Chapter 8

610 24 3
                                        

ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne Juntilla

Chapter 8

HANGGANG sa makarating ako sa may kanto papunta sa amin. Naglalakad akong nakapaa lang. Kaya hindi maiwasan na pagtitinginan ako ng mga nakasalubong ko sa daan. Nang makapasok na ako,nakita ko agad si Mama at Papa na umiiyak. At agad nila akong sinalubong ng yakap.

"Yhanna anak! Saan kaba galing?tanong ni Mama habang yakap niya ako.

"Sobra kaming nag-alala sayo anak"sabat ni Papa na yumakap rin sa akin.

Naintindihan ko ang kanilang naramdaman ngayon. Nag-alala sila na baka ako na naman ang mawala sa kanila.

"Mahabang Kuwento."tugon ko habang yakap ko ang aking mg magulang.

Umupo kami at inabot ko sa kanila ang ID at bolpen ni Lezlie.

"Saan mo ito nakita Anak?"tanong ni Mama na nanginginig ang kamay habang tinanggap niya ang mga ito. At nagsimula na naman ang kaniyang pag-iyak.

"Kagabi Mama,napanaginipan ko si Lezlie umiiyak, humihingi ng tulong. Pero umalis siya kaya sinundan ko siya. Pero bigla siyang nawala at doon ako nakaramdam ng pagud at nawalan ako ng malay. Nagising nalang ako na nasa gubat na pala ako at doon ko ito nakita."kuwento ko sa kanila.

"Tinawagan ko na pala si Lester. Parating na iyon."sabi ni Papa.

"Punta muna ako sa kuwarto Mama para makaligo."paalam ko sa kanila.

"Sige anak,para maghanda na rin ako nang makain natin."tugon ni Mama.

Tamang-tama naman nang matapos akong mag-ayos sa aking sarili ay dumating rin si Lester. Pinasabay namin siya sa aming almusal. Pagkatapos ay pinag-uusapan namin ang tungkol sa nangyayari sa akin kagabi. Agad naman niyang tinawagan ang kaniyang ka team para puntahan ang lugar.

Hindi ko na pinasama ang aking mga magulang dahil ayaw kong madagdagan pa ang kanilang naramdamang sakit. Habang nasa sasakyan kami.

"Gaano muna ba katagal na nakilala ang iyong nobyo?"tanong ni Lester sa akin.

"Mag-iisang taon na kaming magkakilala. Pero mag anim na buwan pa kaming magkasintahan."sagot ko.

"So hindi mo pa siya kilalang lubusan? 'Yong pinanggalingan niya alam mo ba?"

" Hindi. Pero kuwento niya sa akin ay bunso siya,tatlo silang magkapatid. At ulilang lubos na raw sila.

"Umiinum ba siya or nag sisigarelyo?"

"Umiinum siya pakunti-kunti. At hindi ko pa siya nakikitang naninigarilyo."

"Ito basahin mo."sabi ni Lester sabay abot niya sa akin ng isang folder.

Tinanggap ko ito at binasa. Nagulat ako sa aking natuklasan tungkol kay Charles. Dahil galing pala siya sa isang bahay ampunan at kinupkop ng isang may kayang pamilya at itinuring na tunay nilang anak. Pero dahil nalulong sa druga ay ipinakulong si Chalrled rehabilitation ng isang taon. At nang makalaya lumayas sa kanila at tinangay ang pera ng mga magulang. Pero dahil napamahal na siya sa mga umampon sa kanila ay pinabayaan nalang at hindi na ipinakulong.

Natahimik ako saglit sa akin natuklas. Pero umaasa pa rin ako na sana ay nagbago na si Clarles.at sana mali ang aking kutob. Dahil napamahal na sa akin ang aking nobyo.

HANGGANG sa dumating na kami sa lugar. At naroon na rin ang team ni Lester na naghihintay sa amin. Pero hindi pa sila lumapit sa puno. Kapwa kaming bumaba ni Lester at itinuro ko ang lugar kung saan ko napulot na gamit ni Lezlie.

"Dito ko nakita."sabi ko sa kanila sabay turo.

Tiningnan nila ang angulo sa lugar. At ang dalawa naman ay nag-ikot-ikot sa paligid. Ako naman ay tiningnan ko ulit ang puno pero nag-iba na ito wala na ang babae na parang inukit.

"Alam kong hindi ako minalikmata sa aking nakita kanina. Pero bakit wala na ngayon?"pipi kong tanong.

"Sir Martin!?"tawag ng isang ka team ni Lester.

"Bakit?"sagot ni Lester.

"Dito!"sabi nito.

Nagmadali naman akong lumapit para makita ko ang itinuro ng kasama ni Lester. Tiningnan nila ang parte na 'yun sa lupa at may nakita kaming mga bakas sa dugo na sobra ng natuyo. Kumuha sila ng sample at inilagay nila sa plastek. At maliban doon ay wala na kaming nakita pang ibang bagay na magpapalutas kaagad sa kaso. Balak pa sana nila na maghanap-hanap ng iba pang bagay.

PERO bigla nalang humangin ng napakalasakas sa paligid. Nang tumingin ako sa puno nakita ko na naman ang guhit taong babae sa puno ng balite.

"Sir umalis na tayo! Parang may kakaiba dito"boses ng isa nilang kasama na naniniwalang may nakatira sa puno. At ramdam ko ang kaniyang takot.

Ako naman ay dinukot ko ang mobile sa aking bulsa. At kinunan ko ng larawan ang puno. Pagkatapos ay nilisan na namin ang lugar. Hinatid ako ni Lester sa amin at agad naman kaming sinalubong ng aking mga magulang. At nagtanong kung ano ang resulta sa aming lakad. Sinagot naman sila ni Lester. At sinabihan sila na agad ipaalam ang resulta. Hanggang sa umalis na si Lester. At nagpaalam na rin ang na magpahinga muna dahil nakaramdam ako ng pagud. Ginising nalang ako ng aking ina mga bandang hapon.

Sumapit ang gabi at oras na sa pagpapahinga. Nagulat ako nang magsimula na naman ang mga kalabog sa kuwarto ng aking kapatid. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakaramdam ng sobrang takot. Lumabas ako para silipin ang kaniyang kuwarto. Pero nandoon pala si Papa.

"Lez,bumalik kana sa amin ni Mama mo. Sobrang namiss kana namin. Magpakita ka sa akin anak."wika ni Papa.

"Papa!"sambit ko.

"Yhanna, ang kapatid mo nandito siya." Sabi ni Papa siguro narinig rin niya ang mga kalabog kanina.

"Lez, sis kung nandito ka magparamdam ka sa amin." Sabi ko.

Napalingon kami ni Papa dahil dahan-dahang nagbukas ang pinto ng kaniyang kuwarto. Wala kaming nakitang tao pero may mga apak patungo sa baba. Humawak ako ng mahigpit sa aking ama at sinundan namin ito. Hanggang sa huminto ito sa may kusina. At gumalaw ang lahat naming kagamitan. Ang kaninay mahina lang ang mga galaw, pero ngayon ay palakas ng palakas na. Sa isip ko ay nagugutom siguro ang aking kapatid.

"Lezlie,anak! Ano ang kailangan mo? Magpakita ka!"sigaw ni Papa.

"Lezlie,nahihirapan na kami sa kakahanap sayo. Magpakita kana sis. Miss na miss kana namin lalo na si Mama.!"

Biglang huminto ang paggalaw ng mga kagamitan sa kusina. Kasabay noon ang pagbukas ng pinto sa aming sala at pabagsak na ininara.

ARAW NG BYERNES.........
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY.



Ang Babae Sa BaliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon