Chapter 14

627 27 6
                                        

ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla

Chapter 14

WALANG pakialam si Charles, kahit dumudugo na ang aking labi. Nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa.

"Charles! Ano ba ang ginagawa mo!? Ano bang nangyayari sayo!?"sigaw ko sa kaniya.

Pero hindi man lang niya tinugunan ang aking pagsasalita. Hindi ko na mapigilan ang aking paghagulhol, dahil sobrang takot na ang aking naramdaman sa mga sandaling ito.

"Charles! Saan mo ba ako dadalhin!?"tanong ko, sabay hawak sa kaniyang kamay.

"Tumahimik ka! aniya. Sabay tulak niya sa aking ulo,at nabagok ito sa gilid ng sasakyan.

Unti-unting dumilim ang aking paningin. At kasunod noon ay wala na akong maalala. Nang magkamalay na ako at dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, nagulat nalang ako. Dahil nakaupo na ako sa isang silya, na may tali ang aking mga kamay at may nakatakip sa aking bibig,kaya hindi ako makapagsalita.

Nakita ko si Charles na gumawa ng isang kahon na para itong kabaong. At agad akong nakaramdam ng takot, dahil nasaisipan ko na ako ang ilalagay ni Charles. Nagpumiglas ako at nagbakasali na matanggal ko ang lubid. Pero masyadong nasagad ang pagkatali nito. Wala akong magawa sa mga oras na ito,kung hindi ang pipi kong mga dasal.

Hanggang sa matapos na itong gawin ni Charles, lumapit siya sa akin,at tinanggal niya ang nakatakip sa aking bibig.

"Charles,ano ba ang gagawin mo sa akin?"sabay hikbi ng aking labi.

"Ssshhhhh.... Bakit ka umiyak Sweet? Hindi naman kita sasaktan,"aniya. Sabay laro niya sa aking pisngi na nakangiti.

"Charles,pakawalan mo ako,maawa ka sa akin. Wala akong ginagawang masama."wika ko habang patuloy ako sa pag-iiyak.

" Wala!? Niloloko mo ako! Alam kong may relasyon kayo ni Lester.!" Bulyaw niya sa akin,at nakita ko ang kaniyang sobrang galit sa mukha.

"Charles! Magkaibigan lang kami! Siya ang humawak sa kaso ni Lezlie!"

"Huwag mong banggitin ang pangalan ng iyong kapatid! Huwaaaag.....!"sabi ni Charles,at tinakpan niya ang kaniyang mga tainga.

"Bakit Charles! May kinalaman ka ba sa pagkawala ni Lezlie!?"nanginginig kong tanong. Dahil pakiramdam ko sa mga sandaling ito ay may alam siya sa biglang pagkawala ng aking kapatid.

"Patawarin mo ako Sweet,hindi ko sinasadya. Pinilit lang nila ako..."pagtatapat ni Charles na parang batang nagmamakaawa.

"Hayop ka! Anong ginawa ninyo sa kapatid ko!? Charles! Anong ginawa ninyo sa kapatid ko!?"sigaw ko sa kaniya sa sobrang galit,at nagpumiglas ako.

"Wala! Wala akong ginawang masama sa kaniya! Maniwala ka Sweet wala talaga!"

"Hindi ako naniniwala sayo! Nasaan ang kapatid ko Charles.....!"galit kong boses.

"Hindi ko alam!"aniya,sabay kamot sa kaniyang ulo,at nagpalakad-lakad.

"Sinungaling! Hayop ka! Hayop ka......!"gusto kong lapitan si Charles, para patayin. Pero hindi ko magawa dahil nakatali ako.

"Hindi ka pwedeng makatakas Sweet. Baka ipakulong mo ako. Walang dapat na makakaalam. Kaya magsama kayong dalawa sa hukay."ani Charles sabay tanggal niya sa aking pagkatali.

"Anong gagawin mo sa akin Charles!? Bitawan mo ako! "Pilit akong nakikipaglaban sa kaniya.pero wala akong sapat na lakas dahil hinawakan niya ang dalawa kong kamay na patalikod.

At dinala niya ako sa may mababaw na hukay. At nakita ko roon ang isa pang kahon.

"Nakita mo ba iyan? Nasa loob diyan ang lalaking pinagpalit mo sa akin!"nakangising sabi niya at nahulaan ko na kung sino ang kaniyang tinutukoy.

"Lester.! Lester....!"tawag ko.

"Yhanna,ikaw ba iyan?"sambit ni Lester sa akin,sa mahinang boses.

At muli akong itinulak palakad ni Charles at dinala sa harap ng kahon na kaniyang ginawa. At pilit niya akong pinahiga.

"Charles,maawa ka! Huwag mo itong gawin sa akin.!"

"Kung hindi ka rin lang maging akin! Mas mabuti pang hindi ka mapakinabangan ng iba!"

"Charles....! Charlessss....!"pagsisigaw ko nang tinakpan na niya ang kahon.

"Pakawalan mo ako dito Charles......!pagsisigaw ko,habang hinihila ni Charles ang kahon patungo sa kinaroroonan ni Lester.

Pero si Charles ay para nang binalot ng kadiliman ang kaniyang utak. Kahit anong pagmamakaawa mo ay hindi na niya marinig. Hanggang sa naipasok na niya ako sa butas.

"Yhanna!"boses ni Lester.

"Lester."tugon ko,pero patuloy pa rin ako sa pag-iiyak. Dahil takot na ako sa mga oras ba ito. Pakiramdam ko ay katapusan na namin ni Lester.

"Yhanna,huwag kang mag-alala,makalabas rin tayo dito."wika ni Lester.

"Natatakot ako Lester. Si Charles, may kinalaman siya sa pagkawala ni Lezlie."parang bata akong nagsumbong sa kaniya.

"May awa ang Dios Yhanna,makawala rin tayo dito."

Sinimulan ni Charles,ang pagtambak ng hupa, At naramdaman namin iyon ni Lester at

"Charles........! Maawa ka sa amin........ Wala kaming kasalanan sayo......!"pagsisigaw ko.

Hanggang sa mas lalong nagdilim ang buong paligid at pakiramdam ko ay katapusan na namin iyon ni Lester.

Samantala ay hindi natapos ni Charles,ang pagtambak ng lupa sa hukay. Dahil bigla itong umulan,at iniwan muna niya ito. Para sumilong.

SAMANTALA ay nasa kasarapan ng tulog si Ryan,nang managinip siya.

"Ryan..... Ryan....."yugyog ni Lezlie.

"Hmmm....Lezlie,buti bumalik ka."

"Bumangon ka,at tulongam mo ang aking kapatid at si Lester."

"Bakit!? Anong nangyayari sa kanila?"tanong niya. At biglang naglaho si Lezlie.

Bumangon si Ryan at hinahanap niya ang nobya,at hindi na niya alam kong saan na siya.

"Lezlie.......! Lezlie......! Nasaan ka? Maawa ka huwag muna akong iwang muli. Mahal na mahal kita........ !" Pagsisigaw ni Ryan. Hanggang sa may nakita siyang malaking liwanag na sa tantiya nya ay isa itong malaking sasakyan. At napasigaw siya ng sinagasaan siya nito.

"Huwaaag!"sigaw ni Ryan habang hinihingal. Sabay mulat niya sa kaniyang mga mata at nagulat siya sa kaniyang paligid dahil nasa putikan siya nakaupo.

"Nasaan ako?" Tanong ni Ryan sa kaniyang sarili.

Akmang tatayo na sana si Ryan ng may narinig siyang boses.

Tulong.........!

Tulong.........!

Sa pagkarinig ni Ryan, ay agad siyang dumapa sa putik para pakinggan ang boses.

"Tulong.......!"boses ni Yhanna.

Nang matanto niya na galing sa ilalim ng lupa ang boses. Ay agad siyang naghanap ng panghukay,at nakita niya sa may hindi kalayuan ang pala at mabilis niya itong kinuha at naghukay siya.Hanggang sa mahukay na niya ang isang kahon.

"Tulong..... tulong....."

"Sino iyan!?tanong ni Ryan,bago niya binuksan ang kahon.

At dahil mahina na ang ulan ay bumalik naman si Charles,para tapusin ang kaniyang ginagawa....
.
.
I
T
U
T
U
L
O
Y








Ang Babae Sa BaliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon