CHAPTER 6

641 27 10
                                        

ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla

CHAPTER 6

NAGULAT ako sa nakita ko kay Charles.

"Charles ako ito si Yhanna."

Bigla naman siyang umalma.

"Kisses!"sambit niya sabay yakap sa akin.

"Ano ba ang nangyari sayo Kisses? Sino ba ang kinakatakotan mo?"sunod-sunod kong tanong sa aking nobyo.

"Wala Kisses!"

"Hindi pa rin ba magaling ang sugat mo? Halika nga dito at gagamotin natin ito."

Sumunod naman si Charles sa akin at pinaupo ko siya sa kaniyang kama. Nilagyan ko ito ng plaster para hindi madumihan.

SAMANTALA ay nasa mahimbing ang tulog ni Venjie nang managinip ito at nauwi sa isang pangungot.

"Huwag...... Lumayo ka sa akin!"pagsisigaw ni Venjie dahil papalapit si Lezlie sa kaniya. Na iba na ang mukha tanging ang suot lang nitong damit at ang screw-driver na nakasaksak sa tiyan ni Lezlie ang nagpakilanlan sa kaniya

"Maawa! Meron ba kayo noon!?"boses ni Lezlie na puno sa galit.

At lalong natakot ng husto si Venjie nang biglang pumula ang mga mata ni Lezlie at ang mga kamay nito ay biglang humaba na parang mga ugat.

"Lumayo ka! Maawa ka ayaw ko pang mamatay! Aaaaaaah....! Aaaaaah.....!"pagsisigaw ni Venjie dahil inangat siya ng mga ugat na galing sa katawan ni Lezlie.

Aaaaaahh........!

Aaaaaaaah......!

"Huwaaaaaaag.....!"sigaw ni Venjie na humahawak sa kaniyang tiyan. Pawisan ito na hinihigal pa.

"Akala ko totoo! Panaginip lang pala."sabi niya.

BOOOOOG!

BOOOOOG!

Aaaaaaaaah!

Aaaaaaah!

Sigaw ni Venjie dahil biglang nagpalit-palitan ng pagbukas ang mga bintana nito. Na animo'y may galit. Sa pagkakataong ito ay hindi na panaginip ang lahat.

Hahahaaaaa......

Hahahaaaa.....

"Akala ko ba matapang kayo......Panoorin mo ako Venjie...."boses ni Lezlie. Pero hindi siya kayang titigan ng lalaki dahil sobra ng nakakatakot ang mukha ni Lezlie.

"Vennjieeee.... Vennjieeee...."boses ni Lezlie na sobrang lamig.

"Tama na! Tamaaaa naaaa!"pagsisigaw ni Venjie habang tinatakpan ang kaniyang mga tainga.

"Huuuu.... Huuuu.... Huuu.... Tama na maawa kayo sa akin...."boses ni Lezlie.

Halos mabaliw na si Venjie sa kaniyang naririnig. Halos sasabog na ang kaniyang utak sa klase-klaseng boses ni Lezlie.

"Patayin muna akooooo!"sigaw nito.

"Hahahaaaaaa...... Hindi pa sa ngayon Venjie. Pero darating din ang oras na iyan. Hahahaaaa...!

Hanggang sa baglaho si Lezlie. Sobra ang panginginig ni Venjie sa takot.

Samantala ay nasa labas si Edward sa kanilang bakuran dahil may kausap ito sa telepono nang may biglang dumaan sa kaniyang harapan na babae. Bigla siyang natulala dahil nawala ito agad. Pinatay niya ang tawag at nagmadaling pumasok sa kaniyang kuwarto. Nagtaka naman ang kaniyang kapatid na lalaki dahil hindi man lang siya pinansin at tuloy-tuloy sa pagtakbo sa kaniyang silid. Sinundan niya ang nakakatandang kapatid dahil nag-alala ito.

Ang Babae Sa BaliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon