Chapter 9

675 29 8
                                        

ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla

Chapter 9

MAHIMBING ang tulog ni Venjie. Dahil nakainum ito. Nang biglang bumuka ang pintuan ng kaniyang kuwarto. Hanggang sa hinila siya ng mga ugat palabas ng kaniyang bintana at dinala siya kung saan nila pinagsamantalahan si Lezlie.

Nang magkamalay si Venjie ay nagulat ito dahil naka bitay siyang patiwarik.

"Nasaan ako!? Ibaba ninyo ako rito!"galit niyang boses.

Dahil sa sobrang dilim ng paligid ay hindi niya napansin na, nasa malaking puno pala siya ng balite kung saan nila hinalay si Lezlie.

"Mga tarantado kayo! Ako pa ang pinagluluko ninyo! Alisin ninyo ako dito! Humanda kayo sa akin!"sobra na ang galit ni Venjie, at pakiramdam niya sa mga oras na ito ay bumaba na ang lahat niyang dugo sa ulo. At sobra naman ang pamumula ng kaniyang mukha sa galit.

"Venjieeeeee........"sambit ni Leslie.

Nakaramdam naman ng takot si Venjie dahil alam niya na boses iyon ni Lezlie.

"Aaaaaaahhhhhh.........."sigaw nang lalaki ng biglang sumulpot si Lezlie sa kaniyang harapan.

Mas lalong nakakatakot ang mukha ni Lezlie ngayon kay sa dati. Dahil ngayon sobrang pula ang kaniyang mga mata,at ang mukha ay naaagnas na nang kunti. At nakita ni Venjie na daha-dahang binunot ni Lezlie ang screw-driver sa kaniyang tiyan.

"A-a-anong gagawin mo sa akin Lezlie?"nanginginig niyang boses.

"Ano ba ang ginagawa ninyo sa akin?"tugon ni Lezlie.

"Maawa ka Le-Lezlie!"

"Hahahaaaaa........ Maawa!? Bakit naawa ba kayo sa akin? Walang kapatawaran ang ginawa ninyo sa akinnnnn.... !"nakakabinging bulyaw ni Lezlie. Sabay saksak niya sa tiyan ni Venjie.

"Aaaaaaahhhhh....."sigaw ng lalaki sa sobrang sakit. At agad namang bumugwak ang dugo na para itong gripo.

Aaaahhh.....!

Aaaaahhh...!

Aaaahhhh...! Tama naaaaa...!

Pagsisigaw ni Venjie nang inulit ni Lezlie ang pagsaksak sa lalaki. Ang bawat sigaw ni Venjie sa sobrang sakit ay iyon naman ang kasiyahan ni Lezlie. Hindi pa nasiyahan si Lezlie ay pinunit niya ang damit ni Venjie at hinawakan ang sugat.

"Aaaaaah....... Tama na..... Tama na...."halos mawalan na nang boses ang lalaki. At ang mukha nito ay nililigo na sa sarili niyang dugo.

HINILA Lezlie ang tiyan ng lalaki,hanggang sa bumuka ito. At pinagdudukot ni Lezlie ang kaniyang mga bituka. At lumabas ang lahat ng laman sa tiyan ni Venjie. Dahil patuloy pa rin ang pagtibok ng puso ni Venjie, ito naman ang huling dinukot ni Lezlie. Hanggang sa binawian ng buhay si Venjie.

Nakangiting pinagmasdan ni Lezlie ang puso ng lalaki, habang nakapatung ito sa kaniyang palad.

HHMMHEEEMM.....

HHHLMMEEMM....

HHMMEEMM....... Kumakanta ang aking kapatid habang naglalakad ito na panay pa rin ang tingin sa puso. At ang mga bituka ni Venjie ay nakasunod naman kay Lezlie dahil hawak niya ito.

Hanggang sa makarating si Lezlie sa bahay nila Edward. At kasalukoyang tulog ang lalaki. Nang biglang itapon ni ni Lezlie sa kaniyang mukha ang mga bituka. Napabalikwas naman ang lalaki dahil sa sobrang lamig na dumapo sa kaniyang mukha agad siyang tumayo at binuksan ang ilaw.

"Aaahhhhh.....!"sigaw ni Edward nang makita niya ang mga bituka na nagkalat sa kaniyang kama. At nakita niya si Lezlie na naka tayo sa may bintana. Na hawak nito ang tumitibok pa na puso. At sa isang kamay niya ay bitbit rin niya ang screw driver.

