CHAPTER 4

634 28 5
                                        

ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla

CHAPTER 4

HALOS hindi pa sapat kay Lizlie ang kaniyang ginawa sa lalaki pinutol niya ang ari ni James at ang mga daliri dito sa kamay. Kaniyang dinala ang bangkay ni James sa bahay nito,At doon sa kuwarto ng lalaki ay nakabitin patiwarik ang bangkay. Gamit ang maliliit na mga ugat.

Halos hindi na makilala ang lalaki dahil nagkagutay-gutay ang lamang-tiyan nito at lumabas ang mga mata at dila.....
______

At sa kuwarto ni Venjie pagpasok niya galing trabaho. Dahil nakainum ang lalaki ay pasalampak siyang humiga sa kaniyang kama. Napadilat bigla ang kaniyang mga mata ng may nakapa siya, agad niya itong tiningnan.

"Aaaaaaaahhhhh!"sigaw ni Venjie sabay tayo.Dahil ari ng lalaki ang kaniyang nahawakan. Lalabas sana siya para maghugas nang kamay ng biglang.

BOGGGGGGG!

Tunog ng pintuan na kusang nagsara. Halos mapaihi naman sa takot ang lalaki. Nang lumingon siya sa likuran nakita niya ang lamesang maliit na lumulotang at biglang binato sa kaniya.

Aaaaaahhhhhh.....

Tulongggg.....

Tulonggggg........

Tulongggggg......

Tokkkkk..... Tokkkkkk... Tokkkkk....

Pagsisigaw ni Venjie. Na panay katok sa pintuan. Dahil kahit ang kaniyang higaan ay lumulotang rin ito..

"Kuya! Kuya Venjie!"boses ng kaniyang kapatid na babae na nasa labas ng pinto. Bigla namang nagbukas ito,kaya naka labas si Venjie na halos wala sa sarili...

____________

SAMANTALA ay si Edward,mahimbing ang tulog nito nang biglang bumukas ang kaniyang bintana. At punasok ang hangin kaya nagising siya sa sobrang lamig. Nagulat nalamang siya na may laman ang kaninyang bibig at nahirapan siyang itikom ito,dahil puno ang kaniyang bibig. Nang kinuha niya ang nasa loob

"HHMMMM! HHHMMMM!!"boses ni Edward na patakbo sa loob ng banyo sabay suka niya.

"Aaaaaaa.....!"sigaw niya nang lumabas ang mga daliri sa kaniyang.....

Hahahaaaaaaa.....

Hahahaaaaaaaa.......

Isang nakakalukong tawa ang narinig ni Edward sa loob ng kaniyang kuwarto. At nagpalinga-lingaw siya sa paligid,halos hindi makahakbang ang kaniyang mga paa sa takot. Dahil wala siyang makita ay tumakbo siya patungo sa ibaba na halos talunin na niya ito para lang makalayo sa kaniyang kuwarto..

________

MASAYA kaming kumakain ni Charles sa isang Restaurant sa mga oras na ito. Nang mapansin ang kaniyang leeg.

"Kisses, anong nangyari d'yan sa leeg mo?"tanong ko sa 'king nobyo.dahil may nakita akong tatlong kalmot sa kaniyang leeg.

"Ah ito ba Kisses? Noong nalasing ako biglang nangati,at hindi ko napansin nasagad ko pala."pagsisinungalin ni Charles.

"Ganoon ba Kisses. Sa susunod 'wag uminum ng marami okay!"

"Yes Kisses,at minsan lang naman ako umiinum dahil madali akong malasing."aniya.

"Mabuti naman."tugon ko.

"Kumusta na pala, may balita na ba sa pagkawala ni Lizlie?"tanong ni Charles.

"Wala pa rin,sobra na akong nag-alala sa aking kapatid."

"Ganoon ba. Sana mahanap na agad siya."tugon ni Charles..

Matapos kaming kumain ay hinatid na ako ni Charles sa amin. At nangako siya na hindi titigil sa pagtulong para mahanap namin ang aking kapatid. Laki ang aking pasalamat dahil nandiyan ang aking nobyo na laging nakahanda para alalayan ako sa panahon na nalulungkot ako. Hanggang sa nakauwi na si Charles.

NANG pumasok si Charles sa kaniyang apartment,nagtaka siya kong bakit nakabukas ang kaniyang kuwarto na sa kaniyang pag-alis ay naka lock ito. Ingat niyang kinapa ang switch dahil masiyadong madilim ang loob. Nang magkailaw na-

"Aaaaaaaaah!"napasigaw si Charles nang makita ang bangkay ng pusa na nasa ibabaw ng kaniyang higaan na sobrang laspag ang tiyan at nangangamoy na ito. Napatakip agad siya sa kaniyang bibig dahil gustong bumaliktad ang kaniyang sikmura ng makita niyang nagsilabasan ang mga uod. Sobra ang kaniyang galit sa mga oras na ito. Dahil ang akala niya ay pinagluluko siya sa mga kaibigan niya. At nagbanta ito.na sa oras na makilala niya ang gumawa nito. Hindi niya titirhan ng buhay.

Kinabukasan ay hindi nakapasok si Venjie dahil nagkalagnat ito. At si Edward naman ay hindi halos nagsasalita na sobrang tulala ang lalaki.

"Sir Charles!"tawag ng isa nilang kasamahan.

"Bakit?"

"Alam na ba ninyo ang nangyayari kay James?

"Hindi, bakit ano ang nangyari kay James?"tanong niya. At si Edward ay nakikinig lang.

"Patay na raw Sir."

"Ano? Paano'ng nangyari?"gulat si Charles at hindi makapaniwala sa narinig.

"Sir ang bali-balita ay para daw itong inaswang. Dahil talagang laspag na laspag raw ang buong tiyan. Pero ang ibang nakakita sa bangkay ay isang misteryo daw ang pagkapatay kay James. Dahil pinutol ang lahat na daliri pati ang ari."

"Ano?"nakaramdam naman ng takot si Charles sa kaniyang narinig. At si Edward naman ay nanginginig sa takot dahil sa mga daliring naisuka niya kagabi. Pagkalabas ng kasamahan nila ay agad nagsalita si Edward.

"Pareng Charles!"tawag ni Edward na halata ang takot sa mukha nito. Dahil sa mga malalaking butil ng kaniyang pawis.

"Bakit pare,"

"H-hindi kaya nagmulto si Lezlie?"wika ni Edward.

"Ano! Tumigil ka nga pre. Walang multo!"tugon ni Charles.

"Pareng Charles,kagabi nagulat ako noong nagising ako.maniwala ka 'yu-yong mga daliri ni James alam ko iyon ang nasa loob ng aking bibig kagabi."

"Kalukohan!" Hindi naniniwala si Charles sa sinabi ni Edward. At niyaya niya ang lalaki para puntahan nila si Venjie, dahil maysakit raw.......

Nang kumatok sila,ay agad naman silang pinagbuksan sa kapaid no Venjie.

"Saan ang kuya mo?"tanong nila sa kapati ng kaibigan.

"Nasa kuwarto niya Sir. May lagnat...

"Pwede ba naming mapuntahan?tanong ni Clarles.

"Opo! Akyatin n'yo nalang."

Pumanhik sila sa itaas at nakita nila ang kabigan na nasa gilid ng higaan nito.

"Pareng Venjie anong nangyayari sayo?"tanong ni Charles.

"Pare, nilagnat ako."

"Bakit ka ba nagkasakit?

Minulto yata ako kagabi."aniya.

"Bakit?"tanong ni Edward.

"Pare,kagabi iwan ko kung saan galing ang isang ari ng tao. Nilagay sa aking kamay. At-at may isang malakas na tawa nakakabaliw ang lakas...."

Natahimik si Charles. Dahil naalala rin niya ang tungkol sa pusa, pero hindi na siya nagpahalata. At napaisip siya na baka nagmulto nga si Lezlie.

"Ano ang gagawin natin?"tanong ni Edward.

"Pare,pantuhan kaya nating ang lugar."yaya ni Venjie.

"Ano!nababaliw ka ba pare?"sabi ni Charles.......
.
.
.
.

ITUTULOY.







Ang Babae Sa BaliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon