ANG BABAE SA BALITE
Genre: Mystery/Horror
Author: Jhyne JuntillaCHAPTER 2
DAHIL madilim ang buong paligid kaya hindi matanto ng mga lalaki kung buhay pa si Lezlie nang kanilang lisanin ang lugar. Halos mag-agaw hininga naman si Lezlie sa mga sandaling iyon. Pero nanatili pa rin sa kaniyang isip at puso ang paghihimagsig.
"Ma-ma-magba-bayad ka-kayong lahat!"mahinang boses pero puno sa galit na pilit niyang i-abot sa puno ang kaniyang isang kamay.
Hindi alintana ni Lezlie na pinakinggan pala siya ng balite. Biglang gumalaw ang buong ugat nito patungo sa kaniya. Hinigop si Lezlie ng puno na animo'y niyayakap siya ng mga ugat. Hanggang sa naglaho ang kaniyang katawan.
SAMANTALA ay mag-alas otso na pero hindi pa rin dumating si Lezlie at hindi pa rin ako sinundo ni Charles. Kaya tinawagan ko na ang aking kapatid. Pero hindi ko ito masagi.
"Baka battery low."sabi ko sa aking sarili.
Sunod ko namang tinawagan ay si Charles.
Kringggg..... Kisses..... Calling......
Kringgg..... Kisses.... Calling.......
Kringgg..... Kisses.... Calling....
"Kisses?"nakatatlong tawag ako bago sinagot ni Charles.
"Bakit ang tagal mong sumagot Kisses?"tanong ko sa kaniya.
"Pasensya ka na Kisses nakatulog ako."
"What!? Akala ko ba Charles kakain tayo sa labas!"galit kong sabi sa kaniya.
"Owww! Sorry Kisses nakaligtaan ko. Dahil birthday ng kasama ko na si James kaya nagkainuman kami. Sorry talaga."
"Ganoon ba?Okay lang may ibang araw pa naman. Sige ituloy mo na ang pagtulog mo."tugon ko.
"Okay Kisses. Thanks!"
Pumanhik nalang ako sa itaas para magpalit ng damit. Magpahiga na sana ako nang biglang kumatok ang aking ina.
"Tuloy!"
"Yhan,tumawag ba ang kapatid mo?"tanong ni Mama.
"Walang tawag si Leslie Ma. Sinubukan ko rin siyang tawagan naka off naman ang mobile niya."
"Kinabahan ako Yhany,kanina pa. Sunduin na kaya natin ang kapatid mo."
"Mabuti pa nga siguro Ma."tumayo ako at magkasama kaming bumaba ni Mama. Papalabas na sana kabi nang magtanong ang aking ama.
"Saan kayo Jewel?"tanong ni Papa Aries sa amin
"Aries,ang isang anak mo hindi pa nakauwi."wika ni Mama.
"Bakit nasaan ba si Lezlie?"
"PA,nagpaalam iyon kanina may research daw sa project nila. Pero ang sabi niya ala siyete tapos na sila."
"Tinawagan mo na ba Yhany?"
"Oo,pero off ang mobile niya."
"Sasama na ako!"
Nagmadali kaming umalis at si Papa na ang nagmaneho sa aking kotse. Nang makarating kami sa Univesity ay agad akong bumaba at nagtanong sa guard.
"Guard, may hinahanap kami. Pwede mo bang matawagan ang library kong nasa loob pa ba si Lezlie Pasco.?"
"Sandali lang po Ma'am."sabay tawag ng Guard.
"Ma'am kanina pa raw naka alis , ala sais nag-out sa library."
"Gaanon ba! Sige guard salamat."pagbalik ko sa kotse ay sinabi ko sa aking mga magulang na kanina pa naka-alis."
"Nasaan kaya ang kapatid mo Yhany! Sobra na akong kinabahan."halos mapaiyak na si Mama sa pag-alala sa aking kapatid."
BINABASA MO ANG
Ang Babae Sa Balite
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Horror Author: Jhyne Juntilla MISTERYO NGA BA ANG PAGKAWALA NG ISANG DALAGA O SADIYANG MAY PUMASLANG SA KANIYA?AT SINO ANG ISANG BABAE NA MADALAS NA NAGPAPAKITA SA PAGSAPIT NG HAPON AT GABI SA ISANG LUGAR?