Halos malugmok ang lalaki sa kaniyang kinatayoan. Nang makita niyang papalapit si Lezlie,naramdaman niya na hindi siya bubuhayin ni Lezlie pagnaabutan siya. Kaya halos talunin niya ang pintuan at patakbong lumabas.

Hahahaaaaaa.......!

Hahahaaaaa.........!

Hahahaaaa..........!

Mga halakhak ni Lezlie...

SAMANTALA ay si Charles naman halos gabi-gabi nang hindi makatulog. Dahil takot na itong pumikit. At walang araw na rin na hindi siya umiinum at gumamit ng druga para lang mawala ang kaniyang takot sa laging pagmumulto ni Lezlie. Dahil naalala niya si Yhanna at para mawala ang pagkabored. Tinawagagan niya ang nobya.

"Hello Kisses!"boses ni Yhanna.

"Kisses tulog kana ba?"tanong ni Charles.

"Nakatulog na Kisses,pero nagising ako sa tawag mo. Ikaw bakit gising ka pa?"

"Hindi ako dinadalaw ng antok."wika ni Charles.

"Ganoon ba,may sakit ka ba?"

"Wala naman Kisses, na miss lang kita."aniya sa akin.

Habang nagpatuloy ang pag-uusap naming dalawa ay nakarinig ako ng boses mula sa kuwarto ni Charles. Kumakanta ito,at kabisado ko ang boses ng aking kapatid.

"Hemmhemmhemm......"

"Kisses!"sambit ko sa aking nobyo.

"Bakit Kisses?"

"May kasama ka ba diyan?

"Wala naman Kisses. Bakit?"

"Kisses,narinig ko ang kanta ng aking kapatid"sabi ko sa kaniya.

"Sige na Kisses. Matulog na ako. Goodnight,love you"sabi ni Charles sabay putol sa tawag.

Nakaramdam ng sobrang kaba si Charles at nagmadaling pumasok sa banyo at naghilamos. Para sana kahit papaano ay maibsan ang kaniyang takot at nang tumingin siya sa salamin ay puro dugo ang kaniyang nakita sa mukha.

Aaahhhhh....

Aahhhhh....

Sigaw ni Charles at maghilamos sana siya. Pero kulay dugo ang lumabas galing sa gripo.

Aaaaahhhhh!

Napasigaw ulit si Charles at napaatras dahil sa sobrang takot. Paatras siyang lumabas ng banyo at tinungo ang kaniyang higaan sabay upo niya. Biglang nagpakita si Lezlie sa harapan niya na hawak ang puso ni Venjie.

"Huwag kang lumapit Lezlie! Patawarin muna ako."

"Patawarin!? Walang kapatawaran ang ginawa mo sa akin!?"

"Lezlie,maawa ka sa akin. 'Wag mo akong patayin! Alang-ala sa Ate mo!"

"Wrraaaaah! Huwag mong gamitin ang kapatid ko......!"sigaw ni Lezlie na puno sa galit. Sabay hawak niya sa mga buhok ni Charles at pilit pinalamon ang puso na tumitibok pa.

"Hmmmp.....! Hmmmmp....!"boses ni Charles dahil napasok sa kaniyang bibig ang buong buso ni Venjie.

"Brrruaaak! Uhoh....Uhoh....!" pilit isinuka ni Charles ang puso. Pero biglang sinakal siya ng ugat..

"Hindi mo pa oras kuya Charles! Namnamin mo muna ang pagpapahirap ko sayo!"

"Patayin muna ako Lezlie!"sigaw ni Charles.

"Maghintay ka lang. Makamit mo rin 'yan....."sagot ni Lezlie at biglang naglaho na parang bula.

KINABUKAS ay habang nag-almusal sila Yhanna at ang kaniyang mga magulang. Isang balita ang kanilang napanood.

"Pasintabi sa mga kumakain ngayon! Karumal-dumal ang pagkamatay nang isang lalaki na nag-ngangalang Venjie. Panoorin kung ano ang sinapi ng biktima. At ayon sa bali-balita ay aswang raw ang gumagawa dahil pati ang puso ay dinukot at lahat ng lamang loob ay wala na rin."ayon sa reporter.

Hindi ko naman mapigilan ang mapatakbo sa banyo. Dahil bumaliktad ang aking sikmura. At lumaki ang aking mata ng maalala ko ang lugar. Dahil Doon ako napadpad noong nakaraang araw.....
.
.
.
ITUTULOY









Ang Babae Sa BaliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon