CHAPTER 5

628 27 3
                                        

ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla

CHAPTER 5

NAGTUNGO ang tatlo kung saan nila hinalay si Lezlie,pariho silang tahimik sa loob ng sasakyan ni Charles. Lalo na si Venjie. Nang makarating sila sa lugar nagulat sila na ang puno palang iyon ay isang balite.

"Pare,sigurado ba kayong dito ninyo iniwan si Lezlie?"tanong ni Charles.

"Oo sigurado ako pare,dito iyon!"tugon ni Edward na inikot pa ang puno para hanapin ang bangkay.

"Kung napatay natin siya,bakit walang bangkay? Bakit hindi nahanap ang kaniyang bangkay?"tanong ni Venjie.

Kapwa sila napalingon ng biglang humangin ng malakas. Na halos tumayo ang kanilang mga balahibo.

"Arayyy!"boses ni Charles nang may biglang kumalmot sa kaniyang sugat sa leeg.

"Bakit pare?"tanong ni Edward.

"Parang may kumalmot sa sugat ko pare. Tingnan mo nga!"tugon niya kay Edward.

Tiningnan naman ni Venjie at Edward ang kaniyang leeg.

"Pare,dumugo ang sugat mo."sabi ni Venjie.

Nagmadali naman sa pagkuha si Charles sa kaniyang panyo at itinakip niya sa sugat.

"Mga pare alis na tayo dito!"yaya ni Edward.

Nilisan nila ang lugar na may pangamba na baka binalikan sila ni Lezlie.

MAG-ISANG BUWAN na ang nakalipas pero wala pa ring balita ang pamilya namin sa pagkawala ng aking kapatid. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na buhay pa ang aking kapatid. Si Mama ay mula nang mawala si Lezlie. Ay naapiktuhan ang kaniyang kalusugan.

"Mama, kumain ka muna."yaya ko sa aking ina dahil nagkasakit siya sa pagkawala ni Lezlie.

"Wala akong gana Yhany,ang kapatid mo ang gusto kong makita."

"Mama,mahahanap rin natin si Lezlie."

"Kailan Yhanna?"

Hindi ko masagot ang tanong ni Mama,dahil kahit ako man ay hindi ko alam kung kailan.

Sumapit ang gabi. Bago ako matulog ay tiningnan ko muna kung tulog na ba ang aking ina. Nang masiguro ko na tulog na ito saka ako pumasok sa aking kuwarto.

"Tulongan ninyo akoooo......! Mamaaaa......"

"Anak! Bakit may sugat ka? Ano ang nangyayari sayo?"

"Mamaaaaaa......!"

"Lezlieeeee....."

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw ni Mama. Nagkataon pa naman na wala si Papa sa bahay. Patakbo kong tinungo ang kuwarto ni Mama.

"Lezlieee....Anakkkkk....!sigaw ni Mama na nanatiling nakapikit ang mga mata at nakataas ang isang kamay.

"Mama! Gising..... Mama......"sabay yug-yog ko kay Mama at pilit ko itong pinaupo.

"Yhanna! Huhuhuuuuu....."

"Mama,nanaginip ka."

"Si Lezlie napanaginipan ko,may mga dugo ang kaniyang mga damit."wika ni Mama. At agad ko siyang niyakap.

Huuu.... Huuuuu..... Huuuu.......

Huuuu... Huuuuu.....Huuu.........

Kapwa kaming natahimik ni Mama nang marinig namin ang iyak ng isang babae sa loob ng kuwarto ni Lezlie. Napakalamig ng boses kaya napatayo ang aking mga malahibo.

Ang Babae Sa BaliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon