ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla
Chapter 10
AGAD kong tinawagan si Lester at nagtanong ako kung may-alam na ba siya sa balita.
"Oo napanood ko na."sagot niya sa kabilang linya.
"Isa si Venjie sa kaibigan ni Charles. Bakit kaya ganiyang ang sinapit nila?"tanong ko."
"Pwede ba tayong magkita Yhan? May mahalaga akong sasabihin."
"Sige Lester, kung hindi ka busy,mamaya nalang lunch time. Puntahan mo nalang ako sa hospital."
"Okay Yhan,see you later."
Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na ako sa aking mga magulang para pumanhik na sa itaas para makapag-ayos sa aking sarili dahil may pasok pa ako.....
SUMAPIT ang aking lunch time at nagkita kami ni Lester sa isang malapitan na restaurant at magkasabay kaming kumain. Nang matapos na ay napag-usapan namin ang importanteng sasabihin ni Lester sa akin.
"Ano! Positive na kay Lezlie ang dugo na iyon?"tanong ko sabay patak ng aking luha.
"Tugma ang dugo niya sa mga sampul na nakuha namin Yhan."
"Pero nasaan ang bangkay ni Lezie?"
"Iyan pa ngayon ang tinatrabaho namin."
"Sa tingin ko may kinalaman si Lezlie sa mga patayan na nangyayari ngayon Lester. Pakiramdam ko naghihigante ang aking kapatid."
"Hindi pa natin 'yan masisiguro Yhan. Pero hindi pa rin kami titigil hanggang hindi namain malutas ang kaso."
SAMANTALA ay walang kaming kamalay-malay na nakita pala kami ni Charles. At sobra ang pagseselos niyang naramdaman. Hindi na siya lumapit sa amin at inaabangan niya kami kung ano ang aming susunod na gagawin.
"Hayop ka Yhanna! Pinagtaksilan mo ako! Humanda kayong dalawa sa akin!"piping pagbabanta ni Charles.
Hanggang sa matapos na kaming kumain ni Lester. Hinatid niya ako sa entrance ng hospital at dahil malapit lang ito ay nilalakad nalang namin.
"Babalitaan nalang kita pag-may bago ng lead"ani Lester.
"Okay sige, maraming salamat Lester."tugon ko sabay nakikipagkamay ako sa kaniya.
Nagtuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakalampas na ako ng kunti sa pintuan ng marinig ko ang pagsisigaw ng mga tao. At napalingon ako agad.
"Lester!"gulat kong sambit dahil nakita ko siya na ang dulo ng sasakyan ay nasa harapan niya. Nanatili itong nakatayo siguro dahil nabigla rin ito. Nang makita ko ang lalaking bumaba, mas lalo akong nagulat dahil si Charles ito. At nila pitan niya si Lester at patakbo ko silang nilapitan.
"Sa susunod tingnan mo ang tatawiran mo!"singhal ni Charles.
"Tarantado ka! Ikaw nga diyan ang mabilis magpatakbo! Sa susunod umayos ka sa pagmamaniho!"balik singhal ni Lester.
"Gago ka pala eh! BAGGGG!"sabay suntok ni Charles, at dahil hindi ito napansin ni Lester ay natamaan ang kaniyang mukha.
"Mas gago ka! BUGGG! BAGGGG!"ganti ni Lester at natumba si Charles dahil sa lakas ng kamao ni Lester.
Tumayo si Charles para gumanti pero nakahanda na si Lester sa kaniyang pag-atake, at ang lahat ng suntok ni Charles ay nailagan ni Lester.....
"Lester! Charles! Itigil ninyo 'yan!"hinarangan ko si Lester para hindi masaktan ang aking nobyo. At hindi ko alam na ikagalit ito ni Charles.
"Ngayon! Siya pa ang kinakampihan mo! Kailan mo pa ako pinagloloko!?"bulyaw ni Charles sa akin.
"Ano ba ang pinagsasabi mo Charles!?"naguguluhan kong tanong sa akin nobyo.
"Huwag kanang mag-maang-maangan Yhanna! Nakita ko kayong dalawang naglalandian sa loob ng restaurant!"
"Hahahaaaa! Nakakatawa ka naman Charles. Dont act like a stupid kid!"wika ni Lester.
"Stupid pala ha!"tugon ni Charles sabay atake na naman niya kay Lester.
"Charles! Tama na! Ano bang nangyayari sayo?"
"Shut up!"bulyaw ni Charles sa akin. At nagulat ako sa kaniyang inasta. Kaya nakaramdam ako nang pagkadismaya sa kaniya at nanahimik nalang ako.
"Hindi pa tayo tapos!"banta ni Charles sabay duru niya kay Lester. At umalis ito sabay sakay niya sa kaniyang sasakyan.
Buti nalang at mabait si Lester at hindi na siya pinatulan.
"Are you Okay?"tanong ko kay Lester. Pero nakita ko ang dugo sa kaniyang labi.
"Yeah I'm okay!"tugon ni Lester.
"May putok ang labi mo. Halika muna sa loob para magamot ko iyan sugat mo."
"Huwag na kunti lang ito Yhan. Sige magtuloy na ako."
"Sigurado ka bang hindi na?"
"Oo,mag-ingat ka pala sa nobyo mo,parang maybinabalak sa atin."
"Napansin ko ang pag-uugali niya ngayon. Parang unti-unti na niyang pinakita ang tunay na siya."
"Kaya mag-iingat ka at kung maari ay iwasan mo muna ang magpunta sa kaniyang apartment. Lalo na ngayong maiinit pa ang ulo niya."
"Sige gagawin ko 'yan."
Hanggang sa umalis na si Lester at naiwan akong naguguluhan sa aking nobyo. Dahil hindi mawala sa aking isip si Charles ay sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko siya masagap. Kaya mas minabuti ko nalang na pabayaan muna siya.
SUMAPIT ang hapon,habang pauwi ako ay napansin ko ang sasakyan ni Charles sa may kalayuan.
"Sinundan ako ni Charles? Bakit?"tanong ko sa aking sarili.
Hanggang sa makarating ako sa bahay at hindi ako nagpahalatang napansin ko siya. Nagmadali akong pumasok at dahil hindi pa dumating ang aking mga magulang ay siniguro kong nakakandado ang lahat ng pintuan at nagmadali akong umakyat sa aking kuwarto. At hinintay ko na kakatok si Charles pero hindi siya pumunta dito sa bahay. Sinilip ko siya sa may bintana at nandoon nga siya nakaparada. Naisipan kong tawagan si Lester at ipinaaalam ang ginawa ni Charles ngayon.
"Napatawag ka Yhan?"
"Lester,si Charles kasi. Mula sa trabaho hanggang dito sa bahay ay sinundan niya ako. At hanngang ngayon ay nandito pa rin siya."
"Mag-ingat ka Yhan,pag may kakaibang magaganap diyan tumawag ka kaagad."bilin ni Lester sa akin....
Hanggang sa makarating ang aking mga magulang ay nandoon pa rin si Charles. Ang hindi ko maintindihan sa kaniya ay bakit siya ganito. Sana pumunta siya dito sa bahay dahil welcome naman siya.
SAMANTALA ay hindi mapakali si Edward sa kanilang bahay. At nagsimula na naman ang kalabog sa kaniyang dibdib.
"Edward,gabing-gabi na bakit hindi mo pa patayin ang mga ilaw?"tanong ng kaniyang ina.
"Huwag! Huwag nating patayin alam kong pupunta siya ngayon!"wika ni Edward. At ramdam ng kaniyang ina na sobra ang takot nito.......
.
.
.
.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Ang Babae Sa Balite
Misterio / SuspensoGenre: Mystery/Horror Author: Jhyne Juntilla MISTERYO NGA BA ANG PAGKAWALA NG ISANG DALAGA O SADIYANG MAY PUMASLANG SA KANIYA?AT SINO ANG ISANG BABAE NA MADALAS NA NAGPAPAKITA SA PAGSAPIT NG HAPON AT GABI SA ISANG LUGAR?
