CHAPTER 3

650 27 6
                                        

ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla

CHAPTER 3

SOBRA ang aking pagtataka kung saan galing ang putik na ito. Tiningnan ko ang pintuan sa likuran ng aming bahay.

"Nakalimutan yata ni Papa na e-lock ang pintuan."bulong kong sabi dahil nakatiwang-wang ito. At baka aso lang ang pumasok sa kusina.

Dahil madaling araw pa ay hindi ko muna ito nilinisan. Saka nalang pagmaliwanag na ang araw. Pumanhik ako sa aking kuwarto para makahiga ng maayos. Nagulat ako nang makita ko ang aking bintana, naka bukas ito. At naamoy ko ang pabango ng aking kapatid.

"Sis?"sambit ko sa pangalan ng aking kapatid dahil ang akala ko talaga ay nasa loob ang aking kapatid.

"Lezlie?"nagtungo ako sa banyo dahil doon galing ang amoy. Pero walang tao at biglang nagsitayuan ang mga balahibo ng aking batok. Dahil naramdaman ko na may dumaang hangin na sobrang lamig. Nagmadali akong lumabas at umupo sa aking kama. At pinakiramdaman ko ang paligid ng aking kuwarto. Napatalon ako sa aking kama ng biglang gumalaw ang mga kurtina.

"OH GOD! OH GOD!bigkas ko habang nakapikit ang aking mga mata. Halos hindi ko na maramdaman ang aking paghinga dahil sa lakas ng kalabog ng aking puso. At hindi ko maiwasan ang mapadasal.

Hail Mary, full of grace.
Our Lord is with you.
Blessed are you among women,
and blessed is the fruit of your womb,
Jesus.

Holy Mary, Mother of God,
pray for us sinners,
now and at the hour of our death.
Amen.

Paulit-ulit ako sa pagdasal hanggang sa makarinig ako ng-

HAHAHAAAA!

HAHAHAAA!

HAHAHAAAA!

Tawa na paulit-ulit na papalayo sa akin.

"Lezlie!"hindi ako nagkakamali boses iyon ng aking kapatid. Napaiyak ako ng sobra hindi ko alam kong iyak ito sa takot o iyak sa pagkawala ng aking kapatid. Hanggang sa makatulogan ko ang lahat ng pangyayari.

UNANG nagising ang aking ama. Pero naabutan ko pa siya sa kusina na naghahanda ng baon nila ni Mama.

"Pa,ako nalang sana ang naglinis sa sahig."sabi ko.

"Hindi naman ako naglinis Yhany."tugon ni Papa.

"Hah!? Sobrang putik kaninang madaling araw Papa. May aso yatang nakapasok dahil bukas itong pinto kagabi.

"Ano bang putik ang pinagsasabi mo Yhany? Wala namang putik nang pumasok ako dito. At bago ako umakyat kagabi sinigurado ko munang naka-lock itong pinto."sabi ni Papa.

"Pero Pa! Ano iyong nakita ko dito kagabi?"

"Baka nalimpungatan kalang anak."

Pero Papa! Totoo ang lahat."

"Ano ang totoo ang lahat?"sabat ni Mama dahil narinig niya ako.

"Ay! Iyang anak mo, May putik raw dito kagabi at bukas raw ang pinto.Wala naman akong nakita.Ikaw Jewel nakita mo ba akong naglinis ng putik dito kanina?"tanong ni Papa sa aking ina.

PALAISIPAN sa akin ang lahat,at alam kong hindi ako minalikmata sa lahat ng nagaganap kanina.

"Yhanna,tumawag na ba ang mga pulis?"tanong ni Mama.

"Wala pang tawag Ma. Pero mamaya pagkatapos ng aking trabaho magtanong-tanong ako doon sa kanilang skol."tugon ko.

"Magleave muna ako kahit isang linggo. Hahanapin ko ang kapatid mo."sabi ni Mama na banaag sa mukha ang sobrang kalungkotan.

"Pag-hindi pa rin makauwi si Lezlie mamaya Mama,magleave na rin muna ako."tugon ko ni Mama......

UMABOT nang isang linggo ang paghahanap namin kay Lezlie pero hindi pa rin namin mahanap. Kahit ang kaniyang mga kaklase ay tumulong na rin. Lalo na si Ryan ay tumulong na sa paghahanap.

Kahit bago palang ang kanilang relasyon ni Lezlie pero minahal na niya ito. Dahil mabait ang siya at simple lang. Pareho sila na patapos ngayong pasukan. Dahil may kaibigan siyang taga National Bureau of Investigation or NBI. Lumapit na si Ryan para matulongan kami. At dinala niya ito sa bahay namin.

TOKKK!

TOKKK!

TOKKK!

Agad naman itong binuksan ng aking ama sa pag-akalang si Lezlie na.

"Magandang umaga Sir."bati ni Ryan.

"Magandang umaga rin."sagot ni Papa sabay tingin niya sa kasama ni Ryan.

"Sir kaibigan ko po si Lester Martin,taga NBI po siya."pakilala ni Ryan.

"Tuloy kayo!"

"Yhany!"tawag ni Papa sa akin dahil nasa itaas ako.

"Bakit Pa?"bumaba muna kayo ng Mama mo dito. May bisita."

"Sige po!"pagbaba namin ni Mama tumayo naman ang dalawang lalaki at bumati sa amin. Hanggang sa nagkakilala kami sa isa't isa.

Naikuwento ko ang lahat kay Leater Martin, kasama doon ang plano sana naming pagdinner ni Charles sa labas nguni't hindi natuloy.

Saka ko naalala na mag-iisang linggo na rin pala kami ni Charles na hindi nagkikita at kahit tawag ay wala.

"Ano kaya ang nangyayari sa taong iyon?"tugon ko sa aking sarili.

Bago umuwi ang mga lalaki ay binigyan ako ng calling card ni Lester at ibinigay ko rin sa kaniya ang aking numero kasama ang sa aking ama.

SAMANTALA ay oras ng uwian nila Charles. At tinawagan niya ako na papasyal siya sa bahay.pumayag naman ako dahil namiss ko na rin ang aking nobyo. Naghiwa-hiwalay ang tropa nila Charles. Hanggang sa nagsipag-uwian sa kani-kanilang tahanan.

Habang nag lalakad si James papunta sa kanilang bahay ng may narinig siyang kaluskos sa kaniyang likurang bahagi. Napalingon siya sa pag-akalang may nakasabay siya. Nang wala siyang makita ay binilisan niya ang kaniyang mga hakbang. Sabay tingin sa kaniyang relo. Alas sais pa ng gabi.

NAGPATULOY siya sa kaniyang paglalakad nang biglang may narinig siya.

Psssshhhhh!

Jaaaaammeeess.....

Jaaaammeees.....

Biglang tumayo ang mga balahibo ni James dahil sa sobrang lamig ng boses. Kaya napatakbo siyang wala sa oras. Pero pakiramdam ni James ay parang may humila sa kaniya.

Nagulat si James nang mamukhaan niya ang lugar.

"Bakit nandito ako?ang layo nito sa amin!pagtataka niya. Dahil iyon ang lugar kung saan nila ginahasa si Lezlie at pinatay.

Waaaggg...maawaaaa...kayooooo!

Nakakabinging boses ng babae na halos sasabog ang kaniyang utak.

"Sino ka!?"galit na tanong ni James pero nanginginig ang mga laman sa takot.

Biglang may lumutang na isang babae na nabalutan ang katawan sa ugat ng kahoy. Napaatras si James. Nguni't may biglang humatak sa kaniya paitaas nang tingnan niya ito ay ang mga ugat na galing sa malaking puno. Halos himatayin na siya nang makita niyang gumagalaw ang mga ugat.
Kasabay noon ang paglapit ng babae sa kaniya na may hawak na screw-driver. Agad naman niyang naalala na ito ang ginamit ni Venjie sa pagpatay kay Lezlie.

"Sino ka? Maawa ka! Ayaw ko pang mamat-a!"putol niyang sasabihin nang saksakin siya ni Lezlie sa tiyan.

"Maawa!? Naawa ba kayo sa akin!?"

"Aaaaah!"sigaw ni James ng saksakin siya ng ikapangalawang beses.

Pero hindi pa iyon sapat sa sakit na pinaramdam nila kay Lezlie. Habang naramdaman ni Lezlie ang paghihimagsik lalong bumilis ang galaw ng mga ugat patungo kay James.

"Aaaaaaaahhhhhhhh....."huling sigaw ng lalaki nang biglang umatake ang mga ugat.

Kung dalawang beses nilang sinak-sak si Lezlie. Hindi naman mabilang ang ganting sak-sak na natamo ni James mula sa mga ugat.....
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY



Ang Babae Sa BaliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon