ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla
Chapter 11
NAGTAKA ang ina ni Edward sa pinagsasabi niya. Tingin niya nito ay para na itong baliw.
"Anak,sino ba ang pupunta dito sa bahay? May hinintay ka ba na bisita?"tanong ng Ginang sa anak.
"Wala! Wala akong bisita Mama. Ang halimaw darating siya!"tugon nito na umiikot pa ang kaniyang mga mata at pawisan ito habang nanginginig.
"Anong halimaw ang pinagsasabi mo Edward!?"tanong ng ina na nagsisimula ng magalit.
"Ang halimaw na pumatay sa aking kapatid!"
"Por Dios, por Santo!"anang ina ni Edward na nakaramdam ng takot sabay tayo sa kaniyang mga balahibo.
"Aaahhhh...!"sigaw ng ina ni Edward ng biglang namatay ang ilaw at bumukas na naman.
"Mama,pumasok kana sa kuwarto mo bilis at huwag kang lumabas."bilin ni Edward sa ina.
"Hindi anak, hindi kita iiwan."
"Aaaaaaahhhhh!"sigaw ulit ng Ginang nang biglang nagsiliparan ang mga plato at baso.
"Diyos ko! Dios ko! Huhuhu..."sobra ang panginginig sa Ginang.
"Tama na! Tama na! Tama na!"bigkas ni Edward na nakabaloktot sa pag-upo at tinatakpan ang kaniyang mga tainga at itinago ang kaniyang mukha sa kaniyang paa
Nagpatuloy si Lezlie sa pagwawala. Na halos ang mga kabinet ay nasira dahil pinagtutumba niya ito.
"Sino ka!? Anong kasalanan namin sayo!?"sigaw ng Ginang.
"Wala kang kasalanan. Pero ang anak mo meron!"malamig na boses ni Lezlie. Pero hindi siya nakikita ng Ginang.
"Nagmamakaawa ako sayo bilang ina. Patawarin muna ang aking anak."wika ng Ginang habang patuloy ang pag-iiyak nito sa takot.
"Walang kapatawaran ang ginawa nila sa akin! Hanggang hindi sila mauubos hindi ako mananahimik!"tugon ni Lezlie.
Biglang naglaho si Lezlie. At nakahinga naman ang Ginang.
"Edward anak!"sambit ng ina.
Pero si Edward nanatili pa rin itong nagsasalita na hindi naman naintindihan ng ina.
"Anak,wala na ang halimaw. Edward."yug-yog ng ina. Pero hindi pa rin bumalik sa normal ang anak. Sa tingin ng Ginang ay parang natuloyan sa pagkabaliw ang anak.
Nagdaan ang mga araw ay nagiging bayolinte si Edward. Madalas itong nagwawala sa kanilang bahay at hindi na rin ito pumapasok sa trabaho. Walang nagawa ang ina kun'di dalhin ang anak sa mental.
AYON sa doktor nagkaroon ng sobrang troma si Edward at may pag-asa pa itong gagaling kung gustuhin ng pasyente. At nalaman rin ng kaniyang ina na gumagamit ng druga si Edward. Sa loob ng mental.ay walang gabi na hindi nagwawala si Edward kaya napilitan ang mga nars na ilipat ito sa Silda na siya lang mag-isa. Dahil marami na siyang sinasaktan na kasamahan.
"Ayan na siya! Ayan na siya! Hahahaaaa.... Huhuhuuu... Tama na... Tama naaa......"boses ni Edward......
______
SAMANTALA ay mag-iisang buwan na rin ang nakalipas na hindi kami nagkikita ni Charles. At hindi ko na rin ito makuntak. At minsan ko siyang sinubukang puntahan sa apartment ang sabi ay umalis na raw si Charles. At kahit si Lester ay wala ring makuhang impormasyon kung nasaan na si Charles. At medyo nanahimik naman ang pagpaparamdam ni Lezlie sa amin.
ISANG gabi habang masarap ang tulog ni Ryan ng biglang may malamig na kamay ang dumapo sa kaniyang pisngi. Kaya napabalikwas ito ng bangon
"Lezlie."sambit ni Ryan sa pangalan ng nobya. Dahil nasa harapan niya ito ngayon.
"Hindi mo ba ako na miss Ryan?"
"Sobra kitang na miss Lezlie."
"Mahal mo pa ba ako?"tanong ni Lezlie.
"Mahal na mahal kita Lezlie."tugon ni Bryan na parang sunod-sunoran sa boses ni Lezlie.
"Halikan mo ako Ryan."utos ng nobya.
Dahil sa sobrang pangulila ni Ryan sa dalaga ay sinunod niya ang utos ng aking kapatid. Hanggang sa nag-init ang kaniyang katawan. At nagpapaubaya naman si Lezlie.
Nagulat naman si Ryan ng angkinin niya si Lezlie ay hindi na ito berhin na sa pagkakaalam niya ay wala pang nakagalaw sa kaniyang nobya. Pero hindi niya sinumbatan ang babae dahil baka magalit ito. Nakatulogan niya ang pagud. Nang magising siya ay-
"Aaaahhhhh!"sigaw ni Ryan dahil nagulat siya sa kaniyang kama dahil puno ito sa putik at kahit ang kaniyang katawan ay napuno sa putik at nanunuyo na.
"Saan galing ang mga ito? Nasaan si Lezlie?"puro katanongan ang laman ng kaniyang sarili.
Tumayo si Ryan para hanapin si Lezlie.pero puro bakas ng paa ang kaniyang nakikita patunong ibaba. Sinundan niya ito. Pero nawala ito hanggang labasan ng puntuan. Napaisip siya ng husto. Kung totoo ba ang nangyari sa kanila ni Lezlie. Patakbo siyang umakyat sa kaniyang kuwarto at nagtungo sa banyo. Sabay hubad niya sa kaniyang suot na brief.
TUMAYO ang kaniyang balahibo ng makita niya ang kaniyang ari ay nagkulay putik rin ito. Nagmadali siyang naligo para matanggal ang dumi sa kaniyang katawan. Nang matapos ay lumabas siya sa kuwarto na wala sa sarili. Pero lumaki ang kaniyang mga mata dahil ng tingnan niya ang higaan ay biglang naghalo ang putik sa kaniyang kama. Hindi maintindihan ni Ryan ang mga pangyayari.
"Hindi naman siguro ako minalikmata. Ano ba itong nangyayari sa akin?"naguguluhan niyang tanong sa sarili.
Agad naman niya akong tinawagan at ibinalita ang buong pangyayari.
"Sigurado ka ba Ryan?"tanong ko.
"Oo,ate Yhanna sigurado ako."
"Ryan,mag-iingat ka."bilin ko sa kaniya.
SAMANTALA ay gabi na ng makauwi si Lester sa kanilang bahay galing trabaho. Pagbaba niya sa kaniyang sasakyan.
"PAAAAK!"tunog ng palo sa kaniyang ulo. At agad naman siyang natumba.bago siya nawalan ng malay ay nakita pa niya ang lalaki.naka-jacket ito ng itim at naka bonet. Nakita pa niya ang lalaki habang hinihila ang kaniyang mga paa. At kasunod noon ay wala na siyang maalala.
"Hahahaaaa....!"akala ninyo maiisahan ninyo ako?"boses ng lalaki na siyang pumalo sa ulo ni Lester. Hanggang sa makarating ang lalaki sa isang maliit na kubo. May kalayuan ito sa bayan na ang tanging ang kubo lang ang bahay doon. Bumaba ang lalaki at binuhat niya si Lester na wala pa ring malay.
"Hahahaaaaa! Tingnan natin kung magkikita pa kayo!"nilagay niya ang katawan ni Lester sa isang kahon na parang kabaong. Na talagang sinadiya itong gawin ng lalaki. Pagkapasok niya sa katawan ni Lester ay tinakpan niya ito at nilagyan ng mga pako.
Nang magkamalay si Lester ay nagtaka siya kong bakit hindi siya makagalaw.........
.
.
.
.
.
ITUTULOY.
BINABASA MO ANG
Ang Babae Sa Balite
Mystère / ThrillerGenre: Mystery/Horror Author: Jhyne Juntilla MISTERYO NGA BA ANG PAGKAWALA NG ISANG DALAGA O SADIYANG MAY PUMASLANG SA KANIYA?AT SINO ANG ISANG BABAE NA MADALAS NA NAGPAPAKITA SA PAGSAPIT NG HAPON AT GABI SA ISANG LUGAR?
