniyang kuwarto. Na hinihingal pa sa sobrang takot. Agad siyang kinabahan nang maisip niya na baka isang multo nalang si Lezlie. Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang mobile na nasa kaniyang kama at tinawagan niya ako.
Kriiiiingggg...... Ryan..... Calling.......
Kriinggggg.... Ryan..... Calling......
Bago ko sinagot ang tawag ni Ryan ay tiningnan ko kuna ang oras ng aking alarm clock.
"Alas dose na, bakit kaya tumawag si Ryan?"tanong ko sabay sagot sa kaniyang tawag.
"Hello Ryan,bakit napatawag ka?"
"Ate Yhanna! Nakita ko si Lezlie."nanginginig niyang boses.
"Talaga! Nasaan ang kapatid ko Ryan? Pupuntahan ko."sabi ko na sobra akong natuwa.
"Ate Yhannn... May kakaiba kay Lezlie."
"Huh! Bakit?"
"Huwag kang mabibigla Ate Yhan. Parang isang multo lang ang nakausap ko kanina."
"Ano! Hindi kita maintindihan Ryan!"
"Mahirap ipaliwanag Ate bukas magkita nalang tayo. Pupunta kami ni Kuya Lester sa bahay ninyo."sabi ni Ryan dahil hindi niya kayang ipaliwanag ang lahat kung sa tawag lang.
SINABUKASAN ay dumating sila Ryan sa bahay namin kasama nga niya si Lester. Agad ko naman silang pinagbuksan.
"Tuloy kayo!"yaya ko sa kanila at pinaupo ko sa sala.
Tinawag ko naman ang aking mga magulang para maririnig nila ang pag-uusap namin.
Habang nagkukwento si Ryan panay naman ang iyak ni Mama at hindi nito maiwasan na mapahagul-gol. Kahit ang aking Papa ay napaiyak rin.
"Kung totoong patay na ang aming sana man lang ay matagpuan ang kaniyang bangkay. Para mailibing nang maayos."sabi ng aking ama sabay punas niya sa kaniyang mga luha.
"Bilang isang ina. Malakas ang kutob ko buhay pa si Lezlie,pero naramdaman ko sobra ang kaniyang paghihirap."wika ni Mama na hindi pa rin humupa ang mga luha.
"Yhanna, pwede ba tayong mag-usap?"boses ni Lester.
"Sure!"tumayo ako at lumabas kami ni Lester.
"Mahalaga ba ang sasabihin mo Lester?"
"Yes! Tungkol ito sa kapatid ni Edward,isa sa kaibigan ng nobyo mo."
"Bakit,ano ang nangyari?"
"Tingnan mo ito."sabay abot ni Lester sa mga larawan.
NABITAWAN ko ang mga larawan at 'di ko maiwasan na hindi mapasuka sa aking nakita. Isang karumal-dumal ang pagkapaslang sa lalaki. Agad naman akong inalalayan ni Lester at pinaupo niya ako.
"Paano 'yan pinatay Martin? Bakit ganiyan ang sinapit?"mga tanong ko.
"Ayon sa pahayag ni Edward isang babaeng halimaw raw ang pumasok sa bahay nila."
"Imposeble! Meron pa ba 'yan sa panahon ngayon?"tanong ko.
"Dalawa na ang napatay na halos pariho ang kaso. Misteryoso ang pagkapaslang ng mga ito. Kaya ngayon gumawa na kami ng grupo para magsubaybay sa kasong ito."sabi ni Lester Martin.
Hanggang sa matapos ang aming pag-uusap at umalis na rin sila. Pumasok na rin ako sa aking kuwarto. At abala ang aking utak sa pag-iisip sa mga pangyayari. Pero ang nagiging sentro ko ay si Charles. Lalo na ang kaniyang mga kakaibang kilos.
Hindi ko namalayan ay nakatulogan ko pala ang lahat. Hanggang sa---"Ateeeeee ....... Tulongan mo akoooo...."boses ni Lezlie.
"Lez, nasaan ka...?"
"Ateeeee..... Huhuhuuuuu....."
"Lezlie..... Magpakita! Nasaan ka?"sigaw ko.
Nang lumingon ako sa likuran nakita ko si Lezlie naglalakad papalayo sa akin. Sinundan ko naman siya. Ang pagtataka ko ay patakbo ko siyang hinabol pero bakit hindi ko siya maabutan?
"Lezlieeee..... Hintayin mo ako."sigaw ko habang patuloy ako sa aking pagtakbo.
Sobrang pagod ang aking naramdam. Pero hindi pa rin ako tumitigil dahil ayaw kong mawala si Lezlie sa aking panigin. Sapagkat nag-alala ko na baka hindi ko na siya makita ulit.
Hanggang naglaho si Lezlie na parang bula. At ako naman ay hinimatay sa sobrang pagod.KINABUKASAN lumaki ang aking mga mata sa gulat nang ako ay nagkamalay.
"Nasaan ako! Anong lugar ito?" Nagpaikot-ikot ang aking tingin sa paligid.
Dahil wala ako sa aking kuwarto,nasa harapan ako ngayon sa malaking puno. Na sa pagkakilala ko nito ay isang "BALITE" Biglang tumayo ang aking mga balahibo sapagkat nang titigan ko ang malaking puno ay parang may isang babae na nakaukit. Pero para itong humihinga.
Napaatras ako sa sobrang takot at hindi ko napansin na may bato palang nakaharang. Dahilan ng aking pagkapagsak. Tatayo na sana ako pero nasipat ng aking mga mata ang ID at bolpen kay Lezlie ang bolpen na 'yon. Dahil ako ang nagbigay sa kaniya noon.
DALI-DALI kong ginapang ang ID dahil nakaramdam na ako ng sobrang kaba. Nang tiningnan ko ito.
"LEZLIE!"sambit ko sa kaniyang pangalan sabay ng aking pag-iyak. Dahil halo-halong emosyon ang aking naramdaman ng mga sandaling ito.
Tumayo ako at patakbong nilisan ang lugar. Dahil kailangan ko ng tulong. Hindi ko alam ang lugar at hindi ko alam kung paano makalabas sa bahaging iyon. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa napad-pad ako sa high way. Halos lahat ng sasakyan na dumaraan ay akin ng pinapara. Hanggang sa may naawa sa akin. Hinintuan ako ng isang track .....
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY

BINABASA MO ANG
Ang Babae Sa Balite
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Horror Author: Jhyne Juntilla MISTERYO NGA BA ANG PAGKAWALA NG ISANG DALAGA O SADIYANG MAY PUMASLANG SA KANIYA?AT SINO ANG ISANG BABAE NA MADALAS NA NAGPAPAKITA SA PAGSAPIT NG HAPON AT GABI SA ISANG LUGAR?